Will

287 28 5
                                    

Rita's POV






"Malapit na akong matapos sa presentation! Sa katapusan pa nga ang presentation ko for Luna Company———- I felt like, nasayang lang yung effort ko for that presentation, i-pupull out lang din pala nila yung project!!" inis na sabi ko sabay bato ng bag ko sa kama..









"Isa pa lang yan sa nagiging resulta ng ginawa mo Rita." kaswal na sabi nito habang nagtatanggal siya ng suit niya.









"At masaya ka naman?" hamon na tanong ko.








"May natitira ka pang isang project—- iyon na lang ang intindihin mo—— maswerte ka na kung walang pag-pull out ang magaganap. Sana naman prepared ka na sa posibleng mangyari."






"Gagawan ko to ng paraan."









"Good luck." simpleng sabi niya sabay pasok sa banyo, magbibihis siguro. Nanatili akong nakaupo sa kama at iniisip parin yung problemang sinabi ni Dad. Nawalan kami ng 200 million worth project——- dahil sa akin. Dahil sa naging issue na sinimulan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin to. Masyado ng malaki ang damage na nangyari sa kumpanya. Baka tuluyan na akong bumigay kapag pati yung natitirang project ko ay i-pull out din.








Doble-dobleng karma yung bumalik sa akin. Hindi lang sa sarili ko pati sa trabaho at reputasyon ko sa RDV. Lahat ng ito ay ginusto kong mangyari kay Ken noon eh—— pero bakit sa akin nangyayari lahat. Mabilis kong pinigilan ang pag-iyak ko ng mapansin kong papalabas na ng banyo si Ken.







Nakabihis na ito ng usual jogger pants niya at itim na t-shirt. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo para ako naman ang magbihis.








"Locked the gate pagkaalis ko." bilin nito sabay kuha ng keys niya sa side table pati yung phone niya. I want to ask kung saan siya pupunta pero napipe ako ng tuloy-tuloy lang itong naglakad palabas ng kwarto.



























Ken's POV



"Malapit na daw ako ma-discharge." naaawa akong nakatingin kay Lucia habang pilit siyang ngumingiti dahil sa pagdating ko.




"Good! Kaya ikaw, ingatan mo na yang sarili mo at si Baby."




"Kamusta ka?" tanong nito sa akin. Hindi ako agad na sumagot. Umupo ako sa monoblock tsaka mas lumapit kay Lucia.




"I'm sorry kung hindi natuloy yung kasal——-"






"Wala eh. Ayaw niya!" sabi nito sabay turo sa krus sa harap ng hospital bed niya.




"Sasaya ka din ulit. Alam ko. Pinagpi-pray ko iyon Lucia."




"Yeah—- Sana, eh ikaw?? Masaya ka ba?" napayuko ako. Hindi. Hindi ako masaya sa mga nangyari. Hindi mawala yung galit sa puso ko. Sa tuwing inaalala ko yung ginawa ni Rita—- pakiramdam ko napaka walang kwenta kong tao. Lahat ginawa ko na para magbago yung tao pero mas lalong lumala. Ang hirap palang makumbinsi ng puso niya na magpatawad. At nakagawa siya ng malalang plano na ikinasira—- hindi lang ng buhay ko pati ng buhay niya at ng kumpanya..




"Pangarap mo to diba? Ang makasal sa kanya?" napailing ako. At nakatitig sa mga mata ni Lucia. Naaawa ako sa kanya—- hindi ko manlang siya natulungan—— pumayag akong magpakasal na sana sa kanya para matulugan siyang bumalik ang totoong tatay ng Anak niya—- naiisip niya na baka balikan siya nito kapag na-aanounced namin ang engagement , pero wala. Na-witnessed ko yung malalang lungkot at pain sa puso niya ng tuluyan na siyang iwan ng boyfriend niya. Akala ko kaya ko siyang tulungan. Handa na ako. Tutal—- si Rita na mismo ang sumampal sa akin ng katotohan na hinding hindi niya ako mamahalin—— minabuti ko na lang na tumayong ama sa anak ni Lucia——— wala eh, walang kwenta na rin yung buhay ko—— but that issue happened.







UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon