Flashback
Umiiyak akong nakatingin sa natutulog na si Ken. Unti-unting nadudurog ang puso ko habang nakikita ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito kahit na nakapikit siya.
"I'm sorry. I'm really really sorry." umiiyak na sabi ko sa natutulog na si Ken. Inilapit ko ang mukha ko sa pisngi nito upang halikan siya.
"I love you." kasunod na sabi ko bago ko punasan gamit ang kamay ko ang ilang mga luha sa gilid ng mukha niya. Nagulat akong maramdaman kong hinawakan ni Ken ang kamay kong pumupunas sa mga luha niya. Naniningkit itong nakatingin sa akin—— sa mga mata ko..
"What did you say? You—— you love me?" halos paos na tanong nito. Nakatingin lang ako sa mga mata nito. Kita ko yung pain sa mga mata nito. Namumula. Dahil sa labis na kalasingan at pag-iyak.. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya. Umiiyak akong tumango at hinalikan ang kamay ni Ken. Napabangon si Ken sa pagkakahiga. Umiiyak din itong nakatingin sa akin.
"I'm sorry—- I'm really really sorry kasi nawala ako.. Kasi umalis ako. Sorry.." sabi nito na ikinagulat ko. Bigla niya akong niyakap—- napakahigpit—- na tila ayaw na niyang malayo ako sa kanya.
Ngayon. Ngayon ko lang naamin at nasabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon noon dahil mas nangibabaw ang takot ko. Takot na hindi ako pwede sa kanya, takot sa mga tao sa paligid namin, takot sa sasabihin ng iba——— pero nang ibigay si Gift sa akin ng mundo——- natakot ako. Pinili kong itago—- pero habang lumalaki ang anak ko—- mas lalo palang nakakatakot kung mag-isa ako. Ngayon—-sigurado ako. Kailangan ko siya. Kailangan ko pala siya. At kailangan siya ng anak ko.
"Ken? Sorry." umiiyak na sabi ko dito. Kahit hindi ako sigurado kung maalala niya itong pinagsasabi ko ngayon—- buong tapang kong binitawan ang mga salitang dapat niyang marinig.
Umiiyak itong umiiling. Hanggang sa baliwin na niya ako sa mapusok na halik na ginagawad niya sa labi ko ngayon.
My God! Sobrang miss na miss ko na siya. Akin lang to. Akin lang to.
Itinulak ko siya sa sofa at mabilis akong pumatong sa kanya upang halikan siya. Ramdam ko ang maiinit na mga kamay niyang nilalakbay ang likod ko upang tanggalin ang suot kong damit. Mabilis kong tinanggal ang ilang butones ng polo nito at mabilis pa sa isang minuto ay mas lalo akong nang-init sa katawan niyang bumalandra sa harap ko. ——- Shit!!! Mas lalong gumanda ang katawan nito!!!
Tila isang mahika ang nangyari—— pareho na kaming hubad —— hindi mapatid ang halikan hanggang sa dalhin niya ako sa kwarto. Dahan-dahan niya akong inihiga doon. Wala akong ibang maisip sa mga oras na iyon——- Siya lang at ang masayang bukas para sa pamilya namin.
Ibinaba ni Ken ang halik nito sa leeg ko——- hanggang sa halikan nito ang tiyan ko—- pababa ito hanggang sa napatigil siya. I saw him staring to my horizontal scar below the bikini line—- a scar of life—- a scar because of my emergency c-section nang ipinanganak ko si Gift.
Hindi niya pa alam ang tungkol sa lahat ng nangyari. I know nagulat ito. Yes. Ang dami-dami kong pinagdaanan nang ipinagbubuntis ko ang anak namin pero worth it ang lahat habang nakikita ko ang anak ko.
Napatulo ang luha ko ng bigyan ni Ken ng maliliit na mga halik ang scar ko——-
Mas lalo akong natutunaw sa ginagawa nito. Gusto kong isigaw kung gaano ko siya kamahal—- kung gaano ko siya kamiss.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."