Emma's POV
Nakita ko kung paano mairita si Jared kay Vanessa. In a way natuwa ako sa hindi pagkakaunawaan nilang dalawa. Di ba yun naman ang gusto ko. Kaya nga pinikot ko si Jared. All of a sudden parang nakonsensiya ako sa mga pangyayari. I brought him misery dahil until now galit pa rin ito sa akin.
Nandito kami ngayon sa parking lot ng condo at hila hila ni Jared ang kamay ko. "Jared, ano ba? Bitawan mo nga ako." Sabi ko sa kanyang nagsusumamo.
Tumingin muna ito sa akin. "You know what? Pare pareho lang kayong mga babae. Si Vanessa na pagkatapos kong mahalin, sinasaktan ako. Pero ikaw mas masahol ka pa sa kanya! Ginawa mo pa akong gago para pakasalan ka!" Sabi nitong galit na galit.
Parang wala na akong may magawa sa sinabi ni Jared. Masakit ang mga binitawang salita nito pero yun ang totoo. I looked at him in the eyes. Puno ng galit ang mga mata nito. sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Tumulo na ang mga luha ko. "Hindi mo ba ako kayang patawarin sa mga maling desisyon na nagawa ko?" Tanong ko sa kanya. Wala akong may makitang reaksiyon ngayon sa mukha niya. Blanko ang mukha at nakatingin lang sa aking mga mata.
Dali dali akong lumapit sa kanya at buong higpit na niyakap ko ito. "I'm sorry for all the misery that I brought. Pinagsisihan ko na ang pamimikot sayo." Sabi kong hindi na mapigilan ang pagluha. Ang sama at ang selfish kong klase na babae. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya maraming bagay akong ginawa para lamang mapasaakin si Jared.
Habang yakap yakap ko ito, naramdaman kong pilit na tinatanggal nito ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. "Ayusin mo ang sarili mo at didiretso na tayo sa bahay." Binuksan nito ang sasakyan para papasukin ako. Tahimik kami buong biyahe. Hindi ko na rin siya kinikibo at emosyonal na rin ako dahil sa mga nagaganap sa amin ni Jared. Marami akong pagkakamali kay Jared. Napakalaki ng pagkakamali ko na dati ko ng pinagsisisihan. Ang sakit pala na ikaw lang ang nagmamahal. Nawawala ang respeto mo sa sarili mo, pati na respeto ng ibang tao. I was just crying right now. I can't help myself to stop crying. Sh$it! I don't want to feel like this. Ayokong nakikita ako ni Jared na ganito. Emosyonal at miserable sa buhay.
Nakita kong lumingon ito sandali sa akin ng nasa stop light kami. "I'm sorry Emma for the hurtful things I've said." Sabi nitong hinawakan ang mga kamay ko.
Mas lalo akong napaiyak sa mga gestures niya. "That's Okay. That's the truth anyway." Sabi kong tumutulo na naman ang mga luha. Truth hurts na minsan kailangan ko lang din tanggapin. Hindi ako kailan man pwedeng mahalin ni Jared. He doesn't love me but hates everything about me. Parang nagawa ko naman na ang lahat. Napakita ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal, napagsilbihan at nagpakababa na ako sa kanya dahil lang sa letseng pagmamahal na to. Hinding hindi ako mamahalin ng lalaking ito kahit na ano pang gagawin ko. Sana sabihin na nito kung ano ang gagawin niya sa akin. Bakit kailangan pa niya akong i torture ng ganito? Gusto pa niya akong mag stay sa kanya. Para ano pa? Para na mas masaktan pa ako? Ewan ko nga ba sa lalaking ito. Wala naman na akong silbi sa kanya at dito na nga for good si Vanessa. Maliwanag ang pagkakasabi ni Vanessa sa kanya.
Anyway, tapusin ko na lang siguro ang next three months na summer na to sa piling niya. Kaya nga niya ako dinala sa bahay nito dahil mag aalaga ako ng anak ng kapatid niya. Other than that baka dinispatsa na ako nito. Kaya sundin ko na lang ang hiling nito. Magiging maayos din ang buhay ko sa huli. Sana may lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Paano pa pala akong mamahalin ng iba eh hiwalay akong babae. Mabuti kung aayusin naman ni Jared ang annullment namin. Gusto ko mang ako ang mag ayos nito wala naman aking perang panggastos. What a miserable and pitiful life I have!
Dumating kami sa bahay ni Jared at nakita ko ang driver niyang si Mang Anton na nagbukas ng gate. Bumaba na ako at hindi ko na hinintay pa si Jared. Nakita kong naghihintay sa sala si Aling Pacita. "Good evening po Aling Pacita." Sabi ko sa kanya.
"Pasok ka ija. Umupo ka muna at ng makapagpahinga ka. Tinawagan na ako ni Sir Jared na dadating ka. Nakahain na ang pagkain pati na rin ang kwarto mo na tutulugan." Sabi nito sa akin. Napakabait ni Aling Pacita. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay magaan na ang loob ko dito.
"Salamat po." Sabi ko sa kanya. Nakita ko si Jared na papasok. Dala dala ang mga gamit ko.
Dali dali akong lumapit sa kanya. "Jared ako na. Sorry nawala ako sa sarili ko. Nakalimutan ko ang mga gamit ko." Sabi ko na pilit kinukuha ang mga gamit kong bitbit nito.
Nagkatinginan kami habang nahawakan ko ang kamay niya at bumaba ang mga tingin nito sa mga labi ko. Naaasiwa akong bigla at parang napaso sa magkadikit naming kamay. I withdraw my hands abruptly at narinig ko itong nagsalita. "Ako na at dadalhin ko lang ito sa bedroom mo." Sabi niya.
Niyaya na kaming kumain ni Aling Pacita at nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Jared. Ayaw naman ng magpatulong ni Aling Pacita pagkatapos naming kumain.
"Itituro ko sayo ang room mo at ng makapagpahinga ka na." Sabi nito sa akin. Sinundan ko lang ito habang paakyat ng hagdan.
"Ito ang room mo at sa kabila lang ang sa akin. Kaya kung may kailangan ka. Katukin mo lang ako. Bukas na dadating sila Kuya. Ok lang ba sayo na mag aalaga ka ng anak nila? Ayokong dahil lang sa na pressure ka nila Mommy at Daddy kaya ka pumayag." Sabi nito sa akin.
"Naka oo na kasi ako. Isa pa wala naman akong gagawin this summer. Unless na ayaw mo na akong makita at gusto mo na akong umuwi sa amin." Sagot ko naman sa kanya.
"Gusto ko nandito ka lang." Bigla ako nitong niyakap na nagsalita. "I'm sorry." At tumalikod na ito.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.