Duplicate

398 34 5
                                    

Rita's POV








"Ken."










Pinagmasdan ko itong naglakad palapit sa table ko. He's wearing his usual attire kapag magkameeting kami. Sabik ako sa kung anong pinunta nito dito——- maybe tungkol sa trabaho dahil malapit na ngang matapos ang renovation ng garden. Bukas nga siguro ay tapos na iyon. Pero—- sana may iba pa. Sana may iba pa siyang pakay sa pagpunta dito.









Nagulat ako ng ilapag ni Ken ang duplicate keys ng bahay ko dito sa table ko.






"Ibabalik ko lang." sabi nito sabay talikod. Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako sa ginawa niya. Iyon lang iyon?? Yung pinunta niya dito? Para lang ibalik ang duplicate keys ng bahay namin ni Gift? Pucha. Duplicate keys nga iyon eh. Tapos ibabalik niya sa akin? Gusto na ba talaga niyang tuluyang mabura sa buhay namin ng anak niya? Kaya nga binigay ko yung duplicate keys ng bahay namin sa kanya dahil iyon ang paraan ko to tell him na bukas ang bahay at buhay namin para sa kanya.









"So you're leaving?" bago pa ito makalabas ng pinto ay naglakas loob na akong magsalita para diretsahin siya. Ayoko ng mapraning sa pag-iisip. Gusto kong malaman ang plano niya.









"I have a lot of works to do." rinig kong sagot niya.




"Ako din naman, madami pang trabahong gagawin pero pinili kong kausapin ka. So ano? Aalis ka? Tutuloy ka?"






Matagal. Matagal bago ito sumagot.








"Binigyan na kita ng tatlong araw to decide Ken. Sapat na siguro iyon diba? Pero sa pinapakita mo ngayon sa akin, mukhang alam ko na ang decision mo. Kasi kung totoong may plano ka nga para sa akin at kay Gift——- unang araw pa lang, desidido ka na to stay eh."






"Rita, ayan ka na naman. Wag mong pangunahan yung decision ko. Hindi madali para sa akin ito. Biglaan ang lahat. I have a lot of things to fix, a lot of people to talk to—- madami. Sobrang dami." paliwanag nito sa akin. Yung kaninang papataas na presyon ko ay biglang bumalik sa normal. Napaisip ako at tama nga siya. Kailangan ko lang maghintay at intindihin na hindi din madali para sa kanya ang lahat.









"I'm sorry." hingi ko ng paumanhin dito. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako pero pinipigilan ko.








" Hindi ko tatanggapin yung sorry mo." sagot nito tsaka siya lumabas ng office ko. What?? Ano pa bang gusto niya! Ako na yung mapapraning dahil sa pagka moody nito. Okay naman kami noong gabing iyon ah? Oh baka hindi niya maalala ? Dahil lasing siya? No. Imposible. Alam kong naalala niya ang nangyari ng gabing iyon. Sigurado ako.














After lunch break—— tumungo ako sa papatapos na renovation ng garden. Napangiti ako . Napakaganda nito. Sigurado akong matutuwa si Mommy & Tito Damian. Excited na akong malagyan ito ng mga puting rosas—— isa kasi ako sa pumili at nag oorganize ng kasal nila Mommy kaya naiimagine ko na kung gaano kaganda ang lugar na ito sa araw ng kasal nila.






"Excuse me, nagpunta ba dito si Ken?" tanong ko sa ilang nagpipintura.






"Ay opo. Pero umalis din. Sandali lang po siya dito.."
















At dahil hindi ko na naman mahanap si Ken, nagpasya na lamang akong tumungo sa dalampasigan. Hindi masyadong mainit ngayon at pinili kong tumayo sa ilalim ng puno ng niyog habang nakatingin sa naglalaking alon. Sobrang nakakapagbigay ng kapayapaan kahit sandali sa puso ko ang ganda ng karagatan dito sa Baler. Ito ang lugar na sumagip sa akin noong panahong takot ako. Ito ang lugar na nagbigay muli ng kulay sa buhay ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong iwan ang lugar na ito. Hindi ko alam.





"I'm sorry kanina." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Ken. Seryoso itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya sa likod ko. Hindi ko nga naramdaman na papalapit siya sa akin eh.






"Hindi ko din matatanggap ang sorry mo." ganting sagot ko dito at umiwas talaga ako ng tingin. Bahala siya diyan.




"Paano ko tatanggapin ang sorry mo—- wala ka namang ginawang mali sa sinabi mo." sagot nito at doon ko naramdaman na naglakad pa ito muli hanggang sa nasa tabi ko na siya—— nakikitingin din sa mga alon na kanina ko pa tinitingnan. Tiningala ko siya pero napapikit ako ng tumama yung sikat ng araw sa mga mata ko. Nagulat ako ng nakawan ako ni Ken ng halik sa pisngi ko kaya nahampas ko siya sa braso.



"Hoy! Wow hah? Are we okay na ba? Hah? Hindi pa diba??!" nagmamalditang sabi ko dito. Kinuha ni Ken ang kamay ko tsaka niya ako hinatak papunta sa cottage. Wala akong nagawa kundi sumunod dito.




"Ang cute mo kasi nung nasilaw ka."




"Pucha— sa ganda kong ito, cute lang sasabihin mo??? Kapag narinig ka ng Mommy ko, papagalitan ka talaga nun. Ang ganda kaya ng anak nila!" natawa si Ken sa sinabi ko tsaka niya ako niyakap. Matagal kong hinintay ang yakap na ito kaya hindi na ako nag-inarte pa.




"Kaunti na lang——— maaayos ko na yung lahat. Hindi na ako lalayo sa inyo." napatingala ako sa sinabi nito. Naiiyak ako. Oo.





"Promise?"






"Promise." mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Naging panatag ang loob ko ngayon.





"Pero bakit ang tagal mong hindi nagparamdam???"




"Para naman mamiss mo ako." natatawang sabi nito.



"Ewan ko sayo! Akala ko nakalimutan mo na yung nangyari nung——-"




"Nangyari nung??" tiningnan ako ni Ken ng nakakaloko. Kinurot ko ang braso niya tsaka ako umupo sa cottage. Tumabi naman ito sa akin at muli niyang kinuha ang kamay ko. Ilang beses niya iyong hinalikan.




"Naalala mo naman yung nangyari noong isang gabi diba? Hindi ka lasing?"





"Of course! Alam mo namang nawawala ang kalasingan ko dahil sayo!"



"Gago."



"Hahahah—— Tumatawa-tawa lang ako pero kabado ako kung paano magpapakilala kay Gift na ako ang Daddy niya."





"She will understand. Sigurado akong magiging madali na lang iyon para kay Gift.. Akong bahala."




"Pero paano kung ayaw niya?"





"Paano kung ayaw niyang maging Daddy ka? Medyo pilya lang si Gift pero mabait iyan. Alam ko matatanggap niya din. Kung matagal—— hindi mo naman siya susukuan diba?"




"Hindi. Hinding-hindi."





"Magiging okay din ang lahat. Alam ko." seryosong sabi ko kay Ken sabay hawi ng buhok niyang ginulo na ng lakas ng hangin dito sa dalampasigan.





"Thank you for trusting. I love you." sabi nito.






"I love you too." nakangiting sabi ko dito. Natatakam akong nakatingin sa mga labi nito——- nagulat ako, nasa isip ko pa lang, ginagawa na ni Ken. Nilapat niya ang nakakatakam na mga labi niya sa labi ko at ang puso at utak ko ay kasalukuyang nagbubunyi.
















🍻

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon