Night

215 25 0
                                    

Ken's POV




Maagang umuwi si Rita ng bahay—- pag out ko kasi by 6pm ay wala na ito sa office niya. Kailangan ko na din umuwi dahil ngayong gabi ay sa mansion Villarin uuwi si Sir Romeo. Nasabi na nito sa akin kanina. Hindi na madalas sa Mansyon umuuwi si Sir Romeo dahil umiiwas ito sa di nila pagkakasunduan ng anak niya. Naiintindihan ko naman si Sir Romeo. Minsan, naaawa din ako dito sa pagsasagot at sigaw ni Rita dito. Pero masyadong mabait ang Dad niya. Alam ko kung gaano nagsikap si Sir Romeo na maging maayos ang relasyon nila ng anak niya pero wala eh. Wala talagang progress. Bumili ng isa pang bahay si Sir Romeo at doon sila nakatira ng bago nitong asawa na labis din ang kabaitan. Mahaba din ang pasensya nito sa ugali ni Rita.






Saksi ako kung ilang beses nila sinubukang ipaliwanag kay Rita ang sitwasyon pero sarado parin ang isip nito na makinig, sa pagtanggap. Sana nga kaya kong maipaliwanag at ipaintindi sa kanya iyon eh. Sana kaya ko siyang matulungan.










Pagpasok ko sa Mansyon ay dumiretso ako sa room ko na nasa unang palapag. Nagbihis ako ng pambahay tsaka lumabas at tumungo sa kusina para hanapin si Mama. Naabutan ko itong naghuhugas ng pinggan kaya lumapit ako dito.


















"Ma, tulungan ko na kayo diyan."











"Naku anak! Kumain ka na muna ng dinner. Sandali, iinitin ko lang sa microwave.."









"Ako na lang po Ma. Salamat."







Kinuha ko sa ref ang isang tupperware na may lamang ulam tsaka ko ito ininit sa microwave. Hinanda ko ang pagkain ko at nagpasyang dito na lang sa loob ng kitchen kumain, baka kasi bumaba sa dining area si Rita at makita na naman ako. Masira ko pa ang gabi niya.









"Ma, nakauwi na si Rita diba?"









"Ah, oo. Maaga ngang umuwi."







"Si Sir Romeo po? Nandito na?"







"Oo, pero nasa masters bedroom na yata."









"Hindi sila nag-usap ni Rita?"















"Hindi kami nag-usap. Okay na?" mabilis akong napalingon sa likod ko ng makita ko si Rita. Nahulog ko pa yung kutsara sa sahig dahil sa gulat. Kinabahan ako bigla. Mas lalo  yatang mapapatid yung paghinga ko ng unti-unting naglakad si Rita palapit dito sa counter bar kung saan ako kumakain. She's wearing an oversized black shirt and white pajama. Wala din itong makeup, nakasalamin lang ito at naka half bun ang shoulder level hair nito.









Nagtaka ako dahil umupo ito sa harap ko. Magkaharapan kami ngayon.









"Manang Carmen, do we have almond milk?"









"Almond Milk? Ako na lang kukuha." sabi ko dito.







"Si Manang Carmen ka ba?" mataray na tanong nito. Pinabalik naman ako sa upuan ni Mama tsaka ito nagmadaling kumuha ng almond milk sa ref.








Ang senyorita diba? Kaya naman niyang kunin yun para sa sarili niya—- inutos pa niya.









"Kain." nahihiyang alok ko dito habang minamadali kong ubusin yung pagkain ko.










UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon