Chapter 17 Meeting Jared's Parents

10.8K 263 5
                                    

Emma's POV

Nadismaya ako kay Jared. Wala na ngang pag asa itong relasyon namin. Akala ko dahil muntik ng may mangyari sa amin, magiging honest ito sa totoong estado ng aming relasyon. Dinala ako ni Jared sa sala upang ipakilala sa parent's niya. "Mom, Dad si Emma po pala kaibigan ko. Kailangan lang ng tulong for a place to stay kaya inoffer ko na ang condo ko." Pagpakilala pa sa akin ni Jared sa parents niya.

Tumikhim ang Mommy niya. Pasulyap lang itong tumingin tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Jared, kaya kami nandito para ipaalam sayo na dadating ang kuya mo from Switzerland. Kasama nito ang asawang si Tina at ang 3 month old nilang baby girl. Sana gayahin mo ang kuya mo na nag asawa ng matino at hindi kung sino sino lang diyan." Sabay tingin ulit ng Mommy niya sa akin.

Tumingin muna ako kay Jared, then sa parents niya. "Jared, alis muna ako at ipaghahanda ko kayo ng lunch." Tumalikod na ako at alam kong ako ang pinatatamaan ng Mom niya. Mana nga ang anak niyo sa inyo bulong ko sa sarili ko. Hindi sa katulad ko mahuhulog ang loob ng anak niyo at sinabi na niya yan sa akin.

Ipinagluto ko sila ng beef kaldereta at chicken adobo. Special ang pagkakahanda ko na kahit sa ganitong paraan makabawi ako kay Jared. Tinawag ko na silang kumain at nagpaalam na ako kay Jared na aalis at uuwi muna ako sa amin. "Hindi ka aalis hanggat sinabi ko!" Alam kong narinig iyon ng parents niya dahil sa taas ng boses ni Jared.

Narinig kong nagsalita ang Dad niya. "Why not, join us first for lunch before you go." Sabi ng Dad niya.

"Oo nga naman Emma. Thanks nga pala for preparing our food." Sabi naman ng Mom niya.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Jared. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato nito. Narinig kong nagsalita ang Mom niya. "Ang sarap mo palang magluto Emma. Mabuti at merong kaibigan si Jared na katulad mo. Maasikaso." Sabi nito.

"Bihira ka ng makakita ngayon ng babaeng maasikaso sa bahay. Kaya nga Mom mo ang pinili ko dahil magaling magluto at maalaga. Salamat sa pagkain Emma." Sabi naman ng Dad nito.

"Welcome po. Favorite po yan ng Tatay ko. Kaya naaalala ko po siya pag niluluto ko yan." Sagot ko naman.

Alam kong naiirita ko na naman si Jared dahil mainit ang ulo nito sa akin. "Hindi sila interesado sa mga kwento mo." Sabi pa nito ng pagalit. Napahiya ako at halos hindi ako makatingin sa parents niya. Hanggang kailan ba ako paparusahan ni Jared?

Tumingin ang Mom nito kay Jared. "Jared hindi ganyan ang pag treat ng babae. Kahit papano dapat respetuhin mo sila." Pagre remind ng Mom niya sa kanya. "Emma, tamang tama pala kung wala kang gagawin this summer, naghahanap ng tagapag alaga sila Brent at Tina ng 3 months old nilang anak na baby girl. Kapatid yun ni Jared at dito daw sila buong summer." Offer ng Mom nito sa akin.

Natuwa akong bigla. Wala kasi akong may maisip na gagawin this summer. "Talaga po? Sige po, ako na lang ang mag aalaga to keep me busy this summer. Gusto ko po kasi ng kapatid. Hindi naman po nangyari. Kaya happy po akong mag alaga ng bata." sabi ko pang excited.

Tiningnan ako ni Jared ng pagalit. "Hindi ka mag aalaga ng bata. Mom, find someone else." Sabi pa nito sa Mommy niya.

Narinig kong nagsalita ang Daddy niya. "Anak, si Emma naman ang mag aalaga at hindi ikaw." Tumatawa pang sabi ng Dad niya.

"At tsaka si Emma ang may gusto. Mainam ng i hire yung may hilig talaga sa pag aalaga ng bata. At the same time kilala mo pa Jared." Pag pupumilit ng Mommy nito.

Nakita kong medyo bumait na ang aura ng Mom ni Jared sa akin. "Yun nga lang Emma pag nandito kasi sila. We all travelled kung saan saan sa Pinas. Hope OK lang yan sa boyfriend mo." Dagdag pa nito.

"Wala naman po akong boyfriend. Yung parents ko lang po, kailangan nilang malaman kung saan po ako pupunta. Other than that wala naman pong problema." Natutuwa ko pang sabi.

Nagpaalam na ang parents ni Jared na aalis na sila. Nagkasundo na kami na ako ang mag aalaga ng anak nila Kuya Brent at Tina. Alam kong ayaw ni Jared at sa umpisa pa lang tutol na ito. Bakit ba? Tanong ko sa sarili ko. Baka naiisip niya na ibubuko ko siya sa aming relasyon? I will not stoop that low. It is enough that I made a mistake. Major mistake in my life na pati siya ay nag suffer din dahil sa pagpapakasal namin. Ang mainam ko na lang gawin ay itama ang mga pagkakamali. Hindi pa naman huli ang lahat. "Jared, hayaan mo na akong mag alaga ng baby. Don't worry hindi naman nila malalaman na kasal tayo. Pag bumalik na sayo si Vanessa. Aalis na ako. Ikaw na ang bahalang mag file ng annullment." Sabi ko pa sa kanya. "Aalis na pala ako at doon muna ako sa amin. Tawagan mo na lang ako pag dumating na si Vanessa." Dagdag ko pa.

Tumingin ito sa akin. "Hindi ikaw ang mag dedesisyon sa kasal na to! Kung uuwi ka sa inyo susunod ako sayo. Babalik tayo sa Linggo ng gabi at doon ka na sa bahay titira." Sabi pa nito sa akin.

Na tense ako sa mga gustong mangyari ni Jared. "Jared hindi naman tayo totoong mag asawa kaya hindi mo ako kailangang dalhin sa bahay mo. Ok fine, dito na ako sa condo. Dito na lang tayo bumalik sa Linggo." Sabi ko pa sa kanya. "At tsaka remind ko lang sayo. Wala na din akong pasok next week. Bakit kailangan ko pang bumalik dito na wala akong kasama. Doon na lang ako sa amin." Pilit ko pa sa kanya.

"Sino bang may sabi sayo na ikaw lang mag isa dito. Dito din ako titira kasama mo." Sabi nito na nagpagulat sa akin. Nalilito ako kay Jared lately. Bakit ba gusto nitong kasa kasama ako palagi. Wala pa naman si Vanessa kaya hindi ko siya maintindihan.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon