Lunch

214 25 2
                                    

Ken's POV



It's already 3pm—- balak kong mag undertime today dahil may kailangan pa akong bisitahin. Pagbaba ko ng hagdanan ay napansin ko si Bianca na nasa gilid ng pader—- tila sinilip si Rita sa loob ng office nito. Lumapit ako dito at kinalabit siya pero hindi ito humaharap at panay galaw lang ito ng balikat na tila nagsasabi na tumigil ako sa pagkalabit.



"Bianca!"





"Ay kamote! Ano ba Sir!!! Nakakagulat ka naman!"





"Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa desk mo sa loob?"







"Eh kasi naman Sir, kanina ko pa napapansin na hindi ako inuutusan ni Madam, ayan oh, busy sa trabaho niya—- kinakabahan nga ako baka sesante na pala ako pero di ko pa alam. Nakakapagtaka lang, di niya ako inuutusan ngayon. Baka galit parin."




"Ano na naman bang ginawa mo sa Madam mo?"



"Hah? Wala hah! Eh kasi—— pagdating niya kanina, nagalit yata kasi—- hmm—- wala akong napadeliver na pagkain sa kanya."





"Pagkain. Kanina? You mean breakfast? Dumating siya dito at hinahanapan ka niya ng pagkain niya?"




"Oo! Kasi Sir, nasanay si Madam na lagi akong may hinahandang pagkain sa kanya! Diba nga? Ikaw yung nagpapadeliver nun! Eh kanina, dumating siyang walang nadatnan na pagkain—- nag explain naman ako na wala ka namang itinawag sa akin na bilhan ko siya—- eh diba ikaw yung nag uutos nun sa akin? Kaya ayan, wala tuloy siyang breakfast——- actually pati yata lunch? Hindi nga yata siya nag lunch." napatingin ako kay Rita na busy sa paperworks.



"So ang ibig mong sabihin wala pa siyang kain mula pa kanina??" di makapaniwalang tanong ko kay Bianca.






"Oo. Inaya ko naman siya kaninang lunch na mag lunch out kami kaso hindi naman daw siya nagugutom." napabuntong hininga ako tsaka muling napatingin kay Rita.



"Pwede naman siyang dumaan sa restaurant kanina bago pumasok dito. O wala lang talaga siyang balak kumain. Sana nagpadeliver ka na lang kaninang umaga Bianca."




"Sir? Bakit parang kasalanan ko? Asawa ko ba si Madam? Ako yung asawa? Diba dapat ikaw yung gumawa nun? Nakalimutan mo yatang responsibilidad mo na si Madam Rita mula kahapon!" sagot nito sa akin. Nagpigil lang ako na sumagot tsaka ko muling tinapunan ng tingin si Rita. Sakit talaga sa ulo.



Nagmadali akong pumasok sa loob ng office ni Rita. Walang kabuhay-buhay itong nag-angat ng tingin ng mapansin niyang papalapit ako sa kanya.





"Bakit?" tanong nito tsaka siya bumalik ng pagbabasa sa mga documents sa harap niya.






"Saan ka nag lunch?" tanong ko dito. Tila hindi niya yata ako narinig kaya inulit ko ang tanong ko.




"I ask you, saan ka nag lunch?"





"Hindi ako nagugutom. Marami pa akong tatapusin dito——-"






"Sumama ka sa akin."






"Teka, saan tayo pupunta?" hinigit ko siya, madali ko lang naman itong napatayo tsaka ko siya hinila para sumunod sa akin. Malakas tong babaeng ito pero ngayon? Halata ngang wala pa itong kinain kanina pa.




"Ken, saan ba tayo pupunta? May ginagawa ako diba???" pinapasok ko siya sa kotse ko.





"Ken—"




UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon