Key

207 29 5
                                    

Ken's POV











"Bitawan mo ako!!" inis na sigaw nito pero hindi ko siya sinunod. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya . Para akong nabingi at hindi ko siya sinunod para bitawan ko siya. No, not now. I'm enjoying this moment. Ngayon lang sumaya ng ganito kalala ang puso ko dahil sa kamay ni Ritang nakadikit sa dibdib ko.







"Bitaw sabi!!!!" akmang dadapo na naman ang isang kamay nito sa pisngi ko ay pinigilan ko ito.. Nanaman? Yes. Ilang beses na niya akong nasasampal! Hindi ko na mabilang. Nang mapigilan ko siyang masampal ako ay unti-unti kong binitawan ang kamay ni Rita. Kukunin ko na sana ang envelop sa bulsa pero ang babaeng hindi makapaghintay ay pinwersa na ang coat ko, siya na ang kumuha ng sobre. Paghugot nito ng sobre sa bulsa ko ay kasabay nun ang pagbagsak ng isang bagay mula din sa loob ng bulsa ko..














Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang posas ni Apollo.. Kinuha ni Rita ang posas mula sa semento kung saan ito bumagsak. Nagtataka itong napatingin sa akin habang itinataas ang posas sa harap ko.












"Para saan to??? Bakit may ganito ka???"










"Ah—- eh—-"










"Don't tell me inutusan ka ni Dad na iposas to sa akin???"






"Hindi! Hindi sa ganun—-"





"Anong hindi sa ganon??? So ano? May binabalak kayo sa akin hah?? Posas? Posas talaga??"






"Hindi ganon Rita.. Hindi naman kasi——— what are you doing???" nanlaki ang mata ko ng ikabit ni Rita ang posas sa kaliwang kamay ko at ikinabit naman din niya ang kabila sa kanang kamay niya.










"Oh! Ayan na! Picturan mo na, isend mo na kay Dad para mission accomplished ka na!! Okay na??" inis na sabi nito.







"Rita! Hindi naman to utos ng Dad mo! Tsaka this handcuff is not mine!! Kay Apollo to. Hindi ko alam kung bakit nasa coat ko! Baka nilagay nila kanina." inuusisa ni Rita if I'm telling the truth at ng makumpirma yata niya na hindi ako nagsisinungaling ay umirap naman ito tsaka niya hinawakan ang posas para buksan..







"I can't remove. Nasaan ba yung susi nito?"








"Susi?"








"Don't tell me wala sayo ang susi??"







"Wala sa akin ang susi!"







"What??? Shit! Remove it NOW!!! May meeting ako kay Ms. Clifford by 1pm! 12:30 na!" sinubukan kong tanggalin ang posas pero hindi talaga kaya. Kailangan nga talaga siguro ng susi. Ano bang alam ko dito? Tss..









"What? Hindi mo kayang tanggalin??? Ken!!! May meeting pa ako!!! Mahalaga ang meeting na ito!! Remove it now!!!" natulala ako sa harap niya at napangiti, hindi dahil nakikita ko siyang galit kundi dahil binanggit niya ang pangalan ko.. Ken..








UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon