Rita's POV
"Ano?? Bakit room na katabi ng office ko?? At paano mo nalamang may room doon???" hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Nakita ko."
"Pero hindi pwede dun!!"
"Akala ko ba kahit saan ko gusto , wag lang sa VIP room ng Mommy mo??? Gusto ko doon sa 1st floor eh."
"Pero—"
"Then hindi ako aalis dito." tila pinal na sabi nito.
"Fine!!! Just for two weeks! No extensions!"
"We really don't know. What if may extensions???" paghamon na tanong nito.
"The contract for garden renovation is just for two weeks and——"
"But wala sa part namin ang delays Rita. Tulad ngayon, dapat kanina pa nagsisimula ang renovation pero pina-cancel mo for what? Dahil lang pala sa breakfast kanina? Hindi ako makapaniwala."
"Hindi lang iyon basta breakfast. Wala kang alam kaya manahimik ka." inis na sagot ko dito.
"Pasensya na kung nakikain ako hah? Hindi ko mahindian si Gift."
"Bumaba ka na! Bilisan mo na! Ipapalinis ko pa yang room." nagmamadaling sabi ko. Sumunod naman ito sa akin. Pagpindot ko ng down button ng elevator ay narinig ko itong nagsalita.
"Hindi nga ako namamalikmata, tama nga ako." napalingon ako sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo??"
"Kaya mo na sumakay ng elevator. Ang dami na ngang nagbago Rita."
"Mas traumatic yung ginagawa sa aking parusa ng mundo. Walang-wala yung phobia ko sa pagsakay sa elevator." seryosong sabi ko dito habang hindi siya tinitingnan. Hindi din ito nagsalita at ng bumukas ang elevator ay mabilis akong pumasok sa loob, sumunod naman siya. Paglabas namin ay sinamahan ko pa siya sa lobby para kunin ang access card niya sa room na tinutukoy niya. Actually, nagdadalawang isip pa ako kung papayagan ko ba siya na mag stay doon. Hello, katabi lang ng office ko yung room at minsan ay kapag inaabot ako ng gabi sa office ay doon kami natutulog ng anak ko. Haaays, for two weeks lang naman eh. Oo tama, after two weeks, wala na ito. Back to normal na ulit ang lahat. Sana.
Apollo's POV
Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng hotel building at hinahanap ko yung batang pogi. Paglingon ko sa bandang cottages ay nakita ko ito na gumagawa ng sand castle sa may gilid ng coconut tree. Mabilis akong nagtago sa isang puno ng buko at palinga-linga ako para masigurado na walang makakakita sa akin na kakausapin ko si Timo. Palapit ako ng palapit sa kanya pero panay tago ako sa bawat puno na madadaanan ko. Hanggang nasa huling puno na ako na pinakamalapit sa kanya. At ng matiyak ko na walang tao sa paligid ay lumabas na ako sa likod ng pumo. Sinuot ko ang shades ko at lumapit kay Timo.
"Pssst! Hi Pogi!!" napalingon si Timo sa akin. Kunot-noo niyang tinuro ang sarili niya, wondering if siya nga ba ang tinatawag ko.
"Oo! Ikaw! Hi!" ngumiti naman ito tsaka bumalik sa paglalaro ng buhangin.
"Hmm, diba ikaw si Timo??"
"Yes. Why??"
"Hmmm—- diba anak ka ni Sir Sebastian??" napatingin muli ang bata sa akin na para bang nagtataka kung bakit ko iyon tinatanong.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."