Rita's POV
NAKADAPA ako sa pool lounger habang pinapahiran ni Lili ng lotion yung likod ko. Medyo minamasahe niya na din ako kaya feeling ko makakatulog na ako dito. I'm wearing this black backless one piece swimsuit na binili ko pa abroad. Nakatingin ako sa kanya mula sa malayo , sa basurang tuta ng Dad ko. Busy kasi ito sa paglilinis ng kotse ko na nasa garahe. Medyo may kalayuan ito mula sa pool area pero kitang-kita ko siya. Mapakla akong napangiti dahil nakabuo na ako ng plano para mapaalis ang lalaking ito sa buhay namin at sa kumpanya.
"Madaam! Hard ba?"
"Mukha naman—-"
"Po??"
"Ah, okay na yang ganyang pressure." nag-iwas ako ng tingin kay Ken. Kung ano-ano ng nasasabi ko—- punyeta.
"Mada'am, okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatingin kay Sir Ken hah."
"Paano mo naman nasabi?"
"Napansin ko lang."
"Syempre doon ang tingin ko, minamasahe mo kaya ako!"
"Hmm, oo nga naman—— pero maganda naman yung view diba?"
"Hindi. Nakakasuka nga eh."
"Hala. Si Madaam, di marunong maka-appreciate ng pogi! Alam mo ba madaam, lahat kaming mga katulong dito, may lihim na paghanga diyan kay Sir Ken! Ang gwapo gwapo kasi, matalino pa, mabait——-"
"Enough. Ayoko siyang pag-usapan."
"Bagay kayo madaam!" napalingon ako kay Lili dahil sa sinabi niya. Napaupo ako at inagaw ko yung lotion sa kanya.
"Ang gintong tulad ko, hindi bagay sa basurang tulad niya."
"Malay mo naman madaam diba!! Nagkaroon ka na ng ex na American, Russian, French—- malay mo, sa Chinese ka pala magkakaroon ng happy endi——"
"Correction, walang happy ending. Hindi yan totoo."
"Ang bitter mo naman madaam! Bahala ka! Kapag ikaw talaga namroblema sa pag-ibig, wag mo akong kakausapin!"
"Aba! Hoy! Tumahimik ka nga! Gusto mo yatang mabawasan yung sahod mo eh!"
"Madaam, kahit bawasan mo yung sahod ko , masaya ako—- kasi may lovelife ako. Hmp." nanlaki ang mata ko ng mag walk out ito sa harap ko. Kita mo yan!!! Nakakalimutan niya yatang ako yung boss niya. Ilang seconds palang ay bumalik ito sa akin.
"Biro lang madaam! Hehe. Tuloy ko na ba yung pag massage?" inirapan ko ito tsaka ko iniabot muli sa kanga yung lotion..
7pm. Nagmadali akong bumaba ng hagdan—-Wearing my black 3- inches wedge heels, tumungo ako sa garahe para abutan ang papaalis na si Ken. Kanina ko pa siya minamanmanan, yung bawat pagsagot nito ng mga tawag sa phone niya—- feeling ko may lakad talaga siya. Nagkaroon ako ng opportunity to start my plan.
"Wait!" sigaw ko ng akmang papasok na ito sa kotse niya. Hindi ito natuloy at nagtataka itong napatingin sa akin. Kita ko mula sa mga mata niya kung paano siya mabaliw sa ganda ng imahe at hubog na nakikita niya —- pagbibigyaan kitang maamaze sa ganda na nakikita mo. Lalapit ako kahit nasusuka ako at nandidiri na lumapit sayo.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."