Ken's POV
MALALIM na ang gabi pero hindi parin ako makatulog. Nagpasya akong lumabas ng room ko upang tumungo sa kusina para kumuha ng gatas. Bago pa man ako makapasok sa kusina ay nahinto na ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos. Pagsilip ko sa kusina, nakita ko si Rita habang may hawak na paperbag. Isa-isa niyang inilagay doon ang mga pagkain na kinukuha niya sa ref at sa cabinet.
Aalis siya? Aalis na naman siya?
Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at mabilisamg kinuha ang bag kong may mga lamang ilang damit at gamit ko. I always have this emergency bag. I always followed this hard headed girl kung saan ito pumupunta pero patago lang. Like what I have said, gusto ko siyang maging safe palagi. Ano man ang mangyari, sisiguraduhin kong okay siya. Hindi ko lang yan trabaho para sa Dad niya, obligasyon at responsibilidad ko yan sa babaeng mahal ko.
Bago pa man tuluyang lumabas si Rita ay kinuha ko ang duplicate key ng kotse niya para makapasok ako sa backseat niya. Madilim dito sa lugar kung saan nakapark ang kotse niya kaya ang ginawa ko, yumuko ako para hindi niya ako makita. Ilang minuto pa lang akong nakakapasok sa kotse niya ay dumating na ito. Tama ako. Aalis nga siya! Muntik pa akong mapasigaw ng mabagsakan ako ng bag nito na inilagay niya dito sa backseat. Laptop bag yata yung tumama sa likod ko kaya masakit.
Nagsimula na itong magmaneho. Mabilis siyang nagpatakbo. Wala akong magawa. Gusto ko man siyang pigilan ay hindi ko magawa. Hanggang sa marinig ko ang unti-unti nitong paghikbi. She's going to cry?? F*ck!
Nakatulog yata ako habang nakahiga dito sa backseat. OO, nakahiga na ako dahil sa haba ng biyahe. Chineck ko ang phone ko at kung anong oras na. 1am palang pala pero feeling ko mahaba na ang tulog ko. Bumalik ako sa pwesto ko kanina na nakayuko. Naririnig ko parin ang pag-iyak ni Rita. At ang mga reklamo nito sa buhay. She's still in pain. I want to hug her pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang icomfort pero hindi pwede. Nandito lang ako para pakinggan siya. Mga saloobin na hindi niya masabi-sabi sa kahit na sino. Mga problema at reklamo na hindi niya magawang sabihin sa Dad at Mommy niya.
Dahil sa bawat pagsingkot nito dahil sa pag-iyak ay paubos na nga yata ang tissue niya. Unti-unti akong sumilip ng mapansin ko ang paghinto nito ng kotse. Nasa gilid kami ng daan. Nakita ko si Rita na yumuko sa manibela at umiyak na naman. Napayuko muli ako ng nag-angat ang kamay nito na tila may gustong kunin dito sa backseat.
Shit.
"WHAT THE HELL??? WHAT ARE YOU DOING HERE??????" gulat na sigaw nito.
Wala na akong nagawa. Unti-unti akong nag-angat ng ulo tsaka umayos ng upo dito sa backseat niya. Halata parin sa mukha nito ang gulat.
"Don't mind me. Ituloy mo lang ang pag-iyak mo." sabi ko dito tsaka ako sumandal sa window at ipinikit ang mga mata ko.
"Hoy ! At balak mo pa talagang makitulog dito sa kotse ko?? Tsaka bakit ka nandito??? Wala ka naman kanina diyan hah!!"
"Kanina pa ako dito! Hindi mo lang ako napansin."
"At bakit ka nga nandidito??? Paano ka nakapasok sa kotse ko???"
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."