Meron

241 22 3
                                    

Rita's POV







December 24, holiday ngayon pero pumasok ako sa office. Kailangan ko lang tapusin ang ilang pendings bago mag end ang year dahil baka mataranta na naman ako sa mga deadline ng bayarin sa January. Kaunti lang ang pumasok ngayon sa office at wala ang assistant ko. Sasaglit lang naman ako dito dahil mag-aayos pa ako ng gamit ko—— sa bahay ako ni Mommy magpapasko. Oo. Ito na lang ulit ang unang beses na magpapasko ako kasama si Mommy.










Paubos na ang gatas na iniinom ko ng may pumasok sa office ko.















Its's him.







Pasimple kong inilagay sa likod ng red hand bag ko na nakapatong sa desk ko yung glass of milk. Lumapit ito sa akin tsaka may ibinigay na papel. Hindi ko ito kinuha, tiningnan ko lang.














"I need your signature." rinig kong sabi nito. Kahit nakabaliktad ang letter mula sa akin ay alam ko kung anong klaseng letter iyon.










He is filing his resignation letter.













"Paano kung hindi ko pirmahan yan?" seryosong tanong ko dito.








"I'm leaving in a few days. Pirmahan mo man ito or hindi, matutuloy ako." sagot nito na mas lalong nagpasugat sa puso ko.






He is resigning as the Public Relation Manager & Head Consultant of Marketing Department dito sa main RDV Office. Hindi ko alam kung anong position ang ipinagkatiwala ni Dad sa kanya sa RDV-California—- pero sigurado akong mataas na posisyon iyon.








Kinuha ko ang papel na hawak nito at mabilis kong pinirmahan tsaka muling iniabot sa kanya. Hindi ko ito tiningnan. Hinihintay ko siyang umalis ng office ko. Maybe—- ito na ang huling araw na makikita ko siya.













Papalabas na ito ng office ko ng magsalita ako.
















"10 pm , sa unit ko." sabi ko dito. Huminto ito sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. Hanggang sa tuluyan na itong umalis.




















Lunch time na pero wala pa akong ganang kumain. Ang dami dami ko paring iniisip. Napasandal ako sa swivel chair ko tsaka ko hinilot-hilot ang ulo ko. I felt like magkakasakit ako today pero hindi ako makainom ng gamot dahil hindi ko alam kung safe ba or what. Napatingin ako sa chandelier at pumasok sa isip ko ang pagkain na gusto kong kainin.




Roasted Chicken. I want it! 



Kinuha ko ang phone ko at nagpa-order ako ng roasted chicken ng Max's for my lunch. Napatingin ako sa pinto ng kumatok ang isang janitress ng RDV.








"Madaam? Baka po may gusto kayong ipabili?" tanong nito. Nginitian ko ito tsaka ako umiling. Pag-alis niya, tila may naamoy akong perfume na Lavander scented. Mabilis akong tumayo tsaka pumasok ng CR para sumuka.











Sh*t!!










Ito na naman ako, nadidiri sa sarili kong suka. Nanghihina akong lumabas ng CR at bumalik ng upuan ko. Inilabas ko yung inahaler na binigay ni Mommy sa akin. The best daw ito pangtanggal sa hilo. Wala pa nga akong kinakain, nagsuka na naman ako—— ang hirap naman nito.












UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon