Jared's POV
I am so jealous of Emma seeing Eric today. Masakit din ang mabalewala sa relasyon na ito. Ako ang palaging nambabalewala sa nararamdaman nito. Marami akong naging kasalanan sa kanya. Hindi kaya't sumusuko na ito? At kung sumuko man ito. Di ba ito naman ang gusto ko? Or am I just lying to myself until now. I'm fighting this feeling in which I knew, I will never win. Alam kong ako din ang masasaktan in the end. Nagseselos ako kung may magbibigay sa kanya ng atensiyon. Hindi kaya't I am just self centered na hindi ko man lang siya binibigyan ng sapat na atensiyon. Tapos ngayon nagtitimpi ako sa selos ko. Iba ang pinapakita ko sa kanya, kumpara sa nararamdaman ko.
Maaga akong nagising and as usual nandito na sa kusina si Emma na tumutulong kay Aling Pacita. "Good morning!" Bati ko sa kanilang dalawa.
"Good morning Jared. Food is ready." Yaya pa sa akin ni Emma. Nagtama ang aming mata sabay naman ng pag ring ng cell phone ko.
"Hi good morning Vanessa." nagpapatulong itong samahan ko at may gustong bilhin mamaya. "Sure! I will be there. See you later." Sabi ko pa.
Napansin kong tahimik lang ito at hindi kumikibo habang kami ay kumakain. Nag iba lang ang mood nito after tumawag si Vanessa. "Bakit ang tahimik mo? OK ka lang ba?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong lagyan ng pagkain sa plato.
Hindi ito makatingin sa aking mga mata. "Jared, aminin ko man o hindi alam kong alam mo na nasasaktan pa rin ako tuwing malaman ko na nagkamabutihan kayo ni Vanessa." Mahina nitong sabi na umiiwas ng tingin sa akin.
Naaalala ko na naman ang pakikipagkita nito kay Eric. Siya lang ba ang may karapatang magselos? "Alam mo na sa umpisa pa lang kung anong klaseng relasyon ang pinasok mo. At di ba napagkasunduan na nating dalawa na pagselosin si Vanessa? Ngayon mo ako tulungan. Sumama ka sa akin ngayon papunta sa opisina and from there sunduin natin si Vanessa." Sabi ko pa sa kanya. "Ngayong araw din ang dating ni Kuya Brent at Ate Tina. Samahan mo na rin akong sunduin sila sa airport mamaya. Usually sa bahay ko sila nagsi stay pag nandito sila." Dagdag ko pang sabi sa kanya.
"OK." Maikli lang nitong sagot. Nang matapos kaming kumain liligpitin pa sana nito ang hapag kainan pero pinigilan ko na ito.
"Iwanan mo na yan diyan. Magbihis ka na." Utos ko pa sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at biglang nag iwas ito. She has the most innocent eyes I have ever seen.
Nandito na ako sa sala at naghihintay kay Emma. Actually first time ko siyang dalhin sa opisina. I was stunned when I saw her getting down the stairs. She's so beautiful, looks so stunning on her floral above the knee dress. "Ang bagal mo. Bilisan mo na diyan at marami pa akong gagawin sa opisina." Utos ko pa sa kanya. Ayokong mahalata niya na may paghanga ako sa kanya.
"Sorry. Nahirapan kasi akong maghanap ng damit na isusuot. Ayaw din kasi kitang mapahiya pag kasama mo ako." Sabi pa nito sa akin.
Emma looks so vulnerable. Lahat na lang ng katangian ng isang babae, ng isang girlfriend at ng isang asawa ay nasa sa kanya na. Pero ni pagpapahalaga ay hindi ko naibigay sa kanya. Puro sarili ko ang iniisip at circumstances naming dalawa kung bakit hindi ko siya mabigyang pansin.
I opened the car passenger door at hindi ko na lang isinama si Mang Anton. Ako na lang ang mag drive ngayong araw. "May gusto ka bang daanan bago tayo dumiretso sa opisina?" Tanong ko pa sa kanya.
"Wala naman. Don't worry about me. OK lang ako." Sabi nito sa akin ng pasulyap. "Thank you pala for bringing me out today." Dagdag nito.
"You're welcome. You can come with me as often as you would like to." Sabi ko naman sa kanya.
"Oh, I would love to. Pero mag uumpisa na akong mag alaga ng bata. May malaki na akong pagkakaabalahan ng oras ko." Sabi pa nito.
Napatingin ako saglit sa kanya. "It seems like you're bored in my house. Kaya ka ba lumabas kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong ko pa sa kanya.
"Kinda bored. Busy ka naman kasi palagi and who am I for you to keep my company? Kaya hindi din ako nagde demand sayo. Alam ko kung saan ako lulugar." Sabi nitong mahina ang boses. "Ang baby ang magpapa busy sa akin. I think magiging mabilis ang summer ko. I can go back to my parents at the end of summer. You can stay with Vanessa by that time. Just don't do it this time while I'm by your side. Baka mamatay ako sa selos." Sabi pa nito.
Natahimik ako sa mga sinabi ni Emma. Parang naging blanko ang isipan ko pagkatapos niyang sabihin ang mga nararamdaman niya. Nandito na kami ngayon papasok sa opisina at nakasunod ang mga mata ng emplyeyado ko sa kanya. Naging curious ang mga ito sa babaeng kasa kasama ko ngayon. Magmula noon, si Vanessa lang ang babaeng dinadala ko dito sa opisina. Tahimik lang din si Emma. Maski siya alam ko, ayaw na pinag pyestahan ang buhay. Hindi ito sanay sa buhay na kinagisnan ko. I promised myself that I will protect you Emma and no one can harm you when you're beside me.
"Dito ako nag opisina sa 17th floor. Kaya welcome kang pumunta dito anytime you feel bored." Sabi ko pa sa kanya.
"Wow! Jared this place is beautiful. I can see the whoke city from here. Ang ganda ng view ng office mo." Sabi pa nitong puno ng admiration ang boses.
"Thank you! Well you can come back anytime you want to keep me company." Saad ko pa sa kanya. Sabay kindat.
Ngumiti muna ito sa akin. "Well busy na kasi ako sa baby." Sabi pa nitong nakatingin sa akin.
"Pwede mo namang dalhin ang baby dito. Magpahatid ka kay Mang Anton." Dagdag ko pa sa kanya.
Magaan ang aming conversation ni Emma. Nag iba lang ang mood nito ng tumawag si Vanessa.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.