Ken's POV
Nagmamadali akong bumaba ng kotse ko. Halos takbuhin ko na din papasok ang Night Club na ito sa Taguig. Sa sobrang dami ng tao ay hirap akong makita yung tao na pakay ko dito. Palinga-linga ako. Hanggang sa nag-angat ako ng tingin sa ikalawang palapag. Nakita ko yung babaeng tumawag sa akin kanina habang nasa meeting ako.
Bianca!
Mabilis kong inakyat ang hagdan para lapitan ito..
"Bianca? Where's Madaam Rita??" hingal na tanong ko dito. Nakabusangot niyang tinuro ang babaeng nakahiga ngayon sa pabilog na sofa, nakatakip sa mukha nito yung sling bag niya habang hawak-hawak parin ang phone. Mabilis kong nilapitan si Rita at kinuha ko ang phone nito, tsaka ko ibinigay kay Bianca ang sling bag. Tinupi ko ang polo ko para maayos kong mabuhat si Madaam. Dahan-dahan ako sa bawat paghakbang pababa ng hagdan. Sinusundan ko si Bianca dahil nauuna itong naglakad para hawiin ang mga tao para makadaan kami ng maayos.
Maingat kong ipinasok si Rita sa loob ng kotse ko. Tulog na tulog na ito sa labis na kalasingan kaya hindi na ako nahirapan pang isakay siya dito.
"Ito na yung sling bag niya oh. Salamat talaga Sir Ken hah? Wala kasi talaga akong matawagan na pwedeng mag-uwi diyan."
"Okay lang. Tama ka naman ng taong tinawagan eh."
"Aysus! Iuwi mo yan ng maayos sa bahay hah! Naku Sir Ken! Sinasabi ko sayo!!!" pagbabanta nito kaya natawa ako.
"Sige na. Ako ng bahala sa kanya. Ipapasundo ko na lang din yung kotse niya. Pabanggit na lang sa mga guards diyan sa entrance.."
"Oo! Ako ng bahala!"
Nang makaalis si Bianca ay muli kong tiningnan si Rita. She's so wasted. Tsk. Bago ko paandarin ay kinabit ko muna yung seatbelt sa kanya. Nakapikit ako habang ginagawa ko iyon. Mahirap na.
Huminga ako ng malalim ng maikabit ko na ang seatbelt nito. Bakit ba kasi ganitong klaseng damit pa yung pinagsusuot niya.. Nahiya yung langit sa halos labas na niyang kaluluwa dahil sa damit na yan. Tss..
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa Mansion Villarin.
Malapit na kami sa entrance ng gate ng automatic itong bumukas. Kasabay ng pagkaway ni Mang Kanor, ang isa sa head security ng pamilya Villarin. Pagkatigil ko ng sasakyan ay kita ko na agad ang nagmamadali at tila nag-aalalang si Lili, ang personal na nag-aasikaso kay Rita dito sa bahay.
Binuksan ko ang bintana ng kumatok si Lili.
"Sir Ken? Ayos lang ba si Madaam?? May sugat ba siya?? Ano bang nangyari sa—— bakit ganyan yung mukha ni Madaam??? Bakit kalat-kalat yung lipstick niya sa gilid ng bibig? Parang nakipaghalikan yan sa sampung lalaki hah???" natawa ako sa reaksyon nito. Muli akong napatingin kay Rita at natatawa na naman ako at napailing ng makita kung gaano ka-wasted ang lagay nito. Lagi na lang talaga siyang gumagawa ng problema sa sarili niya. Tss. Kailan ba ito magbabago?
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."