Rita's POV
NAKATITIG AKO SA VANITY MIRROR. Bakit ganito ang pakiramdam ko, bakit ako kinakabahan. It's just a party. An Anniversary party ng mga Clifford. At dahil naging importanteng kliyente namin sila ay hindi pwedeng walang representative ang RDV. Sasaglit lang naman ako doon. Makita lang nila ako , okay na yun. Hindi din naman siguro ako mag-eenjoy doon. Wala naman yatang heavy drinks doon. Mas gusto ko pang pumasok ng club ngayon, kaso hindi naman pang club itong suot ko——- pero kapag tinggal ko itong pink coat ko, pwede na!!!!! Okay, nakapag decide na ako, papakita lang ako ng isang oras sa party, aalis na agad ako at didiretso ng club. Why not.
Kinuha ko ang invitation card na ibinigay ni Bianca kanina. Binuksan ko ito at binasa. Ken Chan & Rita Daniela Villarin.. So kailangan ba talagang dalawa kami ang pupunta?? Siya ba talaga yung tumawag?? Pero 8:05 pm na sa relo ko, wala parin siya.Napatayo ako at kinuha ang pouch ko.
Bakit ko ba siya hinihintay?? Bakit ba di ko iniisip na baka pinagtitripan niya lang ako. Susunduin?? Kailan pa ba siya na-late para sunduin ako?? Nakakapanibago. At bakit naman bumalik pa siya diba. Dapat kung nasaan siya pumunta, doon na lang siya. Babalik-balik tapos hindi naman tumutupad sa usapan.
Hay naku Ken Chan!!!!
Inis akong lumabas ng room ko, pagbaba ko ng hagdan ay napahinto ako sa paghakbang ng makita ko ang tao na kanina ko pa hinihintay. Nakaupo ito sa living area namin. Busy ito sa phone niya na tila may ka-text. Hindi pa yata niya napapansin na pababa na ako.
Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya. Hindi naman ako nagkamali. Napatingin ito sa direksyon ko. Seryoso ko lang siyang tiningnan. Pero bakit ganun??? Saglit lang niya akong tiningnan. Pagkakita niya sa akin ay walang gana itong tumayo tsaka muling ibinalik ang atensyon sa phone niya.
HOW DARE YOU KEN CHAN!!! Kailan pa nawala sa akin ang atensyon mo??? Tatapunan mo lang ako ng saglit na tingin?? Hindi tulad ng dati, malayo pa man ako—— alam kong sa akin na ang tingin at atensyon mo. Hirap ka ngang maialis sa akin ang mga tingin mo. Pero bakit ngayon?? Aba! Gago to hah.
Inis akong bumaba ng hagdan. Habang pababa ako ay nakita ko ang paglapit ni Manang Carmen sa anak niya. Niyakap niya iyon na para bang ang tagal na nilang hindi nagkita. Parang eksena ng isang ina na muling nakita ang nag OWF na anak. Ganun!! Oo!! So kakauwi nga lang nito galing Los Angeles??
Nang makababa ako ay inip akong naghintay sa yakapan at pag-uusap ng mag-ina sa harap ko. Para akong nanonood ng teleserye sa nakikita ko. Nakakairita.
"Sige na Ma, mauna na kami."
"Mag-ingat kayo anak!"
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."