Again

286 30 1
                                    

Rita's POV




MULA PA KAGABI ay wala akong tulog. Magdamag akong nagbantay sa anak ko dito sa Hospital. Ito na naman, malapit na namang gumabi pero nandito parin ako. Salamat sa Panginoon at medyo okay na si Gift. Ilang beses na din itong nagising at dinadaldal na naman ako. Hindi nawala ang pagka hyper nitong anak ko at pagiging madaldal kahit may sakit.




"Rita, siguro mas maganda kung umuwi ka muna. Kami na muna ni Tito Damian mo ang magbabantay kay Gift. Kailangan mo munang matulog at makapagpahinga. Kagabi ka pa nandidito."  sabi ni Mommy .






"Pero hindi ko po kayang iwan si Gift dito—-"



"Rita, okay na siya. Diba sabi naman ng Doktor baka bukas o sa isang araw pwede na siyang makalabas. Sige na Rita, dumaan ka muna ng bahay niyo." Napatingin ako sa anak ko at muli ko na namang hinalikan ang kamay nito.






















Nagpasya akong sundin ang sinabi ni Mommy—— 9pm na ako naka-uwi ng bahay. Wala pa akong maayos na tulog at ang dami kong pending na workloads dahil sa nangyari pero minabuti ko na lang na kumain at maligo. Susubukin ko ding makatulog kung kaya ng isip ko dahil kahit nakauwi na ako ay si Gift parin ang nasa isip ko.




Kakatapos ko lang maligo at magpatuyo ng buhok ng may marinig akong sunod-sunod na pagdoorbell sa gate. Nataranta tuloy akong lumabas dahil sigurado akong si Seb iyon or si Bianca. Pero pagbukas ko ng gate ay isang mukhang lasing na lasing na Ken ang bumungad sa akin. Kahit na medyo madilim ay halata ko ang pamumula ng mukha nito pati na din ang dibdib niya. Nakabukas kasi ang tatlong butones ng puting polo nito.





"Ken——" mabilis ko itong inalalayan ng muntik na itong matumba dahil sumubok itong humakbang papasok ng gate pero di niya yata napansin ang bakal kaya muntik na siyang mapatid. Pagkahawak ko sa mga kamay niya ay naniningkit niya akong tiningnan at ngumiti ito...




"Ikaw—— ikaw iyon diba??" lasing na sabi nito sabay turo sa akin.






"Ken alam mo, lasing na lasing ka na." sabi ko dito habang inaalalayan siyang makapasok sa bahay namin———- ewan ko ba kung bakit ko ito pinapapasok—- pwede ko naman itong iwan na lang sa labas eh.






"Saan mo ako dadalhin?" halos pabulong na sabi nito habang pumipikit—— sobra na talaga itong lasing. Sigurado ako.



Laking pasalamat ko ng makapasok kaming hindi natutumba nito ni Ken kaya ng makaabot kami sa sofa ay itinulak ko siya doon. Irita akong napatingin sa kalagayan nito. Lalasing-lasing siya tapos mang-iistorbo ng bahay ng may bahay.


Alam ko naman kung bakit ito lasing. Dahil sa akin. Dahil sa mga nalaman niya. Sino ba naman ang hindi mapapraning na malaman niyang may-anak na pala siya diba? Sigurado ako——- ang tingin niya, sinisira ko na naman ang buhay niya.


Napaupo ako sa sahig at sumandal sa gilid na paanan ng sofa kung saan nakahiga si Ken. Binabalot na naman ako ng lungkot, sakit, takot at pangamba. Nararamdaman kong nang-iinit ang mga mata ko. I'm going to cry again. Pang ilang beses na ba? I felt like ang hina-hina ko na pagdating kay Ken, pagdating sa anak ko. Akala ko malakas ako. Pero bakit ganito?

Napalingon ako kay Ken ng pinipilit nitong umupo mula sa pagkakahiga. Nakatingin ito sa akin.


"Bakit ka nandito?" rinig kong tanong nito. Teka, last check ko bahay ko ito. Gago to ah.



"You're drunk. Nalasing ka lang, hindi
mo na alam kung paano umuwi." inis na sabi ko dito.


"Ako? Lashing——- nagpapatawa ka ba?" sagot nito kaya inirapan ko siya. Ang hirap makipag-usap sa lasing.



UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon