Dim

284 24 2
                                    

Rita's POV


NAGISING ako pero wala na si Ken sa tabi ko. Nakahiga parin ako sa kama nito pero yung isip ko, naglalakbay na naman—— naguguluhan. Ang daming tanong. Napatingin ako sa wallclock. Maaga pa. 7am . Pero maaga itong gumising? Maybe because—- morning person siya. Oo tama. Ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano. Ini-stress ko lang yung sarili ko sa isang bagay na kinatatakutan ko.



Tumayo ako upang tumungo sa banyo.









Matapos kong maligo at makapagbihis ay nakakaramdam na ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Hindi pa naman ako nagkakape. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto namin ay niready ko na ang sarili ko.







Nakita ko itong nakaupo sa sofa, nakatalikod mula sa direksyon ko, may kausap ito sa phone niya——napansin kong nakabihis na ito, mukhang may lakad—- But sunday ngayon, saan ang lakad niya? Habang papalapit ako sa kanya ay mas lumala ang kaba sa dibdib ko. Bakit. Bakit ako kinakabahan.





Nang makalapit ako sa likuran niya ay yumuko ako upang mahalikan ko siya sa pisngi at nakangiti akong sinalubong ang tingin niya—- tingin na may halong gulat—- nagulat siya sa ginawa kong paghalik sa pisngi niya? Bakit?


Ibinaba nito ang phone niya at sinundan ako ng tingin ng naglakad ako papunta sa harapan niya.



"Ang aga mo namang gumising." nakangiting sabi ko dito.




Mas lalong tumindi ang kaba ko——- nang hindi ako nakakita ng kaunting ngiti mula sa kanya—- ang cold & serious ng expression nito. Tumayo ito na tila binalewala lang ang paghalik ko sa pisngi niya.





"May pagkain na diyan. May pupuntahan ako. Kung aalis ka din , don't forget to lock the door & the gate." seryosong sabi nito sabay lakad palabas ng bahay. Naiwan akong nakatulala. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang mood niya. Anong nangyari? May nagawa ba akong mali? Bakit?? Bakit siya ganoon? Napaupo ako sa sofa at napahawak sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko—- dagdag pa itong palaisipan kung bakit ang cold ni Ken sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na baka hindi ko ba siya napaligaya kagabi?? Hindi ba sapat yung ginawa namin kagabi? For sure—- hindi iyon mali. Lalo na ngayon. We're married. My God!! Ginagawa nga namin iyon noon kahit hindi ko siya karelasyon—- ngayon pa kaya na kasal na kami? What's wrong with him?? F*ck!!!!





Matapos kong kumain ay chineck ko yung mga sinampay na naipasok na pala ni Ken sa bahay. Tuyo na ang mga iyon at kailangan ko na lamang plantsahin. Wala akong ganang umalis ng bahay ngayon. Masama ang pakiramdam ko pero mas masakit yung nararamdaman ng puso ko. Wala akong idea kung bakit ganoon ang inasal niya kanina. Iniisip ko din kung saan ba ito pumunta.



Habang nasa kalagitnaan ako ng pagpaplantsa ay nakaisip ako ng idea para malaman kung saan pumunta si Ken. I immediately call his staffs, Apollo—- Hayme—-Lucky.




"Hello? Sino ito?" I rolled my eyes ng sumagot si Apollo sa tawag ko. I know hindi niya kilala kung sino ang tumatawag sa kanya—— hello, staff lang namin siya sa RDV, never ko pa naman natawagan ang number nito.




"Apollo." bungad ko dito. Matagal itong nahinto sa pagsasalita. Mukhang kinikilala niya ang boses ko.



"Sino ka??"




"Rita."




"Ma-madaam??!!!!"





"Yes."





"Ba-bakit po kayo napatawag??? Ma-may problema po ba sa report nami——-"






"Kasama mo ba si Ken ngayon?" diretsahang tanong ko dito.




UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon