Why

193 23 1
                                    

Rita's POV





KUNG wala lang urgent meeting sa RDV, hindi pa ako papayag na umuwi. Bahala na. Ang mahalaga ngayon, I already closed the deal with Mister Clifford. Company namin ang magtatayo ng Hotel nila Sa Tagaytay. This is my biggest project at ayokong nagka-aberya pa iyon.











Malapit ng gumabi ng makarating kami sa bahay. Nakatulog na ako sa loob ng kotse. Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Lili.






"Madaam! Maligayang pagbabalik." masayang sabi ni Lili habang may hawak na pompoms. Tatawa sana ako pero naudlot ng makita ko sa likod ni Lili si Ken na bitbit na ang mga bag ko.





"Oh baka naman may pa red carpet pa kayo hah? Ang big deal naman sa inyo ng pag-balik ko." inis na sabi ko tsaka ako naglakad papasok ng mansyon.





"Ito kasi yung pinakamabilis mong pagbalik Madaam eh! Sa lahat kasi ng bakasyon mo, ito talaga yung hindi nagtagal! Miss mo ako madaam no??"






"Bakit ka ba may Pompoms?" kunot noong tanong ko dito habang nakasunod siya sa akin paakyat ng hagdan.




"Masaya lang ako Madaam! Bagay naman sa akin diba??"





"Here's your things." nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Ken. Hinarap ko ito at kinuha ko na ang mga bag ko. Hindi ko ito tinapunan ng tingin at dumiretso na lang ako sa loob ng room ko. Nakasunod parin si Lili sa akin.




"Madaam, saan ba kayo nagbakasyon ni Sir Ken? Talaga bang magkasama kayo? Akala ko ayaw mong—-"



"Lili, pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga."




"Pero nagpadala ako kay Manang Carmen ng dinner niyo dito. Kumain ka po muna—-"




"Hindi ako nagugutom. Matutulog na ako."





"Si-sige madaam."





Paglabas ni Lili ay mabilis kong ni-locked ang pinto tsaka ako pabagsak na dumapa sa kama.





































Nakangiti akong nakaharap sa vanity mirror. Kakatapos ko lang mag make up at ready na akong pumasok ng RDV. Wala na akong balak na kumain pa ng breakfast, siguro ay mag da-drive thru na lang ako ng breakfast ko at sa office na kakain. Mahalaga ang meeting ngayong umaga kaya hindi ako pwedeng ma-late.

Pagtayo ko, napansin kong hindi pa masyadong naayos ang buhok ko kaya mabilis kong kinuha ang blower at pinasadahan ang buhok ko. Nang matiyak kong okay na, magmadali na akong bumaba.

Naabutan ko pang nagbe-breakfast si Dad kasabay si Ken sa dining area. Dinaanan ko lang sila at hindi nilingon kahit pa tawagin ni Dad ang pangalan ko at ayain akong kumain.

Pabagsak kong sinarado ang pinto ng kotse ko sa labis na inis. Ang ganda-ganda ng gising ko tapos iyong eksena ang bubungad sa akin? Ang saya nila hah! WOW.

Nakasimangot ako buong biyahe papunta ng RDV. Ni-hindi na nga ako nakabili ng breakfast ko sa sobrang inis. Mabuti na lang at may Bianca. Pagdating ko sa office ay may nakaready na pagkain para sa akin. Alam ko kung sino ang nagpabili nito pero ayoko ng umarte pa dahil kailangan kong kumain ngayon para sa meeting mamaya.



Exactly 9am ang meeting pero 8:30 pa lang ay nasa conference room na ako dito sa main building ng RDV. Nasa unang palapag ang malaking conference room namin na may mahabang lamesa at gawa sa transparent laminated glass. Napalingon ako ng makita ko mula sa labas ang paparating na si Ken. He is wearing his usual business casual attire in navy blue. Napansin kong naiilang itong ngumiti ng makita niya akong nandidito na sa loob.





UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon