Rita's POV
Success, nakuha ko ang pirma ni Mr. Clifford. After 1 hour of talking about business, pumirma din. Sakto din ang pagdating ng mga pagkain, hindi pa ako nakakapaglunch. Sakto talaga. Now, we're talking about life—— gusto ko na sanang umalis pero anong magagawa ko? Nakaposas ako sa lalaking ito—- na kanina pa nakangiti na parang unggoy na binigyan ng saging.. Psssh. Naiirita din ako kasi ayaw pang umalis nitong Mr. Clifford na ito. Enjoy na enjoy pa sa pakikipag-usap kay Ken..
"So how long have you been together??" muntik akong masamid sa tanong ni Mr. Clifford. Alam kong nagulat din si Ken sa tanong nito. Pero ako na ang sasagot dahil baka ano pang masabi nitong katabi ko.
"6 months/16 years." magkasabay na sagot namin ni Ken. What?? anong 16 years. Anong pinagsasabi niya. Bakit ba siya sagot ng sagot!!
"Oww." natawa si Mr. Clifford
"What I mean is we've known each other for 16 years but we've been together for 6 months, yeah. Right?" gusto kong irapan itong katabi ko pero tumango na lang ako para hindi kami mahalata ni Mr. Clifford.
"Wow! 16 years!? Parang kami lang din ng asawa ko." masayang komento ni Mr. Clifford.. Magdadaldal pa sana si Ken ng sikuhin ko siya, sakto ang pagdating ng dessert.
Inilapag ng waiter ang malaking banana split sa harap namin.
"You should try that banana split! Best seller yan dito." nakangiting sabi ni Mr. Clifford. Kumuha ako ng tinidor at kumuha ng kaunti sa saging & ice cream at humarap ako kay Ken para isubo iyon. Naiirita na akong magpanggap na sweet-sweetan sa lalaking ito. Para akong naduduwal. Bwisit na posas to.
"Say Ahh" kunyaring nakangiti na sabi ko dito. Nagtataka ako dahil natulala lang ito sa harap ko, nakatitig siya sa banana split na isusubo ko sa kanya.
"Hey! Eat this." mahinang sabi ko dito dahil napapahiya na ako sa harap ni Mr. Clifford
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin, akala ko ay sa labi ko ang punta niya, pero gumilid ito at may binulong.."May allergy ako sa saging." bulong nito na ikinagulat ko.. I have no choice na kainin na lang ang kinuha ko at sumimpleng kuha ako muli pero ice cream na lang. Isinubo ko sa kanya sabay bulong ng—-
"Wag ka ng mag-inarte, hindi nakakamatay ang ice cream." hindi naman na niya ako pinahiya. Ngayon ay siya naman ang kumuha ng kaunti sa banana split at ako naman ang sinubuan niya. Pagkain ko ay nagulat ako ng punasan ni Ken ang gilid ng labi ko gamit ng daliri niya, may bahid siguro ng ice cream sa gilid. Ang mas ikinagulat ko ay he licked his finger after that! Wth?
Napatingin ako kay Mr. Clifford ng tumikhim ito at sumandal sa upuan niya. Nagpaalam na ito sa amin. Nang makaalis siya ay mabilis akong lumayo sa lalaking ito. Pero sa ginawa ko ay nasaktan lang ang kamay ko dahil oo nga pala, nakaposas parin kami.
"Okay ka lang?? Bakit kasi bigla kang umusog."
"Hindi ako nag-eenjoy na sobrang lapit ko sayo. Nasusuka ako." malditang sabi ko dito.
"Fine. Ubusin mo na yang dessert mo and mag ready ka na ulit sa 10 floors na bababaan natin. Nasa parking area na sila Bianca at yung magtatanggal ng posas."
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."