Rita's POV
KUNOT noo akong napatingin sa madilim na lugar na binabaan namin. Ang tanging ilaw lang na nakikita ko ay ang signage na "Heaven's Massage"
"Dito? Anong gagawin natin dito??" reklamong tanong ko kay Ken.
"I think need mo na ng massage. Hindi sapat yung massage na ginagawa sayo ni Lili. Tara, pasok na tayo sa loob bago sila mag-closed."
"Teka lang!! Are you serious??? Ito? Dito? Dito yung langit na sinasabi mo????" halos hindi makapaniwalang sabi ko dito. the hell??? Mas cheap pa to sa inaakala ko!
"Bakit? Ano bang langit ang nasa isip mo??? And are you thinking about langit talaga? Malabo kasing doon ang punta mo." sabi nito na mas lalong ikinainis ko!!!
"Wow? Ang bait mo hah!"
"Tara na sa loob! Hinihintay na tayo ni Lucia."
"Lucia? At sino naman si Lucia????" ang dami naman nitong babae.
"Owner ng masage spa na to! Batchmate natin sa Ateneo."
"Batchmate natin???" eh wala akong matandaan. Nagdadalawang isip akong bumaba dahil napakadilim talaga sa lugar. Wala din masyadong tao sa labas, malayo pa ito sa main road.
"Teka, lagi ka ba dito??"
"Hindi naman lagi. Pero pumupunta ako dito kung gusto kong magpalamig ng ulo..."
"So mainit ulo mo ngayon??" pagtataray ko dito.
"Oo, dahil sayo." sagot nito.
"Wala pa nga akong ginagawa, mainit na agad ulo mo." napansin kong nainis na naman ito sa sinabi ko..
"Tsk, stop talking, let's go inside!" sabi nito at napilitan na lang akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob..
Pagpasok namin sa loob, madilim parin. Dim light lang ang mga ilawan dito na mas lalong nagpatindig ng balahibo ko.
"Pucha, Ken? Horror house ba to??? Seryoso ka bang massage spa ito———- Ay palaka!!! Ano ba!!!" nagulat ako ng biglang may magbukas ng ilaw at doon namin nakita ang isang babaeng nakaupo sa reception area. Pinagmasdan ko ang payat pero magandang babae. Pamilyar nga ito sa akin pero hindi ko alam ang pangalan. Baka ito si Lucia.
"Oh! Wow? Rita Daniela is here?? Isang malaking karangalan na makita kita dito!" nakatingin lang ako dito at hindi manlang bumati. Bakit, hindi ko siya kilala eh. Anong pakialam ko diyan.
"She's Lucia! Kapatid ni Ria" Oh, Kapatid ng first girlfriend niya. Aba.
"Hi." walang ganang bati ko dito.
"So anong pinunta niyo dito??" nakangiting tanong nito kay Ken. Lah? Baka kakain ng lechong baka! Nagtatanong pa siya? Ano bang ginagawa sa massage spa. Stupida din, tulad ng kapatid niya.
"Magpapa-massage si Rita."
"No." biglang hirit ko. Siniko ako ni Ken pero hindi ako natinag. Eh sa naiinis ako ngayon eh. Dapat sa mamahaling hotel na lang niya ako pinunta, mapapagod pa siyang masaya. Hmp.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."