Answer

384 32 5
                                    

Rita's POV






BUMALIK ako sa table namin ni Bianca kanina. Busy parin sa pagkain yung kasama ko at walang kaalam-alam sa nagawa ko. Umupo ako doon na para bang walang nangyari—— and as expected, sumunod si Ken sa akin.













"Sir Ken! Hi! Kain po!! Ramen oh! Masarap to!!" nakangiting sabi ni Bianca. Palipat-lipat ang tingin ni Ken sa akin at kay Bianca. Bigla itong tumabi sa akin kaya bigla akong kinabahan.










"So bakit niyo nga ako sinusundan??" muling tanong nito.












"Diba nasagot ko na yan?" nakairap na sabi ko dito sabay lapit ko ng bowl ng ramen sa akin.











"You followed me, just to kiss me???" sagot nito. Napatingin kami kay Bianca ng bigla itong nabulunan sa kinakain niya ng marinig ang sinabi ni Ken.








"Are you okay?" tanong ni Ken dito sabay abot ng tissue.








"Bakit tissue? dapat tubig! Edi lalong nabulunan yan!" sabi ko kay Ken.







"Madam! Nakakaloka ka! Bakit mo naman hinalikan si Sir Ken! Nagmumukha kang easy girl niyan!" walang prenong sabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin tsaka ako bumaling muli kay Ken na ngayon ay nakahalukipkip at nakatingin sa akin.










"Mukhang hindi ka sinipot ng ka-meeting mo hah? Umorder ka kaya, sabayan mo na kami sa pagkain!" at ng makumbinsi ko ito ay siya namang pagtaas nito ng kamay tsaka tumawag ng waiter para maka-order na rin. Siguro nga ay hindi ito sinipot ng ka-meeting niya or, hindi na niya pinapunta dahil kanina pa niya kami nakita dito?








"Na postponed yung meeting ko with Mister Lucio ngayon. Nagka emergency daw." pag explain ni Ken habang namimili siya ng kakainin niya. Hindi ako kumibo.








"Hindi ka naniniwala?" muling sabi nito.








"Hah? Ah—— pasensya na, may trust issue kasi talaga ako." sagot ko dito.






"Yeah, never ka naman nagka-trust sa akin!"










"Wala pa bang trust? Eh bakit nasealed na ng kiss——-" pinanlakihan ko ng mata si Bianca dahil nag rereact na naman ito sa harap ni Ken. Nag peace sign ito tsaka ininom ng tuloy-tuloy yung tubig niya.









"One Tonkotsu Ramen please." order ni Ken at nang makaalis ang waiter ay ito namang pagtayo ni Bianca sa upuan.





"Mauna na ako Madam hah! Sir!! May mga trabaho pa akong gagawin eh!" Gago, bakit niya ako iiwan dito ng mag-isa. Yari talaga to sa akin mamaya!




"Kita mo yan, ako pa pagbabayarin sa kinain niya." reklamo ko sa kanya. Lumipat si Ken ng upuan at ngayon ay kaharap ko na siya.






"Ano na namang plano mo?" tanong nito sa akin kaya napataas ang kilay ko.






"Anong plano?"






"For sure, may mga pinaplano ka na naman. Rita, binabalaan kita—- sana natuto ka na sa mga ginawa mo. Matakot ka sa parusa ng mundo." napayuko ako.



"Are you wishing pala na parusahan ako ng mundo, kaya literal na binabangbang na ako ng karma. Yeah, maybe I deserved this! I hope masaya ka sa nangyayari sa akin."






UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon