Cake

289 30 6
                                    

Ken's POV




NAPAPRENO ako ng matindi ng muntik ko ng mabangga ang nasa unahan ng kotse ko. Nagmamaneho ako pabalik sa hotel na tinutuluyan ko pero ang isip ko ay nanatili sa eksena kanina. Kitang-kita ko kung paano nabago ang emosyon ni Rita. Yung galit at inis niya kanina ay napalitan ng katahimikan. Katahimikang magpapagulo sa isip ko ngayon. Is she affected sa mga sinabi ko? Masyado bang mabigat ang nasabi ko? Tama naman ako diba? Hindi parin niya ako napapatawad? May galit parin? ——— Hindi parin siya masaya sa buhay na meron siya ngayon? Tama ba?



Napatingin ako sa phone ko ng mag-ring ito.




"Sir!!! Nag file ako ng leave! 1 week! Masasamahan na kita sa mga ganap mo diyan sa baler!!!"



"Sino bang nagsabi sayo na kailangan kita dito? Hindi mo to trabaho Apollo."



"Wala pa naman si Boss Romeo dito sa Pinas! Kaya pinayagan akong magbakasyon!! Sir!! Sasamahan kita mamababae——-"



"Siraulo!" inis kong pinatay ang phone at napatitig na lang ako sa kotse sa harap ko. Red light parin. Inip na akong makarating ng hotel ko. Mga 30 minutes nga ang biyahe kung galing ako sa hotel kung nasaan si Rita. Sabi pa nga ni Apollo, bakit hindi pa daw ako doon mag stay sa hotel na ginagawa ng company namin. Gustuhin ko man ay hindi pwede. Hindi pwede. Kapag ginawa ko iyon, alam kong baka magalit na naman sa akin si Rita. Tatapusin ko na lang ng mas maaga ang trabaho dito sa Pinas at babalik na ako ng Canada.













Kinabukasan, 6am pa lamang ay nasa Hotel na ako at inaasikaso ang mga tao na gumagawa. Sinisimulan na kasi nila ngayon. Nakasarado ang front garden ng hotel, medyo wrong timing dahil summer ngayon at madaming tao dito. Pero wala eh. Mukhang mahalaga nga yata ang mangyayaring kasal dito kaya pinapamadali.




Pagkababa ko ng kotse ko ay sa entrance agad ng hotel ang tingin ko. Malayo pa lamang ay alam ko na kung sino ang babaeng nakasuot ng itim na dress. Naglalakad ito at kasabay niyang naglalakad ang owner ng hotel. Yeah. It's Rita and Sebastian. Pinagmasdan ko lamang sila mula sa malayo. Kahit malayo, alam kong nakangiti si Rita—- tila may pinag uusapan sila na dahilan para mapangiti si Rita. Pumasok sila sa isang restaurant. May mga kasama pa silang pumasok sa loob pero hindi ko sila kilala.




"Sir Ken!" napalingon ako sa bandang kaliwa ng makita ko si Bianca. Kumaway ito. Napangiti ako at lumapit sa kanya.




"Sir! Pasensya na hah! Ako nga pala muna ang bahala sa inyo at sa ilang contractor ngayon. May importanteng ganap si Madaam at Sir Sebastian ngayon eh."




"Okay lang. Walang problema. Mukhang importante nga ang pupuntahan ng dalawa." nakangiting sabi ko dito sabay tingin muli sa entrance ng restaurant na pinasukan nila.



"Kamusta ka na pala Sir? Hindi kasi tayo nakapag kamustahan noong nakaraang araw. Busy din kasi ako."



"Kamusta ako? Ito. Ako parin to." natatawang sabi ko dito. Napahawak ako sa braso ko ng hampasin ni Bianca iyon.



"Sir hah! Seener ka sa mga chat ko noon! Tapos biglang wala ng paramdam! Ganun ba talaga kapag hangin na ng ibang bansa ang nalalanghap?" natawa ako. Yeah. Pinutol ko din ang communication ko sa mga friends ko dito sa Pinas. Even Bianca. Kahit na isa ito sa malapit kong kaibigan sa RDV.



"Pinili kong lumayo. Kasi iyon ang tama." sagot ko dito pero umiling si Bianca.




"Tama? Okay, sabihin na nating tama ang ginawa mo. Pero diba dapat nagpaalam ka man lang?" makahulugang tanong nito. Iyon ang pagkakamali ko. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila. Nawala ako ng hindi nila alam kung babalik pa ba ako or hindi na.






UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon