Stain

233 22 2
                                    

Ken's POV


















"Wohoooo! Ang ganda dito Sir Ken!!!" pinatay ko ang music ng kotse dahil kanina pa sumisigaw si Apollo dito sa tabi ko.






"Pwede ba, ituro mo na lang yung daan ng hotel. Kanina pa ako naririndi sa ingay mo."



"Sir naman! Ngumiti ka naman! Simula ng umuwi ka ng Pilipinas, hindi pa kita nakitang ngumiti. Naninibago ako sayo Sir!"



"Bakit ako ngingiti? May nakakatawa ba? May nag jojoke ba sa harap ko? Tsss." mas lalo kong pinaharurot ang puting sports car na nirentahan nitong kasama ko. Nasa talyer kasi ang kotse ko at no choice ako kundi gamitin itong kotse.



"Lakas maka-pogi ng sports car nu?? Sir!! Madami tayong chicks na pwedeng isakay dito!!"



"Madami? 4 seater lang to. Tss."



"Pwedeng kandungan !!!!" sagot nito. Gago talaga. Walang pinagbago.





"Sigurado ka bang legal tong pag renta mo ng kotse? Hindi mo ito ninakaw?"




"Sir, alam kong madami ng nagbago sa buhay mo,  limang taon ka sa ibang bansa—— may maayos kang trabaho doon na malayo sa pagiging Head namin sa RDV pero wag mo naman isiping ninakaw ko to. Pinaalam ko naman to."



"Pinaaalam? So hindi mo nga to nirentahan?"




"Nasa ibang bansa naman yung boss ko kaya pwede natin tong gamitin."





"Siraulo ka talaga! Kapag tayo nakulong dahil dito!!!"





"Magtiwala ka sa akin sir, hindi tayo makukulong."





"Eh wala nga akong tiwala sayo." sagot ko dito.





"Sir hah! May trust issue ka na!!! Malala na yan!!! Hmmmm—— Sir, tama pa ba yung dinadaanan natin??"





"Ikaw yung nakakaalam ng hotel diba?? Kaya nga sayo ako nagpasama dahil taga dito ka! Kung hindi lang importante yung kliyente ng boss ko dito sa kasuluksulukang bahagi ng Baler Aurora, hindi naman ako babalik ng Pilipinas."





"Really? Wala kang namimiss dito?" alam ko kung anong pinapahiwatig ni Apollo. Pero patay malisya lang ako.




"Masaya na ang buhay namin ni Mama sa Canada."



"Bakit pala hindi mo tinuloy ang pagmanage ng RDV sa California? Laking panghihinayang namin nun Sir. Nagulat kaming lahat."





"May nag offer sa akin ng bagong opportunity sa Canada. At wala naman akong pinagsisihan. Tapos na ang paglilingkod ko sa RDV , 5 years ago."




"Siguro kung nasa RDV ka parin Sir, hindi mangyayari yung crisis sa kumpanya ngayon." hininto ko ang kotse sa gilid.



"Crisis? Anong ibig mong sabihin?"




"Nagtatanggalan na ng mga empleyado. Aminado kaming hindi na kasing ganda noon ang kita ng kumpanya."




"That's impossible. Gagawin naman ni Rita ang lahat para lang maisalba ang kumpanya."



"Si Madaam Rita? Wala na siya sa RDV."






"Hah?"






"Matagal na. Hindi ko na din siya nakikita pa doon. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Si Sir Romeo parin ang President namin."






UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon