Chapter 2 High School Life

23.1K 383 3
                                    

Jared's POV

Maagang natapos ang klase at istambay mode kami ng mga kabarkada ko sa high school. This is our last year in this university, sa high school kaya we are just taking our time to enjoy. May kanya kanya kaming girls na hinahangaan at yung iba sa mga kabarkada ko ay may mga girlfriend na.
Inaabangan ko si Tricia as usual. Nililigawan ko ito at nag text siya sa akin na may importante daw siyang sasabihin mamaya.

Narinig kong nagsalita si Brix. "Uy mga pare chicks at batang bata." Sabay kaming lahat na napalingon.

May nag iisang babae na lumalakad papunta sa amin. Napakaganda nito, maputi, makapal ang mahabang buhok. "Hi! I'm Emma first year high school dito. Hello Jared! May ibibigay lang ako sayo." Sabi nitong walang kyimeng nag introduced ng sarili. Nagulat ako pero mas lalong nakakagulat ng may binigay itong card sa akin. Sabay namang alis ni Emma pagkabigay ng card.

Nagulat ang mga kaibigan ko at kinakantiyawan na nila ako. "Hanep Jared. Buksan mo nga ang card at ng makita natin ang laman." Saad ni Melvin na excited.

Binuksan ko ang card at sabay sabay naming binasa: DEAR JARED, I WANT YOU TO KNOW THAT I LIKE YOU. ALWAYS, EMMA

"Pare! Type na type ka!" Sabi ni Brix na humahalakhak.

"Wow! Matindi talaga ang kamandag mo Jared. Ikaw pa ang nililigawan." Dugtong naman ni Melvin.

Napaisip ako. "Alam niyo mga pare. It's either na baliw lang ang babaeng yun o di kaya puppy love lang ang nararamdaman niya. May gatas pa nga iyon sa labi." Sabi ko naman.

Sa ganon kaming pag uusap ng dumaan si Tricia. "O siya, mauna na ako sa inyo. Nandiyan na si Tricia." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Tinulungan kong dalhin ang mga libro ni Tricia. Papunta na kami sa parking lot kung saan naghihintay ang driver niya at sa kabilang sasakyan naman ang driver namin. "Jared, medyo matagal tagal na rin ang panliligaw mo. I want you to know that I love you too!" Sabi nitong sabay yakap sa akin.

Sa sobrang saya ko nahalikan ko siya sa labi. "Tricia, you made me very happy today. I love you so much!" Sabi kung tuwang tuwa na sa wakas naging girlfriend ko si Tricia.

Nagtawagan at nag text kami ni Tricia buong magdamag. Naaalala ko naman si Emma ng gabing iyon. Palaisipan siya sa akin. Bakit niya ako kilala? Hindi ko matandaan kung saan ko siya na meet. Ang ganda nito ngunit napakabata pa nito para sa akin. Bakit ko ba siya iniisip? Si Tricia lang dapat ang laman ng isip ko.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon