Hate

374 32 9
                                    

Rita's POV






HINDI MATIGIL ang pag-iyak ko habang sakay ako ng kotse ni Ken. Nang mapansin kong sa bahay nga ang uwi namin ay nagsalita ako.













"Sa unit ko ako uuwi." mahinang utos ko dito.
Hindi naman na ito nagreklamo pa. Sinunod niya ako. Walang imik niyang inilihis ang daan para ihatid ako sa condo unit ko sa Taguig. Hindi ako madalas na umuwi dito sa unit ko dahil nasa ikalimang palapag ito. Magtatatlong taon na itong unit ko sa akin pero nasa tatlong beses lang din ako nakapunta dito. Bigay ni Dad sa akin ang unit na ito on my 23rd birthday. Alam mong walang alam yung Dad mo sa kondisyon na meron ka. Ikaw ba naman bigyan ng Condo unit na nasa ikalimang palapag, eh hindi nga ako gumagamit ng elevator dahil sa phobia ko. Sa tatlong beses kong pagpunta dito, hagdan lagi ang daan ko. Wala ng iba. Akala ko sasaya ako sa birthy gift niya na yun eh. Pero mas lalo lang pala akong masasaktan.



















Pagpasok namin ng building ay wala parin kaming imikan. Nakasunod ito sa akin. Akala ko ay ihahatid niya lang ako pero hindi. Nang mapadaan kami sa reception area ay liliko na sana ako papunta sa hagdan ng hawakan ni Ken ang kamay ko at tinuro niya ang elevator.

















"Gago ka ba??" inis na tanong ko dito. Alam kong alam naman niya ang phobia ko pero papasakayin niya ako sa elevator??













"You're 26. Hindi mo ma-oovercome yung takot mo kung hindi mo susubukan."









"Ayoko! Bahala ka diya———"








"I'm here. Sasamahan kita!"






"Ayoko nga!" nagsisimula na akong maiyak at mag panic dahil pinipilit niya talagang sumakay ako ng elevator.






"Hey! Listen. Hindi kita iiwan sa loob. Akin na yung kamay mo." grabe yung kaba ko ng mapansin kong pababa na sa floor kung nasaan kami yung elevator para kami na ang sumakay.





"Ken! Ayoko." naiiyak na sabi ko dito. Napapikit ako ng mas lumapit si Ken sa akin para yakapin ako. Nararamdaman ko ang bawat pag-hinga niya.




"Stay. Just close your eyes. And walk." kalmadong boses na sabi nito. Madiin akong pumikit. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Nanlalamig na yata ako. Nakahawak si Ken sa mga kamay ko at naramdaman kong nagsimula na itong humakbang para pumasok sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung bakit automatic na humakbang din ang mga paa ko para sumunod sa kanya, nanatili akong nakapikit. Hanggang sa naramdaman kong sumarado na yata ang pinto ng elevator. Nasa loob na kami. Kaming dalawa lang. Ramdam kong nanginginig ang katawan ko sa kaba, Ken hugged me. Hanggang sa narinig ko na lang na bumulong ito sa tenga ko...






"You—-are——loved, you—-are—-amazing and you—-are human being worthy of all the dreams that you have——" goosebumps. The way he speak, He was just like a preacher or motivational speaker na pinapalakas yung loob ko. How can he do that?? Natigil ako sa pag-iyak at unti-unting dumilat. Nagtama ang paningin namin at isang nakangiting Ken Chan ang bumungad sa akin. Sakto ang pagbukas ng elevator. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at magkasabay kaming lumabas ng elevator at tumungo sa pinto ng unit ko.













"See? Na-overcome mo yung takot mo. Sa susunod na pumunta ka dito, mag elevator ka na."






"Ano? Pipikit ako lagi kapag sasakay ng elevator?" mataray na tanong ko dito.






UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon