Rita's POV
I texted him last night kung anong oras kami sabay na aalis papunta sa location ng ipapatayong hotel ni Mister Clifford. May site visit kami today, scheduled by Dad. Sabay naming nareceived ang email kahapon kaya wala kaming choice kundi pumunta doon ng sabay. Ang ilang architects at Engineers din naman ay pupunta doon pero mukhang kailangan pa naming mauna. Ewan ko ba kay Dad kung bakit pati ako ay kailangan pa nila doon, hindi ko naman na project iyon. Tss.. Kakatapos ko lang mag breakfast at panay tingin ako sa kitchen kung lalabas na ba ito dahil sigurado akong doon si Ken kumain. Alam niyang ayaw kong nakakasabay siya sa breakfast dito sa dining area. Muli akong umakyat sa room ko para mag ayos ng sarili. 9am kami aalis at malapit na nga mag 9.
Tumungo na ako sa harap ng kotse ko ng makita ko si Ken na naglalakad papalapit sa akin. Seryoso itong naglalakad, wearing his usua smart office attire. Mukha namang ready na itong umalis kaya nagmadali na din akong pumasok sa kotse ko ng pigilan ako ni Ken.
"Hindi ka sasakay diyan. Sa kotse ko." sabi nito sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya
"Teka lang, bakit sa kotse mo? Eh may kotse ako! Convoy ka na lang sa akin."
"Iisa lang ang pupuntahan natin, malupa ang dadaanan natin, gusto mong madumihan ng putik yang gulong ng mamahalin mong kotse??" napatingin ako sa kotse kong bagong linis..
"Eh hindi naman ako ang naglilinis niyan araw-araw eh. Kaya okay lang——"
"Hindi. Hindi okay. Kaya sa kotse ko ikaw sasakay ngayon. And that's final."
"Teka nga! Kung makapilit ka naman! Bakit? Ikaw ba ang naglilinis ng kotse ko——-"
"Oo, kaya wag mo ng dumihan yan at sumakay ka na sa kotse ko." nagulat ako sa sinabi nito. Siya? Siya ang naglilinis ng kotse ko araw-araw??? Tuwing pumapasok kasi ako ay laging bagong linis ito.
Wala akong magawa kundi sumunod sa sinabi nito. Napilitan na akong sumakay sa kotse niya.
Ilang oras na yata kaming nasa daan ng mapansin kong panay tingin si Ken sa phone nito na tila namomroblema siya. Pagtingin ko sa dinadaanan namin, puro puno na ang nakikita ko. I think malapit na kami. Huminto si Ken sa pagdrive at nagsalita.
"May signal ka??" tanong nito. Chineck ko yung phone ko.
"Wala."
"Akala ko sa akin lang. Ito kasing waze, ang sabi left turn, eh wala namang left turn oh, Ilog na yan eh." nanlaki ang mata ko at ako na mismo ang kumuha ng phone niya at chineck iyon.
"So ano to??? Naliligaw tayo????" hindi makapaniwalang tanong ko dito..
"Oo?"
"Oo? Di ka pa sure niyan hah??? Ano ba Ken! Malapit na mag 1pm, nandidito parin tayo sa kasuluksulukan ng gubat ng Tanay—— anong klaseng driver ka ba hah??? Tss.. Sabi ko na eh, dapat hindi na ako sumakay dito sa kotse mo eh."
"Teka? Kasalanan ko ba na nawalan ng signal??? Pati ba naman signal, kailangan kong ialay sayo??" napalingon ako sa kanya at pinanliitan ko siya ng mata. Mabilis kong piningot ang tenga niya tsaka inis akong bumaba ng kotse niya..
"Rita teka lang——-"
"Waaaaaah!!!! OMG!!! PUTIK !! Bakit may Putik dito!!! Yung paa ko!!!" naiiyak na sabi ko dahil pagkababa ko ng kotse ay hindi ako nainform na maputik pala dito sa hinintuan namin. Lumubog yung paa ko dito sa maputik at nakakadiring daan.. Mabilis na bumaba si Ken para tulungan ako.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."