Jared's POV
Nandito ako ngayon sa opisina ko. Sa ilang araw na kasama ko si Emma parang may kung anong kakaibang atraksiyon akong nararamdaman para dito. Deep inside of me, gusto kong mapalapit ito sa akin. Katulad ngayon siya lang ang laman ng isip ko. Di ba dapat na si Vanessa ang laman ng isip ko? Na kaya nandito si Emma sa buhay ko ay para pag selosin si Vanessa para tuluyan itong mag stay dito sa Pinas? Bakit na instead si Vanessa ang nag occupy ng isip ko, bakit bawat minuto si Emma ang pumapasok dito? Hindi ko dapat ito maramdaman. Niloko ako ni Emma and I can't let her trap me again.
Nag ring ang phone at napatigil ako sa pag iisip. "Jared anak! I miss you. Kailan ka bibisita sa bahay? Anak, may ipakikilala kami ng Daddy mo sayo. Anak ng business associate ng Dad mo. Siguradong magugustuhan mo siya." Sabi ni Mommy.
"Hi Mom. I miss you too. Hindi na ako interesado sa ibang babae Mom." Sagot ko naman kay Mommy.
"Si Vanessa pa rin ba? Anyway anak, just give yourself a chance to meet someone new. Mas mainam ng kilala namin ni Dad mo to continue our business legacy. hindi na kung sino sino lang diyan." Sabi ni Mom na puno ng pangangaral kung sino ang pipiliin kong magiging asawa. I hang up with my Mom and tried to evaluate the things that's going on in my life. I met Vanessa through family introductions as her parents were also business partners in our company. Nagkaroon kami ng relasyon, live in together for awhile, until she decided to further her modeling career in France.
We have a long distance relationship and the effort to communicate often is laid on my plate. Nang hindi pa dumating si Emma sa buhay ko, I was totally controlled by my feelings towards Vanessa. Kahit na sino mang fling ang dumating sa buhay ko, walang may papalit sa nararamdaman ko sa kanya.
Matawagan nga si Emma. Mabuti at sinagot naman nito ang tawag ko. "Emma si Jared to. What is the exact time na sunduin kita? Busy ako at wala akong oras maghintay." Sabi ko dito.
Tumikhim ito sa kabilang linya. "You need to relax too Jared. I will not let you wait, I'll see you at the parking lot where you dropped me off earlier. Di naman na busy sa school at ilang weeks summer na. Sige, baka mamaya naistorbo pa kita. Break namin eh. I'm hanging out with my friends sa school oval." Sabi nito sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng selos. "And who are you hanging out with? You have to be careful." Sabi ko sa kanya.
"I am with Kate and Eric. I'm careful and far from them right now. I have to make sure I don't tell anybody of our marriage. If they happen to see us. I will tell people that we're friends. So, wala kang dapat ikabahala. Mahal na mahal kita kaya kung ano ang gusto mo ay masusunod." Sabi nito sa kabilang linya. "Kumain ka na ba?" Dagdag pa nitong tanong.
Napangiti ako. "Hindi pa. Bakit, ipagluluto mo ba ako?" Tanong ko naman sa kanya.
"I will as long as you let me. Sinabi ko naman sayo na gawaing bahay lang ang hilig ko. Kaya kung mag grocery tayo. Ipagluluto ko kayo. Nagustuhan ni Drake and Dianne ang mga hinahanda ko. Also don't forget, today is Dianne's last day. I want to cook something special for her." Sabi pa nito.
Ngayon ko lang napagtanto na napakaasikaso pala nitong si Emma. Alam kong nasasaktan ko siya sa mga pinanggagawa ko, lalo na sa mga gestures na binibigay sa akin ni Dianne, pero hindi ko ito nakitang nagagalit. Baka pakitang tao lang niya ito. Hindi ko pa rin nakalimutan why we ended up being married. Kaya malaking chance na she's trying to trapped me in so many other ways para lang mahalin ko ito. I am attracted but I don't think so I will fall in love with someone like her.
Oo nga pala. Tomorrow na ang flight ni Dianne. Si Drake na lang pala ang tao doon sa condo ko. With the way he looks at Emma, malamang na magustuhan niya ito. Wala na ngang ibang bukang bibig kundi si Emma lang.
I'm beginning to be jealous and so possessive of Emma. This is not what I'm expecting. I gave in to her demands and in return I asked her to help me out how to get Vanessa back. Why can't I stick with that plan? Why changed of heart now?
I arrived in the parking lot and saw her with Kate and that must be Eric the guy with them. Naka focus lang si Eric kay Emma. I was fuming jealous kasi naka smile all the time si Emma sa kanya. Nakita ko ring hinawi nito ang buhok ni Emma na pumupunta sa mukha nito dahil sa hangin. Mukhang uulan yata at dali dali na ang dalawa
na nagpaalam kay Emma.Nakita ako ni Emma. "Sorry Jared. Kanina ka pa ba?" Tanong nito.
Nakangiti ito at lumalabas na naman ang dimple sa mukha. "Kararating ko lang. You looked like you're having fun with your friends." Sabi ko pa sa kanya.
"That's Eric hanging out with me and Kate. So how's your day?" Tanong nito sa akin. It feels good na mayroong tao na interesado kung kamusta ang araw ko.
"Thank you for asking. Just busy with my work. Nasa point kasi na marami kaming branches na inoopen kaya nakaka stress din." Sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti ito. "Jared, I'm just here if you need someone to talk to. I know I did lie in this marriage, if you can't accept me as a wife, just let me be your friend." Napatingin kami sa isa't isa. Bigla ko na lang itong niyakap. Yakap na napakahigpit at parang ayaw ko itong bitawan.
"Naku Jared we have to go. Mamaya maulanan tayo dito." I was so smitten by Emma. I am just blind. Tama nga si Drake halos lahat nasa sa kanya na.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.