Forgiveness

527 45 41
                                    

Rita's POV


NANGYARI ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO LUBOS MAISIP NA PWEDE PALA. After the renewal of vows of Tito Damian & Mom ay kami—— kami nga ni Ken ang sumunod upang ikasal. Hindi ko alam kung paano naayos ang set up. Maybe may ka-kontsaba ito para sa kasal namin.





Natapos ang kasal pero para parin akong nasa alapaap. Halo-halong kaba at saya ang naramdaman ko. Masaya ako at habang buhay ko ng makakasama ang nag-iisang lalaking sigurado ako.





Tila Double wedding nga ang nangyari. Sila Mom ay renewal of vows at kami ay literal na kasal. Sa papel at sa mata ng Diyos.
















Tatlong araw kaming nanatili nila Ken at Gift sa Baler. Pinag-uusapan parin namin ni Ken kung saan kami talaga mananatili.








"Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit hindi na lang natin isinama si Gift? Anong gagawin natin dito sa Manila?"




"Babalik din tayo sa pupuntahan natin kapag okay na ang lahat."



"Anong okay na ang lahat? Hindi ko maintindihan." hinawakan ni Ken ang kamay ko tsaka niya iyon hinalikan. Hindi na ako kumibo at hinayaan na lamang itong magmaneho.













Paghinto ni Ken ng kotse sa harap ng isang malaking bahay ay mas lalong kumabog ang dibdib ko. Alam ko at kilalang-kilala ko ang bahay na ito. Nagtatanong ang isip ko habang tinitingnan ko si Ken. He immediately held my hand and kissed it.




"Let's go inside." sabi nito. Nauna itong bumaba. Pinagmasdan ko lamang itong bumaba ng kotse at ng mapansin niyang ayokong bumaba ay tumungo ito sa door side ko upang pagbuksan ako.




"Ken, this is a bad idea."




"No. This is the right move. Let's go. Hindi kita iiwan." pagkasabi niya palang nun ay hindi ko na napigilan ang napaluha. Nangangatog kong inabot ang kamay nitong nakalahad sa harap ko.











Ilang taon kong iniwasan na pumunta at makita manlang ang tao na nagmamay-ari ng bahay na ito. Pakiramdam ko, isa siyang multo sa buhay ko na gustong-gusto kong takasan. She was the person I used to love and trust.














My Lola.










Buong buhay ko, sinunod ko lahat ng gusto niya. She even manipulated all my decisions. Pati ang magalit sa lalaking pinakamamahal ko. She stored in my mind a lot of  fake & wrong informations about Ken & his mom para magalit ako sa kanila. Pero ang totoo ay hindi naman sila ganoon. Ang personal na galit ni Lola sa Mommy ni Ken ang naging dahilan kung bakit pati ako ay ginamit ni Lola para mabura sa pamilya namin ang mag-ina.

Nang malaman ko noon na si Lola ang dahilan kung bakit naging fake ang kasal namin ni Ken noon ay mas lalo akong nagalit sa kanya. Pati ba naman iyon ay kailangan niyang imanipula. Hanggang sa nalaman ni Lola na buntis ako at ang ama nga ay si Ken. Pinagbantaan niya ako na kung hindi ko ipapalaglag ang bata ay gagawa siya ng paraan para mawala ang anak ko. Doon ako mas lalong natakot at nagalit. Pati sarili niyang apo ay idadamay niya sa galit niya sa pamilya ni Ken.



Masakit para sa akin ang nangyayari. Si Lola ang isa sa tumayo bilang pangalawang ina ko. Hindi ko lubos maisip na kaya niya kaming pagbantaan. Hanggang sa lumayo ako. Nagtago. Para maging safe ako at ang anak ko. Sumama ako kay Mommy. At nangakong hinding-hindi na siya babalikan at makikita pa. Hindi ko kailangan ng Lola na tulad niya. Ayokong lumaki at makilala ni Gift ang ganoong klaseng tao.












UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon