Jared's POV
Sa wakas napahiwalay din ako kay Dianne. Nakita ko si Drake na kasa kasama ang mga barkada nito at ni anino ni Emma hindi ko na nakita. "Drake, saan na si Emma?" Tanong ko dito. Pero mukhang lasing na ito at hindi na maayos kung sumagot. Shit! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari man dito.
Natataranta na akong hinahanap ito. Ngunit hindi ko ito makita. Hindi din ito sumasagot sa phone niya. I walked heading near a quiet corner ng makita ko si Emma na may kasamang lalake. Nagseselos ako sa nakita ko pero natakpan lahat ng selos ng makita ko siyang okay. "Emma, I've been looking for you." Sabi ko sa kanya at tiningnan ang lalaking kausap nito. Nakatutok ang tingin nito kay Emma.
Pagalit na tumingin sa akin si Emma. "Kanina ko pa kayo hinahanap." Sabi nito sa akin. "Arthur, si Jared nga pala kaibigan ko. Jared si Arthur nakilala ko lang dito. Salamat for the company." Sabi nito kay Arthur.
"Anytime. I'll see you in school." Pahabol pang sabi ni Arthur kay Emma.
Ngayon ko lang nakita itong nagagalit. "Jared, kung alam ko lang na pababayaan mo lang naman pala ako dito sa bar. Sana hindi mo na lang ako dinala dito. Ganon ba katindi ang galit mo sa akin at gusto mo akong ipahamak?" Sabi nitong may namumuong luha sa mga mata.
Sa sobrang pasasalamat ko na nakita ko si Emma. Bigla ko itong niyakap. "I'm sorry. You don't know how happy I am to see you." I am now holding her face. Napatingin ako sa mga mata nito, nakikita ko ang lungkot ang pagtatampo nito. Napatingin ako sa mga labi ni Emma. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, hinalikan ko ito sa labi. Banayad lang sa umpisa hanggang sa lumalim ang ang aming halikan. Napaungol ito sa mga ginagawa kong mga halik. Pareho kaming habol ang hininga ng magkahiwalay.
"We will just go ahead and leave this place. Sinabihan ko na si Drake at si Dianne na mag taxi na lang pauwi." Sabi ko kay Emma.
Tumingin ito sa akin. "Sana hindi mo na lang ako dinala dito. Alam kong hindi mo ako kayang mahalin. Ang hiling ko lang na kung pwedeng huwag mo na lang akong ipahamak?" Sabi niya na tuluyang tumulo na ang mga luha.
Hinawakan ko ang mga kamay nito. "Hindi yan ang intensiyon ko. Gusto ko na maging masaya ka rin. Sorry kung feeling mo napabayaan kita." Sabi ko sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa condo. "Thank you for bringing me home." Sabi niyong tahimik na dumiretso na sa bedroom nito.
Naaawa ako sa kanya. Wala na akong ginawa kundi pasakitan ang asawa ko. Asawa? Parang bigla akong nagising sa pag iisip ko. I followed her inside her bedroom pero naka lock na ito. "Emma this is Jared. Open the door." Habang kumakatok sa kanyang pintuan.
Narinig ko itong humihikbi. "Jared bakit? Nagbibihis ako." Sabi pa nitong boses na umiiyak.
"You open this damned door!" Pagalit ko pang sabi. I just can't stand it na umiiyak pa rin ito.
She opened the door. I saw her walking away facing the window. "Can you just go? Lasing ka lang. Mag usap na lang tayo pang hindi ka na lasing." Sabi nito sa akin.
"Nakainom ako pero hindi ako lasing. Can I just lie down here?" Pakiusap ko pa sa kanya. Nahiga na ako ng diretso sa bed niya.
"You can. It's your house. I wish hindi mo na ako ihahatid or sunduin sa school. I'm beginning to get scared of you. I promise you I will help you bring back Vanessa. Just don't go near me for now. It's not necessary." Dinig kong sabi niya.
"No! In this marriage, you do as I want." Di ba ito naman ang gusto ko na lumayo ang loob ni Emma sa akin? Bakit ngayon ayaw kong pumayag sa mga gusto nito. Bumagon ako at niyakap ko ito mula sa likod.
She's trying to break free from my hug. "Ano ba Jared. Bitiwan mo nga ako. Kaya ka ganyan ngayon dahil lasing ka lang. Please, I promised to talk to you when you're not drunk." Sabi nitong habang itinutulak ako.
Lumapit akong muli sa kanya. Niyakap ko ito at yung pag pupumuglas niya kanina ay napalitan ng pagiging mahinahon. Hinahagod ko ang likod nitong niyayakap pa rin ito ng mahigpit. "I want you to forgive me before I let you go." Sabi ko pa sa kanya.
Naramdaman ko na lang na niyakap din niya ako ng mahigpit. "Wala kang gagawin na hindi ko mapatawad. Mahal na mahal kita Jared." Naramdaman ko na lang na hinalikan ako nito sa labi. Tinugon ko rin ang mga halik ni Emma. Para akong nalulunod sa aming ginagawa. Hindi ko namalayan na pinahiga ko na ito sa kama. I was touching her breasts while kissing her on the neck. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero natanggal ko ang damit nito pati na ang bra. Namangha ako sa sobrang ganda nito. "You are so beautiful!" Sabi ko sa kanya habang lumalakbay ang aking kamay sa hita at papunta sa dibdib nito. Napaliyad si Emma at narinig kung umungol when I started to kiss her breasts.
"Jared!" Sabi ng pilit na pinipigilan ang boses. Patuloy lang ako sa aking ginagawa ng mag ring ang phone ko. "Jared, yung phone mo." Sabi ni Emma. Dali dali akong bumangon at si Dianne pala. Pauwi na daw sila.
"Good grief! Magbihis ka na diyan. I'm going now." Sabi ko sa kanya at dali daling umalis sa condo.
Muntik ng may mangyari sa amin ni Emma kung hindi lang tumawag si Dianne at kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako sa kanya. Walang minuto na hindi ito ang laman ng isip ko. Hindi ko kailan man nararamdaman ito kahit kanino. Kahit kay Vanessa na pilit kong sinasabi sa isipan ko na mahal ko. My thoughts are just so consumed with her. I need to remind myself about Emma's lies, her ploy just for me to marry her.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.