Rita's POV
I didn't expect na dito niya ako dadalhin sa mamahaling steakhouse para sa "dinner" daw namin.
"Paano mo nalaman tong lugar na to??" curious na tanong ko kay Ken habang pinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako.
"Why? Ayaw mo ba dito?"
"Hmm—- pwede na. Siguro lagi ka dito? Ilang ex-girlfriend mo na ang nadala mo dito.."
"Madalas nga ako dito. Actually, si Bianca ang unang nagdala sa akin dito." nagulat ako sa sinagot nito. Si Bianca?? Ang sabi niya hindi niya girlfriend yung assistant kong iyon! Eh nakapag steakhouse naman na pala. Sus.
"Oh. Edi nahuli kita. You & Bianca——"
"No. Not what you think! Madalas kami ni Bianca dito mag meeting." natawa ako. Meeting. Palusot.
"Meeting? Steakhouse??? Nagpapatawa kaba?"
"And why? Bawal ba mag meeting dito?? Sa dalas namin dito, may sarili na nga yata kaming spot ni Bianca dito—- ayun oh! Sa dulo!" sabi nito sabay turo. Nakangiti ito at halatang masaya na nagkkwento.
"Kamusta ka-date si Bianca?" tanong ko dito.
"Hey. Hindi kami nag-dedate. Ang kulit."
"At talagang makulit ako!!" mataray na sagot ko dito.. Napansin kong natawa ito.
"Ikaw kasi, kung hindi ka nag-iinarte at ikaw na ang umattend ng meetings natin at hindi ang assistant mo, sana noon pa tayo nakapunta dito. Sana tayo yung "magka-date" na kanina mo pa bukambibig."
"Sayang yung oras ko kung makipagmeeting ako sayo! Mas madami akong urgent meeting na unahin kesa sayo.."
"Mabuti ngayon, wala kang urgent meeting! Nagka-time ka eh!" nakangiting sabi nito. Pinagmasdan ko ito kung paano niya itinaas ang kamay niya para tawagin ang pansin ng waiter. He called him "Lance" na para bang kilala na talaga niya ito. Lagi na nga yata ito dito. Mabilis namang lumapit ito sa amin tsaka ibinigay sa amin ang menu.
"What do you want to eat?" tanong nito habang nakatingin sa menu. Wala naman talaga akong ganang kumain ngayon dahil kasama ko ito kaya kung ano yung inorder niya ay ganoon na lang din sa akin which is nasa special selection din naman kaya okay lang. He ordered ribeye steak, greek salad & Argentinian Beef filet soups.
"Wine?" tanong muli nito.
"Jose Cuervo—-"
"Rita—- ang sabi ko wine." lihim akong natawa. Eh gusto ko ng tequila eh!
"Patron Silver—-" isa pang sabi ko.
"Hindi ka nga maglalasing ngayon. One glass of wine ka lang for tonight.."
"Margarita—-" isa pang sabi ko baka makalusot kung cocktail..
"Rita!"
"Edi yakult na lang!!! Diba ako ang iinom? Bakit wine lang iooffer mo? Eh sa gusto kong uminom?" mataray na sabi ko dito. Alam kong nagulat yung waiter. Pero wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."