Chapter 32 Free at Last

13.5K 278 5
                                    

Emma's POV

Ang aga kong gumising, nagbihis at ready na akong umalis away from Jared's family house. Medyo lito ang isipan ko sa mga nangyayari sa amin ni Jared at kailangan kong lumabas ngayong araw para makapag isip ako ng matino.

Sa ganito akong pag iisip ng masilayan ko si Aling Pacita sa kusina. "Aling Pacita. Aalis po muna ako. Uuwi po muna ako sa amin." Paalam ko pa sa kanya.

"Nandiyan si Mam sa garden nagka kape. Pwede ka ring magpaalam sandali sa kanya." Sabi ni Aling Pacita.

Kaya dumiretso na ako sa garden at nakita ko kaagad si Mrs. Galvan, malalim ang iniisip. "Mrs. Galvan. Good morning po. Aalis po muna ako. Pero sa Monday ng umaga babalik rin po ako dito." Paalam ko pa sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata ng marinig ang boses ko.

"Emma nandiyan ka pala. Alam na ba ni Jared na aalis ka? At bakit doon ka sa maid's quarter natulog? Ayaw ni Jared na doon ka matulog. Sa susunod doon ka na matulog sa bedroom ni Abigael. Ikaw talagang bata ka." Seryoso nitong sabi. Himala mabait ang aura nito sa akin ngayong umaga.

"Hindi naman po kailangang malaman ni Jared kung saan ako pupunta at wala naman po kaming relasyon. Salamat nga po pala dahil kung hindi sa inyo, hindi pa namin alam na hindi pala kami totoong kasal. Yaya po ako ni Abigael kaya okay lang po na sa maid's quarter ako. Aalis na po ako." Paalam ko sabay talikod.

"Sandali at tulog pa si Jared. Magpahatid ka kay Mang Anton." Sabi pa nitong natataranta.

"Huwag na po. Hindi naman ako dediretso sa amin. Magli libot lang ako sandali to clear my mind. Tsaka po ako uuwi sa amin. Salamat na lang po." At dali dali na akong tumalikod.

Kailangan kong umalis sa bahay na ito. My mind is so cloudy at this time. I just need to be outside, out of here, to think things through. I turned my cellphone into a silent mode at para walang istorbo sa akin.

Hindi ako umuwi sa amin. Hindi maging madali ang gagawin kong pag amin sa parents ko sa pekeng kasal namin ni Jared. Hindi basta basta ang naging kasalanan ko sa kanila. Alam kong madisappoint ko sila. Pero sila na lang ang pamilya ko. Sila ang mga taong tunay na nagmamahal at nakakaintindi sa akin.

Mayroon pa naman akong pera dito na naisave ko galing sa allowance ko. Iniwan ko na kagabi sa bedside table ni Jared ang credit card na binigay niya. Mas mainam na walang nagko connect sa aming dalawa. After this summer hindi ko na rin ito makikita pa. I won't be reminded of my stupidity. Of this silly stupid love.

Ang aga pa rin at di pa ako ready na umuwi sa amin. Makapanuod nga ng sine. Nagandahan ako sa hollywood movie na pinapanood ko kaya inulit ko ito ng kung ilang beses.

Nang lumabas ako ng sinehan, gabi na pala. Kailangan kong tumawag sa amin at ipaalam sa parents ko na uuwi ako ngayong gabi. Kaya ng mai open ko ang cp ko, sobrang dami ng voicemail at text messages. All coming from Jared. Tinatanong kung saan na ako. Nagmumura na ito dahil sa hindi ko sinasagot ang tawag at text messages nito.

Kaya tumawag na ako sa amin. "Inay pauwi na po ako diyan." Sabi ko kay Nanay.

Nag buntong hininga ito sa kabilang linya. "Saan ka ba kasi galing na bata ka? Nandito ang asawa mo at kanina pa naghihintay sayo dito." Sabi ni Nanay.

Ang asawa ko? Ano naman ang ginagawa ni Jared sa amin? Hindi ba ito naman ang gusto nito ang finally maging free sa pamimikot ko sa kanya. All the while nag suffer pala ako ng walang ka reason reason. Hmmp! Ako pa nga ang lugi dito. He stole my first kiss, he is my first and one true love. Wala namang may nawala sa kanya. Baka hinahanap niya ang credit card niya.

Mai text nga ito. ME: Bakit mo ako hinahanap? I left your credit card at the bedside table.

JARED: I don't care about that fucking credit card. I'm so worried about you!

ME: Kung alam ko lang na nandiyan ka sa bahay ngayon. Hindi na sana ako uuwi diyan.

JARED: Don't you dare test my patience. Umuwi ka dito at worried ang mga tao sayo!

Hindi ko na ito sinagot pa. Kung bakit na naging concern pa ito sa akin ngayon na wala namang responsibilidad ito sa akin. Everything doesn't make sense.

Nang dumating ako ng bahay nandoon pa rin si Jared sa sala. Malagkit akong tinitingnan at galit ang mga tingin na ipinupukol sa akin. Sinalubong ako ng Nanay at Tatay ko. "Ikaw na bata ka. You made us worried. Pati asawa mo hindi mo na naisip. Kanina pa yan nag aalala at naghihintay sayo dito." Sabi ng Tatay ko.

"Kumain muna kayo at mag usap. Tapos na kaming kumain. Kayong dalawa na lang ang hindi pa kumakain at hihintayin ka na lang daw ni Jared." Sabi ng Nanay ko.

Dumiretso na ako sa kusina at nag prepare ng dinner namin ni Jared. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa balikat habang nakatalikod ako. "You made me so worried. Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko." Sabi nito sa akin.

Nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari. "Well sanayin mo na ang sarili mo na wala ako sa tabi mo. Marami ka namang babae diyan. Kaya believe me, madali mo akong kalimutan."

"Hindi ka kung sino sinong babae lang. Ikaw ang babaeng pinakasalan ng isipan ko. You consumed everything in me. Ang puso ko at ang isipan ko. Wala ng may ibang dinidikta kundi ikaw lang." Sabi pa ni Jared na pilit akong pinapaharap sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata.

"Kumain na nga tayo. Alam kong gutom ka lang at kung ano ano ang sinasabi mo." Sabi ko sa kanya upang ma distract ito.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon