Rita's POV
It's already 2am ng makarating kami dito sa La Union. Ewan ko ba kung bakit hinayaan ko na lang na sumama tong lalaking ito sa akin. Wala na din naman akong magagawa eh. Hindi ko naman yan mapapauwi. Ang loyalty niyan, nakay Dad eh.
Pagod at inaantok na talaga ako kaya matapos kong lumabas ng banyo ay patungo na sana ako sa kama ng maabutan kong may katawag si Ken sa phone niya.
"Bianca, hindi ko alam kung saan siya papunta . Oo, hindi ko nga alam——-"
"Is that Bianca??" kunot noong tanong ko dito. Nagulat pa ito ng magsalita ako kaya nag sign siya ng "quiet" na para bang ayaw niyang ipaalam sa kausap niya na kasama niya ako.
"Hah? No, hindi ko kasama si Rita——"
"Si Bianca ba yan? Akin na——" inoff nito ang phone niya ng lumapit ako. Nagtataka ako kung bakit ayaw nitong ipaalam kay Bianca na magkasama kami.
"Bakit mo inoff?? And, 2am na, magkatawag parin kayo ni Bianca? Is she your girlfriend??" tanong ko dito.
"What?? No!"
"Wow? Maka react ng No hah! Why? Maganda kaya si Bianca, ikaw nga yung di niya deserved eh."
"I called her kasi——"
"Kasi your reporting to her? Hindi naman selosa si Bianca. She's my assistant for 5 years. Masyado yung mabait."
"Wala kaming relasyon ni Bianca okay? Tumawag lang ako para itanong kung wala ka bang mapepending na workloads. Ito ka, nagbabakasyon ng biglaan."
"Whatever. Hindi naman ako interesado sa boring na lovelife mo. Tsaka, FYI, Walang workloads na mapepending kasi magtatrabaho ako dito. Dala ko yung laptop diba?"
"Dito ka talaga magtatrabaho? Goodluck sa internet connection mo."
"Nag inquire ako dito, they have wifi!"
"Down ang internet connection nila dahil sa paparating na bagyo."
"Bagyo???" Shit, di ko alam yun ah. Hindi ako nakapag check ng weather updates hah. Tss.
"Yes."
"Alam mo, kahit saan ako magpunta at nandodoon ka, minamalas talaga ako. May balat ka siguro sa pwet!"
"Check it if you want to know.." natatawang sagot nito kaya binato ko siya ng unan.
"Wala na akong oras makipag lokohan sayo. Gusto ko ng matulog. Bahala ka diyan."
"Hmmm, saan ako matutulog??" tanong nito sa akin.
"Dito sa tabi ko!!! Ito yung isang unan oh. Isa lang yung kumot, hindi ka naman siguro malikot matulog no?" kunot-noo akong napatingin dito ng gulat parin ang reaksyon niya.
"Oh? Bakit parang gulat ka diyan? Ayaw mo ba akong katabi???"
"Hin—hindi naman sa ganun pero Rita—" tumayo ako at lumapit sa kanya habang nakapamewang.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."