Rita's POV
NANGYARI ANG DAPAT NA HINDI NANGYARI. Mabilisan lang ang lahat——- kasal na kami. Oo. Natuloy ito. Hindi ito ginanap sa simbahan. Sa Mansion lamang ito nangyari —— ang mga piling tao lang ang dumalo. Ilang beses nang kinausap ni Lola si Dad pero wala parin kaming nagawa. At dahil sunod-sunuran nga si Ken sa Dad ko at para narin malinis ang pangalan ng RDV sa kumakalat na picture, pumayag si Ken. Wala siyang option—- ganoon din ako—- Hindi nga nila ako tinanong kung okay lang sa akin? Ako yung anak niya——- pero wala akong magawa. Ang sakit sakit—— parang dinudurog sa muling pagkakataon ang puso ko.
Hindi ko nga alam kung kasal ba talaga yung nangyari. Walang halik ang naganap. Maiksing wedding vows lamang—— mas maiksi pa nga yung kay Ken—— halata mong hindi pinag-isipan.
Burado naman na yung mga kumakalat na picture pero hindi naman agad mabubura yung dumi na nilikha nun sa company at sa buhay ni Ken. Magmula ng kinasal kami kanina ay never niya akong tiningnan sa mga mata ko. Halata ko ang galit.
Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan habang pauwi na kami sa bahay ni Ken. Hindi ko nga alam na may sarili na pala itong bahay. Dito kami titira ni Ken sa iisang bahay. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng bahay na ito—— baka araw-araw kaming nagsisigawan o nag-aaway.
Paghinto ng kotse sa isang bungalow style na bahay ay ako na ang unang nagsalita... Nabibingi na kasi ako sa katahimikan..
"Sayong bahay ba ito?"
"Wag kang mag-alala, hindi ko yan ninakaw." malamig na tonong sagot nito.
"Bakit hindi mo dito pinatira ang Mama mo? Hinahayaan mo siyang nagtitiis sa mansion.."
"Dahil malaki ang utang na loob ni Mama sa Dad mo—- at dahil sa lintik na utang na loob na yan, sirang-sira na ang buhay ko!" galit na sabi nito sabay baba ng sasakyan. Nagulat ako—- natakot. Napailing ako . Bumaba na din ako ng kotse —- kinuha ko ang bagahe ko at sinundan si Ken sa loob ng bahay. Kahit na isang palapag lang ito ay napakalaki nito. Siguro ay may tatlong kwarto dito. May pool area din sa bandang Garden pero hindi kalakihan. Gawa sa Glass ang ilang dingding nito na natatakpan lang ng kurtina.
"Tayong dalawa lang dito?" tanong ko kay Ken. Medyo mabigat kasi ang bagahe na dala ko—- magpapatulong sana ako para medyo di na ako mahirapan.
"Wala. Ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay ko.."
"Gagawin mo akong katulong?"
"Responsibilidad mo yan bilang asawa ko. Alam kong wala kang alam sa gawaing bahay. Pero matalino ka diba? Gawan mo ng paraan."
"Ako naman ba ang pinapahirapan mo?" seryosong tanong ko dito. Ang talim kasi ng bawat salitang lulalabas sa bibig niya.
"Pinapahirapan? Wala pa akong ginagawa."
"Ken—- tratuhin mo akong tao dito——"
"Bakit? Trinatrato ba kitang hayop dito???"
mabilis na sagot nito. Halatang galit. Inis kong hinila ang bagahe ko bago nagsalita."Saan ang kwarto ko?"
"Sa kwarto ko. Dito." sabi nito sabay bukas ng room niya..
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."