Tipsy

392 28 10
                                    

Rita's POV






Mabilis kong ibinaba sa table yung diary ko——- shit, nahulog pa sa gilid ng kama yung diary, pero hindi ko na kinuha pa dahil mas natuon ang atensyon ko kay Ken sa pinto. Nakatayo lang kasi ito at nakatingin sa akin ng buksan niya ang pinto ng kwarto. Halata kong lasing ito dahil namumula ang leeg nito.










"Ken.." lumapit ako at hinawakan ko siya sa kamay para maalalayan paupo sa kama niya.. Pagkaupo nito sa kama niya binitawan ko siya ng mapansin kong napahawak siya sa ulo niya. Nakamasid ako sa kanya. Lasing na lasing nga ito.









"Why are you here?" tanong nito sa akin na ipinagtataka ko. Hello! Asawa mo kaya ako!





"Syempre dito ako nakatira!" malditang sagot ko dito. Ang hirap naman makipag-usap sa lasing. Napansin kong natawa ito. Tinuro niya ako tsaka siya umiling-iling. Naihulog pa ni Ken yung isang unan kaya lumapit ako para kunin iyon ng sumenyas ito na wag akong lalapit sa kanya.




"Diyan ka lang."






"Ken, bakit ka ba naglasing??? May problema ba??" tanong ko dito dahil wala naman akong kaalam-alam kung bakit ito lasing ngayon.
Napatingin ito sa akin tsaka ito tumawa na para bang may nasabi akong nakakatawa.






"Ken——"








"Problema??? Oo. Ikaw. Ikaw ang problema ko!! "

























Nabingi ako sa narinig ko. Dapat expected ko na tong sabihin niya sa akin. Ito naman yung iniisip ko diba? Problema lang naman talaga ako sa buhay niya. Pero ang sakit palang marinig mismo sa kanya iyon. Natahimik ako at nakatingin lang ako sa kanya kung paano niya kinuha yung unan at ibinalik sa pagkakaayos sa kama niya.










"Pasensya na hah? Kung namomroblema ka dahil sa akin." sarkastik na sabi ko. Pinipilit kong pigilan yung iyak ko. Kasi kahit umiyak ako dito, wala naman na siyang pakialam.













"Get out." rinig kong sabi nito. Ngayon ay pagalit ang tono nito.








"Hindi ako aalis." pagmamatigas ko.






"Get out———-" shit, mabilis kong kinuha ang trash bin ng mapansin kong magsusuka si Ken. Sakto naman at pagkaabot ko ng trash bin kanya ay doon na siya sumuka.. Nanginginig kong hinimas ang likuran nito pero tinatanggal niya ang kamay ko sa likod niya kahit panay suka ito..

Napatakbo ako sa loob ng banyo dahil hindi ko kinaya ang amoy ng suka. Sariling suka ko pa nga lang ay nandidiri na ako, sa ibang tao pa kaya. Napahawak ako sa sink ng magsuka ako doon. Shit. Pati sarili kong bituka ay gusto yatang kumawala dahil sa amoy ng suka kanina. Diring-diri ako. Shit lang. Nanghihina ako dahil sa pagsusuka ko—- pati ba naman ako sasabayan siyang nagsusuka sa labas. Nang maikalma ko ang sarili ko ay lumabas ako muli sa bedroom area tsaka ko nakita si Ken na nakahiga na sa kama niya. Tulog na yata ito.


Nakatitig ako sa mukha nito. Ken, ano bang gusto mong gawin ko para maging masaya ka? Gusto mo ba talagang umalis na ako?











I immediately wipe my tears. Umiiyak na naman ako.







Nandidiri kong kinuha ang trash bin at halos hindi ako huminga para lang mahugasan iyon sa banyo. Inubos ko yata lahat ng detergent sa loob ng banyo ni Ken mawala lang ang amoy. Pati yung mamahalin kong pabango ay inispray ko na sa loob ng room at sa banyo.



UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon