Rita's POV
PUMASOK lang naman ako sa RDV ngayon dahil may important meeting kami regarding sa status ng company's financial statement and it's financial stability.
"Yeah—— I'm expecting this kind of loss. Dahila sa pag pull out ng biggest project sa atin. But—— hmm— in the end of the day, this is business. Susugal—- may matatalo, may mananalo."
Nakatayo ako sa harap ng mga board members habang nagsasalita. Hawak ko ang isang laser pointer habang nakatutok ito sa malaking screen dito sa conference room. Isang gabi ko lang ginawa ang presentation na ito at sa wakas—- patapos na ako. Mag-iisang oras na kasi akong nakatayo at hindi naman ako pwedeng umarte na nangangalay na ang mga paa ko dahil wala namang nakakaalam sa kanila ng totoong kundisyon ko. Professional ako pagdating sa trabaho—— kahit na kaharap ko si Dad at yung lalaki na sumusugat sa puso ko, tuloy lang ang pagsasalita ko. Kahit na ramdam ko—— kanina pa nakatingin si Ken sa akin—- well , dapat lang naman dahil ako ang nagsasalita—- pero feeling ko nakafocus itong nakatingin sa akin. Sa loob-loob ko, baka may dumi ako sa mukha, okay lang ba ang suot kong red lipstick? Yung buhok ko? magulo ba?.
"Kahit na ganito ang nangyari this year—— sinisigurado ko sa inyo, magpapasko parin kayo na masaya." sabi ko sa kanila. Napatingin ako kay Bianca ng mag-react ito.
"Ay? Kami lang ang magpapasko na masaya? Ayaw mo jumoin Madaam?" natawa ang ilang board members. Mapakla akong natawa tsaka ako bumalik sa seryosong awra.
Never kong tinapunan ng tingin si Ken. Kahit na kanina pa ito panay taas ng kamay para magtanong or magsalita. Hindi naman ako gago para hindi ko tawagin ang pangalan niya. Ready parin akong makinig sa ideas niya for this company—— pero tulad ng sinabi ko, never akong tumingin sa kanya. Ibinabaling ko ang tingin ko sa iba. Alam ko pansin iyon ng mga tao doon pero wala akong pakialam.
Nang matapos ako ay tumayo na si Architect Simion para magbigay ng update sa amin. At dahil walang vacant chair para makaupo ako ay doon na lang ako umupo sa upuan ni Arhitect Simion——- at katabi iyon ng upuan ni Ken. Kung minamalas ka nga naman oh. Pero wala akong magawa, no choice ako —— kanina pa sumasakit ang mga paa ko——- at hindi naman ako dating ganito. Maybe dahil ito sa pagbubuntis ko? I don't know.
Kahit hindi ako nakaharap kay Ken, alam kong nakatingin ito sa akin. Ako? tuloy ang focus ko sa pakikinig kay Architect Simion.
Kalagitnaan ng pagsasalita ni Architect Simion ng dumating ang pinakuha ni Sir Alfredo na drinks. Nagulat ako na mga alak iyon. Mga sunog baga talaga tong mga board members. Jusko.
Nagulat ako ng ilapag ng server sa harap ko yung dalawang bote.
"Madaam oh!! Alam na !!" rinig kong sabi ni Bianca. Napatingin ako kay Ken ng kunin nito ang isang bottle at binuksan iyon, kasabay ng paglagay nito ng alak sa glass. Inilapit niya ang glass sa akin. Ngayon, napatingin na ako sa kanya.
"This is yours." rinig kong sabi nito. Napatingin ako sa glass na inilapit niya sa akin.
"Hindi ako iinom." mahinang sabi ko dito, sapat lang para hindi madistract yung nagsasalita sa harap.
"Ganyan kaba kagalit sa akin, pati alak tinatanggihan mo." rinig kong sabi nito. Ngayon umiwas na ako ng tingin sa kanya. Naiinis ako. Iyon ang nararamdaman ko. Nanatili akong tahimik at hindi siya inimik. Hanggang sa matapos nang magsalita si Architect Simion. Sumunod na nagsalita ay si Ken. Tahimik itong tumayo at pumunta sa harapan.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."