Emma's POV
I cried that night dahil alam kong kailanman Jared will not make love to me. I always felt rejected being despised in this marriage. Nakatulog akong may sama ng loob kay Jared. Maaga pa kaming nagligpit ng gamit, nag almusal at nagpaalam na sa parents ko na aalis na kami. Hindi ako gaanong nakikipag usap kay Jared habang bumibiyahe kami. Isang tanong at isang sagot lang ang binibigay ko sa kanya.
Narinig kong nag ring ang cell phone nito habang nag da drive. "Vanessa! How are you sweetie?" The moment I heard it parang pinira piraso ang puso ko. I have this weird feeling na one day, iiwanan na ako ni Jared. "Alright! Great. I'll see you at the condo." Dinig kong sabi nito sa kausap.
"Well, that's Vanessa. Finally she's here. I want you to pretend that I am pursuing you. In that way she will feel threatened and will stay here for good." Sabi nito sa akin na parang ang simple lang ng sitwasyon.
Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Ayokong mahalata niya na nasasaktan ako. kahit man lang sa ganitong paraan mabayaran ko ang naging kasalanan ko sa kanya. Na dahil nagsinungaling ako sa magulang ko na may nangyari sa amin kaya napilitan si Jared na pakasalan ako. "Jared, sinabi ko naman sayo na tutulungan kita para bumalik sayo si Vanessa." Sabi ko sa kanya na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Don't worry Jared hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan niyo." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Buti na lang at busy ito sa pagda drive.
"Dadaan muna tayo sa restaurant para bumili ng pagkain. Gustong gusto ni Vanessa ng pizza. Ikaw ba ano ang gusto mo? Para madaanan na rin natin ang gusto mo." Tanong pa nito sa akin.
"Don't worry about me. Whatever you guys want. Ok lang sa akin." Sagot ko naman sa kanya. I know he's just asking me for the fact na kasama niya rin ako. I feel so worthless this time. Wala akong may sinisisi sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko kundi ang sarili ko. Narinig kong nag ring ang phone ko. Eric calling... Hindi ko kayang makipag usap kahit kanino. Not right now.
"Someone's calling you. Sino ba yan? Bakit di mo sagutin." Utos pa niya.
"Si Eric tumatawag." Wala sa mood kong sagot.
"Then, shut that goddamned phone off!" Ang pagalit nitong utos.
Honestly, wala akong time makipagtalo kay Jared. Ano ba'ng problema nito? Hinanap ko ang cellphone ko at nai off ko ito. That's how he treated me para lang akong utusan na kung ano ang gusto niya dapat sinusunod ko.
Dumaan kami sa isang Italian restaurant. I just remained seated sa sasakyan. Narinig ko ang pag unlock niya ng kanyang seatbelt. Nag buntong hininga ito. "Di ba sinabi ko sayo na ayokong nakikipag usap ka sa mga lalaki na yan?" Sabi niya na may galit ang tono ng boses nito.
Tumingin ako sa kanya. "Pwede ba. Hindi ko na nga kinakausap si Eric. Ano bang problema mo?" Pagalit ko ding sagot sa kanya.
"You brought me into this marriage and against my will. Now you have to serve your purpose first before you do something stupid!" Pagalit na sigaw nito sa akin.
Hinawakan ko siya sa kamay to calm him down. "Jared... Calm down. Bakit hindi natin ayusin ang relasyon natin. Hindi pwede na palagi na lang tayong nag aaway. Paano pa natin mapapaniwala si Vanessa na gusto mo ako kung lahat ng galaw ko, hindi mo gusto. Why can't we be friends Jared? Mas madali nating mapabalik sayo si Vanessa kung maging friends tayo at makita niyang gusto mo ako." Explain ko pa sa kanya.
"Ok friends." Sabi niyang nakatingin sa akin. Ang gwapo gwapo niya. Yung mga mata na deep set at matangos niyang ilong. He is a perfect husband.
"Ganyan... I like us to be friends. Alam kong may kasalanan ako sa yo. Pero, pinagsisihan ko na yon. Alam mo ang swerte ni Vanessa dahil nakuha niya ang pagmamahal mo." Sabi ko pa sa kanya.
Tumingin ito ng seryoso sa akin. "Maswerte ka rin at maraming nagmamahal sayo." Sabi nitong puno ng emosyon ang boses.
Ngumiti lang ako. "Ganon ba... Mas masarap kong mahal ka rin ng mahal mo." Bigla kong naalala na mali yata yung sinabi ko. Baka iniisip ni Jared na hahabulin ko pa siya. "Naku Jared. yung ibig kong sabihin na pag nagmahal ako sa future dapat mahal din ako. Who knows ma meet ko na din siya bukas o makalawa." Sabi ko pang napahagikhik.
Parang nairita na naman ito sa sinabi ko. "Hindi ka hahanap ng iba hangga't hindi mo natutupad ang usapan natin!" Paangil nitong singhal sa akin.
Tumingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. "I'm sorry. Just ignore me. I'm just a hopeless romantic. I understand my purpose in your life..." Hindi ko tinanggal ang pagtama ng aming mga mata. nakita ko na lang itong tumitingin na sa aking mga labi.
Narinig ko na lang itong biglang nagmura. "Dammit! Let's go. We need to order Vanessa's pizza." habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok.
I think I need to get used to this feeling of rejection. Sana maging mabilis na rin ang pagbalik ni Vanessa kay Jared. Para matapos na rin ang paghihirap ko. Narinig kong nag ring ulit ang cellphone nito. Iritable niya itong sinagot. "Vanessa, I'm telling you we're on our way." Ang suplado naman nito kay Vanessa. Paano ba ito babalik sa kanya kung sinusupladuhan niya ito.
Tumingin ito sa akin. "May gusto ka bang bilhin? At ng mabili ko rin ang gusto mo." Tanong nito sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Kaka grocery lang naman natin. Marami pa akong pwedeng lutuin sa condo. Tsaka wala naman ng pasok. Mamalengke na lang ako kung kailangan." Sabi ko pa sa kanya.
Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Ako naman ay anxious na at kung kakayanin ko bang makita sila ni Vanessa na naglalambingan. I think dapat kong ipasok sa isipan ko ang purpose ko sa buhay ni Jared at Vanessa.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.