Chapter 33 Talking to Emma's Parents

13.3K 258 4
                                    

Jared's POV

Nandito kami ngayon sa sala nila Emma. "I think We need to talk to your parents about this marriage." Sabi ko pa sa kanya. Nakaupo kaming magkaharap dito sa sala.

Tumingin ito sa akin na nagtatanong ang mga mata. "Su---sure! Kung yun ang sa tingin mo na mas magandang gawin at ng matapos na rin ang koneksiyon ko sayo." Madiin nitong sabi sa akin. She's still beautiful despite the frown. The beauty that captivated me all the while. I admit I'm such a jerk.

Nandito na ngayon ang Nanay at Tatay ni Emma kasama namin sa sala. "Bakit mga anak may problema ba?" Usisa ng Tatay ni Emma. Na tinitingnan kami ni Emma.

Nagsalita naman ang Nanay nito. "Natural lang sa mag asawa ang problema. Kung may maitulong kami ng Tatay niyo. Tutulungan namin kayo." Sabi ni Nanay na pinasadahan din kami ni Emma ng tingin.

"Tay, Nay. Hindi po namin sinasadya. Pero hindi pala legal ang naging kasal namin. Nandito po ako para ligawan ulit ang anak niyo at handang pakasalan ito ng paulit ulit." Sabi kong nakatingin kay Emma. Gusto kung iparamdam sa kanya ang totoo kong damdamin.

"Jared huwag na tayong magbolahan pa. Hindi mo ako minahal. Let us just give each other a break!" Sabi pa nitong buo na ang desisyon. "Noong time na tinanong ninyo po ako kung may nangyari sa amin ni Jared. Ang totoo po niyan, walang may nangyari sa amin. Napilitan lang si Jared na pakasalan ako. Patawarin niyo po ako. I just want to come back here at home pag natapos ko na po ang trabaho ko." Umiiyak na sabi ni Emma sa mga magulang nito.

"Napalapit na po sa puso ko si Emma. Kaya gusto ko lang pong humingi ng pahintulot ninyo na ligawan ko po siya." Sabi kong hindi tinatanggal ang tingin kay Emma.

"Para ka na ring anak namin Jared. Pero si Emma ang tanging mag dedesisyon kung ano ang gusto niya sa buhay niya." Nagsalita ulit ang Tatay ni Emma na nakatingin sa kanya. "Anak nandito lang kami na sumusuporta sayo. Kung ano ang desisyon mo, nandito kami na nakaalalay sayo." Sabi nitong sabay yakap kay Emma. Nakita kong humagulgol si Emma lalo na ng niyakap din ito ng kanyang ina.

Nanlulumo akong umalis ng gabing iyon. Hindi ako dumiretso sa amin. Sa bahay ko ako umuwi this weekend. Narealized ko na life is totally different without Emma by my side. Ang lungkot na feeling ko may kulang sa paligid.

We have our family dinner here at home kaya ok na rin na pumunta ako. In that way maibsan ko man lang ang nararamdaman kong loneliness. "O Jared iho bakit mag isa ka lang? Saan si Emma?" Tanong ni Mommy ng pagbuksan ako ng pintuan. Himala hinahanap nito si Emma.

"She's with her parents Mom. Babalik naman yun sa Monday para may mag alaga kay Abigael." Sabi ko pa kay Mommy.

"Hinahanap ko si Emma to be with us. In our family dinner. Gusto ko na kasama natin siya tonight." Dagdag pa ni Mommy. Hindi ko rin maintindihan si Mommy. Siya itong ayaw kay Emma at nagsiwalat sa totoong estado ng kasal namin. Bakit biglang parang umiba ang ihip ng hangin.

Narinig kong nagsalita si Ate Tina. "Jared, I invited my cousin Vanessa. Sa condo mo pa rin pala siya nakatira." Sabi ni Ate Tina.

"Ah oo, doon muna siya hanggat di pa siya nakakakita ng place niya." Sagot ko naman dito.

Dumating si Vanessa on her skimpy clothes. I lost my admiration with her, my attraction. Iba ang hinahanap ko. "Jared, I miss you!" Sabay halik sa pisngi ko at lingkis sa mga braso ko.

"Kailan na ang kasalan kasi." Biro naman ni Daddy. Nakita kong nakaismid si Mommy.

"Malapit na po Tito. Naghihintay lang kami ni Jared ng tamang pagkakataon." Dagdag pa rin nito. Hindi ko lubos maisip kung bakit naiirita si Mommy. Di ba boto naman ito kay Vanessa? Mas lalo itong nairita at hindi na maipinta ang mukha habang nag PDA si Vanessa sa akin.

Nagsalita si Mommy. "Kumain na nga tayo at ako'y nagugutom na." Putol pa ni Mommy sa usapan. Habang nakaismid ito.

"So what's up cousin. Babalik ka pa ba abroad for your modeling career?" Dinig kong tanong ni Ate Tina kay Vanessa.

"Naku hindi na. Dito na lang ako mag concentrate sa Pinas to be with Jared." Dinig kong sagot nito.

Nagsalita si Kuya Brent. "That's a good decision Vanessa. You stay where Jared is." Sabi ni Kuya.

"Eh di pwedeng pwede ka palang sumama sa mga family excursion namin. We will be in Catanduanes next week." Yaya pa ni Daddy sa kanya.

"Sure! Freelancer naman ako. I will cancel all my commitments for next week to be with Jared." Sagot naman ni Vanessa na nakatingin sa akin.

"Nag text si Drake. He will be here next week too. Tamang tama at masaya pag marami." Dagdag naman ni Kuya Brent na humahalakhak.

After ng dinner naglalambing si Vanessa na ihatid ko ito pauwi. "Vanessa, I'm tired tonight. I'm staying here at ipapahatid na lang kita sa driver ko." Diretsahang sabi ko sa kanya. "Vanessa, just to remind you na wala na tayong ugnayan sa isa't isa. Kaya stop assuming na may responsibilidad pa rin ako sayo." Sabi ko pa sa kanya. Ayokong umaasa si Vanessa na magkakabalikan pa rin kami.

Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. "At sino ang ipinalit mo sa akin? Ang hampaslupang Emma na yon? Ano ba ang ginawa niya sayo na hindi ko kayang gawin? Ha! Ano ba ang binigay niya sayo na hindi ko kayang ibigay? Jared lahat gagawin ko para sayo." Umiiyak na hikbi nito.

"Jared, Ipahatid mo na si Vanessa kay Mang Anton." Putol ni Mommy sa pag hyaterical ni Vanessa.

Pero hindi nagpapigil si Vanessa. "I promised you Jared babalik ulit ang pagmamahal mo sa akin. Akin ka lang! At sabihin mo sa mang aagaw na Emma na yan na hindi siya magtatagumpay." Sabi nitong puno ng galit ang mga mata.

"Huwag mo ng isali si Emma sa mga selfish decisions mo. Huwag mo siyang bastusin at ako ang makakaaway mo. I will call Mang Anton to drive you home." Bigla akong tumalikod para hanapin si Mang Anton.

It's a relief na umalis na si Vanessa. Naiirita na ako sa kanya. Wala naman siyang karapatang maging possessive sa akin dahil matagal na niya akong iniwan.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon