Rita's POV
"Madam, ready na daw yung table—— Madam??? Bakit ka umiiyak???" I wiped my tears tsaka ko nilingon si Bianca.
"Look." pasimple kong tinuro si Gift at Ken na masayang naglalaro mg badminton sa tabing dagat. Napatakip pa ng bibig si Bianca dahil sa nakikita niya.
"Eh anong nakakaiyak diyan???" biglang sabi nito.
"Hindi mo ba nakikita??? Hindi pa lubos na kilala ng anak ko si Ken pero ganyan na ang bond nila? Nilalayo ko na nga siya kay Gift pero pilit parin silang pinagtatagpo. Diba pinasuyo ko sayo si Gift? Nasa office ko lang yan kanina diba? Paano yan nakalabas dito??"
"Eh Madam, pinatawag kasi ako ng head chef ng isang restaurant, may concern lang. Sinama ko na si Gift dito palabas. Hindi ko namalayan na nakalabas ng restaurant yang anak mo. Pareho kayo—— nakakatakas kahit ilang beses pagbawalan at pagsabihan."
"Paano ko malalayo yung anak ko kay Ken?" seryosong tanong ko kay Bianca. Wala na kasi akong maisip na idea. Masyadong magulo ang isip ko.
"Bakit pa kailangang ilayo? Bakit di mo na lang ipakilala—??"
"Bianca, alam mo namang may mga buhay na magugulo kapag nangyari iyan."
"Hindi ba mas lalong magugulo kung habang buhay mong itatago sa kanya ang totoo?"
"Rita, the foods are ready. Let's go?" mabilis kong pinahid ang mga luha ko ng marinig kong nagsalita si Sebastian sa likuran namin ni Bianca. Patay malisya akong ngumiti kay Sebastian tsaka naglakad papunta sa Breakfast table na ipinahanda ko. Every Tuesday talaga ay sabay-sabay kaming kumakain ng breakfast kasama ang mga naging pangalawang pamilya ko dito sa Baler. Consistent iyan. Aminado akong ito yung madalas kong nilolooking forward every tuesday dahil bago sa akin ang tradition na ito. Wala akong schedule ng trabaho every Tuesday morning dahil dito. Sinisigurado ko talaga na may morning breakfast kaming lahat dito. Hindi ako lumaking kasabay na kumakain ang mga magulang ko. Lagi akong mag-isa. Kaya ito yung bagay na gusto kong ibigay at maranasan ng anak ko—- ang kasamang kumakain ang mga tao na nagmamahal sa kanya.
Nang makarating kami sa table ay tahimik lang akong naghihintay na makumpleto kami sa table.
"Pinatawag ko na kay Timo si Gift. Wag ka ng sumimangot diyan." rinig kong sabi ni Sebastian. Hindi ako kumibo. Malayo ang isip ko. May gumugulo na naman kasi dito.
"Madam! Nakalimutan ko palang sabihin sayo. Bibisita daw this week ang Mommy mo." mabilis akong napalingon kay Bianca.
"Ano??? This week??? Bakit daw???" biglang kinabahan na sabi ko .
"Syempre madam! Gusto nilang actual na makita ang progress ng renovation sa garden! Anniversary wedding nila ang mangyayari, dapat lang na masigurado nila na matatapos on time ang renovation."
" Pero—-" napalingon ako kay Sebastian ng patunugin nito ang cup niya at kutsara sa harap ko.
"Relax!"
"Paano ako magrerelax?? Hindi alam ni Mommy na si Ken ang representative ng contractor na kinuha ng Dad mo! Sebastian naman kasi, bakit hindi niyo manlang kami kinunsulta sa mga tao na papapuntahin niyo dito sa resorts niyo. Tingnan mo—- nangugulo na naman yung buhay ko." nagkatinginan si Sebastian at Bianca at sabay silang natawa.
"Matapang ka diba? Sa dami ng laban na pinagdaanan mo, sa ganito ka pa maduduwag? Bakit di ka na lang sumugal ulit."
"Sebastian? Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Anong laban ang susugalan ko pa?? Malayo na ang mundo naming dalawa!"
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."