Emma's POV
It feels good to be in Jared's arms. Feeling ko nawawala lahat ng sama ng loob ko sa kanya when I'm on his arms. His soothing male voice and scent made me lost in his embrace. I felt protected, I felt secure in his arms. Sana ganito na lang kami palagi. Sana matutunan niya rin akong mahalin. Sana...
Feeling ko andami kong hinihiling na imposible. Paano akong matutunang mahalin ng isang Jared? Hindi mangyayari yun. Hindi ako ka level ni Vanessa na isang model at napakaganda. Bakit ba kinukumpara ko ang sarili ko kay Vanessa? Maraming nagkakagusto sa akin except for Jared. Natawa ako sa realization na hindi ako mahal ng asawa ko. Bahala na. Walang may mangyayari kung kaawaan ko ang sarili ko. What I need to do is to accept the fact sa reality ng marriage na ito. Basta pag natapos ko na ang pag aalaga ng anak ng Kuya ni Jared this summer, aalis na ako. I need to move on without Jared. Wala na din akong purpose sa buhay nito. Bumalik na si Vanessa at for good na dito sa Pinas. Eh di magsama sila! Hindi ako forever na aasa sa pagmamahal na kailan man di niya kayang ibigay sa akin.
Pero palagi akong talunan when it comes to my heart. Pag kaharap ko na si Jared, para akong tanga begging for his love. Longing for his attention. Maaga akong nagising upang tumulong sa paghahain ng almusal ni Jared. "Good morning po Aling Pacita. tutulungan ko po kayong mag prepare ng breakfast ni Jared." Pagbati ko kay Aling Pacita.
"Good morning Iha. Naku ako na dito. Magpahinga ka na. Niluluto ko lang ang paboritong breakfast ni Sir Jared. Scrambled eggs, tocino and chinese fried rice." Sagot nito sa akin.
"Ok lang po. Wala naman po akong ginagawa. Ako na po ang gagawa ng fried rice." Sabi ko kay Aling Pacita. "Hindi naman po ako amo dito. Magiging Yaya po ako ng anak ni Kuya Brent." Dagdag ko pa.
"Ah ganon ba. Sige at para maagang makapag almusal si Sir." Sabi nito.
Natuto akong magluto sa murang edad dahil sa mga magulang ko. Pasalamat ako sa kanila dahil tinuruan nila akong maging responsable. Tamang tama ng bumaba si Jared nakahanda na ang almusal. "Good morning Aling Pacita. Good morning Emma." Bati nito sa amin.
Narinig kong nagsalita si Aling Pacita. "Good morning Jared. Naku maswerte si Brent at magiging amo pala nitong si Emma ang kapatid mo. Masipag ito at tinulungan nga niya akong mag prepare ng almusal mo." Sabi pa ni Aling Pacita.
"Sige po at may gagawin pa ako sa itaas." Paalam ko kay Jared at Aling Pacita.
"No! You don't go upstairs. you eat with me here. Sige na Aling Pacita. Ako na ang bahala dito." Pautos nitong sabi.
Napaka authoritative ng boses ni Jared. Feeling ko wala na din akong may magawa. Hinila ko ang upuan at umupo sa harap niya. "Nakakahiya Jared at gusto mo pang sumabay akong kumain sayo. Ang baho ko pa kaya. Samantalang ikaw bagong ligo at ang bango bango mo pa." Sabi ko sa kanya.
Napangiti ito sa sinabi ko. "Huwag mong sabihin na umagang umaga nanggigigil ka sa akin." Pabiro nitong sabi.
Biglang uminit ang mukha ko at nahihiya sa pang aalaska sa akin ni Jared. "Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Sabi ko habang sinusulyapan ang gwapo nitong mukha. Napaka gwapo nito at perpekto ng mukha nasa kanya na yata lahat.
"Kumain ka na at baka matunaw ako sa kakatingin mo." Pangito nitong turan at nakatingin sa akin ng malagkit.
Inirapan ko na lang ito at tahimik din akong nagkuha ng pagkain ko. Samantalang si Jared naman ay sarap na sarap sa kinakain nito.
"Alam mo masarap ang sinangag na kanin ngayon. Eto ang fried rice na gusto ko. Si Manang ba ang nagluto nito?" Tanong nito bago sumubo ulit.
"Ako ang nagluto niyan. Hayaan mo everytime na magkatiyempo ako. Ako ang magluluto sayo." Sagot ko pa sa kanya.
"Paano ka pang makakapagluto sa akin kung mag aalaga ka ng anak ni Kuya." Sabi pa nito sa akin.
"Pag may free time lang tutulong ako kay Aling Pacita. Hilig ko talaga mag alaga ng baby at wala din akong may gagawin this summer." Sabi ko pa kay Jared.
"Gusto mo pala baby eh kung buntisin na lang kaya kita?" Sagot nitong nakangisi. Habang tinitingnan ako ng malagkit.
Biglang nag init at namula ang mukha ko sa tinuran ni Jared. "Magandang magkaanak sa lalaking mahal ako. Kawawa naman kami ni baby niyan eh alam ko namang hihiwalayan mo ako. Nandiyan na si Vanessa at ayokong maging sagabal sa pagmamahalan niyo." Dagdag ko pa. Yun naman ang totoo. Malapit ng matapos ang misyon ko sa buhay ni Jared. Ako din nasasaktan pag naiisip ko na hindi naging successful ang mga gusto ko at paaalisin na ako nito dahil wala na akong silbi sa buhay nito.
Nakita kong tumigil ito sa pagsubo. "Bakit ko bubuntisin ang babaeng ayaw magkaanak? Eh di doon ako sa babaeng gusto ng anak. Sigurado pa akong aalagaan ang magiging anak ko." Dagdag nitong nakangisi. "Pero paano naman kita mabubuntis eh ayaw mo namang maka score ako sayo. Nasampal mo pa nga ako kagabi." Sabi pa nitong sabay halakhak.
Naalala ko ang mga pangyayari kagabi. Nahiya ako tuloy kay Jared. "I'm sorry. Di ko sinasadya." Sagot ko sa kanyang nahihiya.
"That's Ok Emma. Nakatulong naman ang cold shower. Pero minsan di ko na kaya. Lalaki lang ako at may pangangailangan." Sabi pa nito.
Niligpit ko ang mesa afterng almusal habang nag prepare naman si Jared papunta ng opisina. Nagpaalam ito sa akin at sinundan ko na lang ito ng tingin. Napaka gwapo nito sa supt na pormal na damit. Hanggang tingin na lang ako sa kanya. Alam kong mahirap siyang abutin. Hindi kami nababagay sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.