Chapter 18 Visiting Emma's Parents

11.2K 277 3
                                    

Emma's POV

Nag grocery muna kami ni Jared para may dala kaming pagkain sa bahay. Para lang kaming totoong mag asawa at nagkakasundo kami sa aming ginagawa. Maaga pa kaming dumating ng bahay. Na surprised ang parents ko pagkakita sa amin. Narinig kong nagsalita ang Tatay ko. "Salamat Jared anak sa pagdala dito kay Emma. Miss na namin siya." Niyakap ako nito at si Jared naman ay nagmano sa Nanay at Tatay ko.

Naluluhang niyakap ako ng Nanay ko. "Miss na kita anak. Magpahinga muna kayong mag asawa sa room mo Emma at ako na ang bahalang maghanda ng makakain." Sabi pa ng Nanay ko.

Naramdaman ko na kang na sumusunod din pala si Jared sa likod ko ng pumasok ako sa kwarto ko. Maliit na nga ang space sa room ko, mas lalo pang sumikip ito dahil sa presensiya ni Jared. "Mahiga ka na muna diyan sa bed at ililigpit ko lang ang mga damit natin." Sabi ko pa sa kanya na hindi siya tinatapunan ng tingin. Naiilang akong kasama ito sa room ko.

"Bakit na hindi mo na lang muna hayaan ang mga gamit na yan diyan sa bag. Magpahinga na muna tayo dito." Sabi pa niya na nakahiga na sa bed ko.

Narinig kong nag ring ang phone ko. Si Arthur pala ang tumatawag. Gusto ko sanang i ignore pero baka importante ito. "Hello Arthur." Sabi ko pa sa kabilang linya.

Tumikhim muna ito. "Emma good afternoon. Yayain sana kita for a date ngayong tapos na ang pasukan." Sabi pa nito sa kabilang linya.

Hininaan ko ang boses ko. "Arthur busy kasi ako this summer eh. Mag aalaga ako ng bata kaya wala ng oras pang makipag date." Sabi ko pa sa kanya.

"Ah ganon ba. I'll just call you every now and then na lang." Nagpaalam na si Arthur. Alam kong naririnig ako ni Jared. Hindi naman ako nakokonsensiya at wala akong may ginagawang masama.

"Lahat ba ng lalaki na makilala mo ay nagpapaligaw ka?" Tanong nitong nakakunot ang noo.

Napatingin ako sa kanya. "Wala pang may nanligaw sa akin at lahat ng babae gustong maramdaman na sinusuyo, nililigawan. Iniiwasan ko kasi sila at naka focus lang ako sayo noon." Sabi ko pa sa kanya.

"Hindi mo na sila binibigyan ng clue na may pag asa pa sila." Diin pa nito.

"Alam mo Jared. I realized na they need to know pala na may pag asa sila. Wala namang chance ang relasyon natin. Bakit hindi ko bibigyan ng chance ang ibang lalaki?" Sabi ko pa sa kanya.

Tumayo ito at hinawakan ako ng mahigpit sa balikat. "Hanggat hindi bumabalik si Vanessa. Wala kang karapatan na makipag relasyon sa ibang lalaki!" Sabi pa nitong galit na galit.

I put my fingers on his lips. "Shh! Ang boses mo. Baka marinig ka nila. Oo na, ikaw na ang masusunod." Sabi ko pa para wala ng gulo. Pero hinawakan nito ang kamay kong pinangtakip sa bibig nito. He held one of my fingers and brought it to his mouth and suck it. dahil sa ginawa ni Jared, nangatog ang aking tuhod. Bigla akong nanghina at bumilis ang pintig ng aking puso. Hinalikan niya ang aking pulso at dinilaan iyon. Napaungol ako sa ginawa ni Jared. "Ohh!" Parang feeling ko tumigil ang mundo ko. I felt this sensual strange feeling. Samahan pa nito ng pangangatog ng tuhod ko. Ng may marinig akong katok sa pintuan ko.

"Emma, Jared ready na ang dinner." Sabi pa ng Nanay ko.

"Nandiyan na po Nay!" Sagot ko. Binitawan ako ni Jared na ngumingisi ang mukha. Parang wala lang sa kanya ang mga pangyayari. Sanantalang ako eto nangangatog ang tuhod at bumilis ang pintig ng aking puso.

Dali dali akong lumabas ng kwarto na hindi man lang tumitingin kay Jared. Naiinis ako sa nangyayari sa amin, sa sarili ko. Sa mga pinanggagawa ni Jared. Feeling ko pinaglalaruan ako nito. Ano ba ang gusto nitong mangyari ? I agreed with him na tutulungan ko ito kay Vanessa. I think he was just playing with my feelings. May time na mabait ito sa akin at may time din na naiinis.

Sumunod pala ito sa akin at nandito kami ngayon sa hapag kainan. magkatabi kami ni Jared at tahimik ko na lang itong nilagyan ng pagkain sa plato nito. Nagsalita si Jared. "Salamat for the dinner Nay. Kaya po pala masarap magluto si Emma." Sabi pa nitong nakatingin sa akin.

Tumingin si Nanay sa akin. "Yan ang bilin ko kay Emma na pagsilbihan niya ang asawa niya." Sabi pa nito.

"Kailan ba kami magkakaapo? Mahilig yan si Emma sa bata. Sigurado aalagaan niyang mabuti ang magiging anak niya." sabi pa ng Tatay.

Nagsalita na ako. "Tay wala pa po kaming plano ni Jared na magkaanak. Nag aaral pa po kasi ako." Sabi ko sa kanila para matapos na ang usapan.

Tumingin si Jared sa akin. "Ako gusto ko na pong magkaanak. Pag binigay po ng Diyos pasasalamatan ko na po yun." Sabi nitong nakangiti pa.

Kanino naman kaya nito gustong magkaanak. Ofcourse kay Vanessa, stupid me. May gana pa itong ngumiti. Nakakapikon lang. Pero ano ba ang mapapala ko kung palagi akong nasasaktan. Dapat maging manhid na ako when it comes to Jared. Honest naman ito na si Vanessa ang gusto niya. Kaya sisihin ko ang sarili ko dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong mamahalin ni Jared.

Nandito kami ngayon sa bedroom ko. Tinitingnan ko ang buong kwarto ko. napatingin ako sa kanya. "Ang liit ng kama ko. Paano ba tayo niyan kakasya diyan?" Tanong ko pa kay Jared.

Napangiti ito. "Magkakasya tayo diyan. Hindi mo naman ako siguro gagapangin." Pagbibiro pa nito sa sitwasyon.

Bigla akong namula at nainis sa sinabi niya. "Hindi ako ganon ka desperada. I might be desperate of your love but I will not stoop that low. Jared I do get it! Hindi mo ako kayang mahalin!" Sabi ko pa sa kanya.

Lumapit ito sa akin. "Shh... Akala ko ba ayaw mong marinig ng parents mo ang totoong sitwasyon?" Sabi pa nito sa akin.

Tinanggal ko ang mga kamay nitong nakalagay sa aking braso. "Bitawan mo nga ako. I will just take a shower." Sabi ko while stepping back. Ewan ko ba bakit ako napipikon kay Jared. I shouldn't be affected by every words he said. Alam ko naman sa umpisa pa lang na hindi ako mahalaga sa kanya.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon