Ken's POV
PAGBUKAS ko sa bahay nila gift ay sinundan ko lang si Tomas kung saan ito papunta. pero habang naglalakad ako sa living area ay naguguluhan akong napatingin sa mga litrato na naka-display doon. Isinantabi ko ang namumuong mga tanong ng makita ko si Gift na nakahiga sa kama nito. Mabilis ko itong nilapitan tsaka ko chineck ang pulse rate nito. Hinawakan ko ang noo nito. Napailing ako ng maramdaman kong sobrang init ng bata. Unconscious ito. Patuloy ang iyak ni Tomas na nasa gilid ko. Mabilis kong binuhat si Gift upang isakay sa kotse ko. Paglabas namin sa bahay nila Gift ay sumalubong sa amin ang tumatakbong si Rita, kasunod nito ay si Bianca. Kita ko na din mula sa malayo si Sebastian, Lucia at Apollo.
"Gift!! Gift! What happened to her???" natatarantang sabi ni Rita ng sumalubong ito sa amin.
"Mainit siya. She's unconscious pagpasok ko sa bahay." sagot ko dito. Mabilis silang sumunod sa akin papunta sa kotse ko. Pumasok si Rita sa backseat at iniabot ko sa kanya si Gift. Sumunod naman si Bianca at pumasok din.
Kahit naguguluhan ako at punong-puno ng tanong ang isip ko ay nagawa ko parin na paandarin agad ang kotse ko.
"What's her medical condition???" tanong ko sa kanila habang nagda-drive ako. Saglit akong napatingin sa rear veiw mirror ng kotse ko. Nagkatinginan lang sila at walang sumagot sa tanong ko. Huli kong tiningnan si Bianca.
"Bianca, just answer me—- what's the medical condition of your daughter?? Hindi mo alam??" napatingin ito kay Rita. Mas hinigpitan at binilisan ko ang pagmamaneho.
"Walang magsasalita??" galit na tanong ko sa kanila.
"Walang lagnat si Gift kaninang umaga. Okay pa siya. Hindi ko alam kung bakit ang init niya ngayon." tila kinakabahan na sagot ni Rita sa akin. Si Rita ang sumagot.
"I'm asking what's her medical condition, hindi yung observation niyo sa kanya kanina." inis na sabi ko.
"Bakit ba kailangan mo pang malaman? Magmaneho ka na lang!" sagot ni Rita sa akin.
"Si Bianca ang tinanong ko. Hindi ikaw!" sagot ko dito. Napailing ito at pansin kong nakahawak ito sa kamay ng bata. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Rita at ni Bianca. Magkaibang-magkaiba sila. Mas kalmado si Bianca compared kay Rita na kanina pa umiiyak at nakahawak sa kamay ni Gift. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak na din ngayon. Nag-aalala na talaga ako sa bata.
"Check her pulse rate. Mainit parin ba siya??"tanong ko sa kanila.
"O-oo."
"Anong medical condition niya?" muli kong tanong. At sa pagkakataong ito, nakarinig na ako ng sagot. Sagot na mas nagpakaba at nagpagulo sa isip ko.
"Ma-may allergy sa Banana si Gift." rinig kong sabi ni Rita. Muntik ko ng maapakan ang break dahil sa sinabi niya. Just like mine. It is a rarest type of allergy. At dahil tulad ito ng sakit ko ay malalim na ang kaalaman ko tungkol dito.
"Pero nilalagnat siya. Hindi naman ito dahil sa allergy niya. Hindi tumataas ang temperature ng tao dahil lang sa allergy——- check her body if my red rashes."
"Meron." sagot ni Rita. Saglit akong napapikit at mas binilisan ko ang pagmamaneho.
"Malapit na tayo." kinakabahang sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."