Ken's POV
Mabilis akong sumakay sa kotse ko para masundan ko ang sasakyan ni Rita. Naiinis ako na hindi na naman ito kumain ng breakfast niya dahil na naman sa akin. Nag-aalala ako dito dahil baka hindi pa maayos ang pakiramdam niya dahil sa hangover nito.
Nang makita ko ang kotse nito sa daan ay mabilis akong sumingit sa ibang kotse para mapunta ako sa likod mismo ng kotse niya. Dapat lagi ko itong mabantayan at masiguro ang safety nito.
Siguro ay napapansin niyang sinusundan ko siya kaya bumibilis ang patakbo nito. Hindi ako nagpatalo at pinatakbo ko rin ng mabilis ang kotse ko hanggang sa bigla itong tumawag sa phone ko.
"Hoy! Stop following me!" inis na sigaw nito.
"Iisang company lang ang pupuntahan natin Rita. Syempre iisa lang ang daan——"
"Stop following me or isasagad ko tong bilis ng pagpapatakbo ko??" pananakot nito.
"Pero—"
"Humanap ka ng ibang daan mo!!! Stop following me!!! Bullsh*t!!" sigaw nito kaya mas lalo niyang pinahaharurot ang kotse. Wala akong magawa kundi humanap ng ibang daan para lang mawala ako sa paningin niya.
Bago pa man ako makarating sa company ay nagpasya na akong tawagan si Bianca para magbilin dito. Hindi na naman kasi kumain si Rita. Actually, weekly kaming ganito. Nagtutulungan para ma-sure na okay si Rita.
"Bianca, orderan mo si Rita ng usual breakfast niya. Hindi na naman kasi kumain. i-transfer ko na lang sayo yung payment. Thank you."
"Okay! Noted Sir Ken! Lagyan ko ba ng note?" pang-aasar nito.
"Siraulo."
"Hahahah.."
Pagpasok ko sa entrance ng Annex Building ay mabilis kong ibinaba ang mga gamit ko sa loob ng office ko mula dito sa pangalawang palapag. Hindi kami naka-office sa main office ng RDV na may 65th floors. Nasa katapat kaming building nito na mayroon lamang dalawang palapag pero may way naman papunta sa main office kung nasaan ang office ng Dad nito. Sa Annex building naka-office ang department ko kasama ang HR department. Sa main building na ang iba. Dito din ang office ni Rita na nasa unang palapag lang. Bakit nga ba nakahiwalay ang office namin sa main building? Basta. Malalaman niyo din.
Pagdaan ko sa office ni Rita kanina na nasa unang palapag lang ay hindi ko pa ito nakita kaya dumiretso muna ako sa office ko. Pagkalapag ko ng mga gamit ko ay bumaba agad ako at hinanap si Bianca. I saw her, palabas ng office ng boss niya.
"Where's Rita? Kumain na ba siya ng breakfast?"
"Actually, kahit ilang beses kong sinabi na ako ang bumili nun para sa kanya, hindi siya naniniwala kaya hindi niya kinain yung sandwich—— but, he drink the hot chocolate." napangiti ako sa ibinalita ni Bianca.
"Lah? Hoooy! Ang aga! Kinikilig ka diyan?" pang-aasar nito.
"Hah? Hindi." pagtanggi ko dito pero alam kong hindi ito naniniwala.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."