Return

237 28 2
                                    

Rita's POV






BUMALIK ako ng mansyon. Umalis ako sa bahay niya, dala ang lahat ng mga damit ko.








Ano pang rason ko para mag stay? Hindi naman na ako inuuwian ng asawa ko. Ano pang rason?? Mas lalo lang ako ma-sstress doon. Gusto kong magwala. Naiinis ako. Pero tahimik lang akong himihikbi sa loob ng kwarto ko.















































Ken's POV





"Ken? Kung ako sayo, umuwi ka na. Talk to her. Dali na."







"Sa tingin mo —— ma-mahal na ako ni Rita??"
nakangiting tumango si Lucia.






"Pero paano kung hindi naman——"





"Ken, kung hindi ka niya mahal, in the first place, hindi siya papayag na pakasalanan ka at ikulong ang sarili niya sa bahay niyo. Ikaw na nga ang nagsabi, she secretly cried during nights. Maybe, may bumabagabag sa kanya. Kausapin mo siya. Pakinggan mo siya." napayuko ako. Pumayag lang naman magpakasal si Rita dahil alam niyang fake wedding lang ang mangyayari—- pero paano kung? Tama ba si Lucia? Mahal na ako ni Rita? Paano kung mali kami. Paano kung may binabalak na naman siya? Shit. Nahihirapan akong mag-isip. Hindi ko na kasi alam ang totoo sa hindi.




Napatingin ako sa phone ko habang binabasa ang pangalan ni Rita sa screen. A lot of missed calls, text messages—— nag-aalala ba siya sa akin? Totoo ba?




Isang linggo na lang, aalis na kami ni Lucia dito sa Pilipinas. Inaantay ko na lang ang announcement ni Sir Romeo for Rita's promotion. Pero pinagulo na naman ni Lucia ang isip ko at pag-isipan ko pa daw ng mabuti ang gagawin ko. Handa na ba talaga akong iwan si Rita? Handa na ba akong kalimutan siya? Handa na ba akong lumayo at samahan si Lucia sa ibang bansa at iwan yung babaeng ni-minsan ay hindi naman talaga nawala sa puso ko. Yeah. I still love her BUT hindi sapat na dahilan na mahal ko parin siya para mapatawad ko siya.












Pag-uwi ko ng bahay——— tulad ng ikinatatakot ko. Wala na ito. Tuluyan na siyang umalis. Napahampas ako sa pader. Tama naman ito diba? Maybe it's a sign. Umalis na talaga siya. Tama ito. Ito dapat ang mangyari. Ayokong makulong siya dito. Aalis na din naman ako eh. Tama lang ito.









Napaupo ako sa kama.











Tama nga ba? Subukan ko bang kausapin siya??  Aaaarrrghhh. Ang hirap mag decide. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng mangyayari.






































Rita's POV



2am. Sinubukan kong tumayo mula sa kama na basang-basa na siguro ng gabalde kong iyak. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Miss ko na miss ko na siya pero hindi ko kayang magmakaawa sa kanya. Sosolohin ko na lang ang sakit. Wala namang may pakialam.








Pinilit kong maglakad para makababa sa kusina para kumain. Kanina pa ako sinusubukan na dalhan ng pagkain ni Manang Carmen pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto. Wala lang talaga akong ganang kumain kanina. Pero hindi ko matiis. Ngayon, nagugutom na talaga ako kaya ako na ang bababa.






Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Ken. Mabilis kong isasarado sana muli ang pinto ng pigilin niya iyon. Hinarang niya ang kamay niya kaya hindi ko tuluyang naisarado ang pinto.





UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon