Ken's POV
MAAGA akong pumasok sa office ngayon at nagpasyang sa office na lang mag breakfast. May mga reports pa akong kailangang tapusin, dagdag pa tong project ni Mister Clifford. Pagpasok ko sa entrance ng Annex Building ng mapansin ko na mukhang open na ang office ni Rita. Kunot-noo akong napatingin mula dito sa malayo. Huli na ng mapansin kong papalapit si Bianca sa akin.
"Sir Ken!!! Hehe. Ang aga mo naman yata!!" nagtaka ako sa bungad nito sa akin. Yeah, medyo napaaga ako pero never naman niya akong napuna tungkol dito, pwera na lang kung may pinagtatakpan ito. Napalingon ako muli sa office ni Rita pero si Bianca ay humaharang sa paningin ko.
"Bianca? May problema ba?? Si Rita ba yun? Nandito na si Rita??"
"Ah— Eh... Oo —— Wait Sir Ken!! Wait!!"
Nagmadali akong lumapit sa office ni Rita. Natigil ako sa paglalakad ng mapansin kong hindi lang si Rita ang tao sa office nito. Nahaharangan kasi ito ng pader mula sa direksyon ko kanina kaya hindi ko agad napansin. Pero ng naglakad ako palapit sa pinto ng office nito ay kitang-kita ko na ito. Nakatalikod ito at nakaharap kay Rita na nakaupo naman sa desk niya. Tila nag-uusap sila.
Aalis na sana ako ng mapansin kong bumaba si Rita mula sa pagkakaupo sa desk niya at kita ko kung paano niya hinalikan sa labi si Andrei.
Nagkuyom ang mga kamao ko sa eksenang nakikita ko. Nakakaramdam ako ng galit. Hindi ko alam kung valid ba tong nararamdaman ko. Pero nagagalit ako. Gusto kong sumugod sa loob at paghiwalayin sila pero wala akong magawa. Mas tumindi ang galit ko ng tila lumalalim na ang halikan nilang dalawa. Maglalakad na sana ako papasok ng office ng pigilan ako ni Bianca..
"Sir Ken!! Ako na." naglakad papasok si Bianca sa loob ng office ni Rita para matigil ang dalawa sa ginagawa nila.
They stopped. Sabay silang napatingin kay Bianca at alam ko, kita ng mga mata ko na nakikita ako ni Rita mula dito sa labas.. Tingin na may pang-aasar. Na tila ba masaya siya na nakita ko ang nangyari.
Ayoko na magtagal pa doon. Umakyat ako ng office ko at nawalan na ng ganang kumain. Nagagalit ako. Tama ba na makipaghalikan pa siya sa Ex niya??? Niloko nga siya ng tao ! Hindi ba siya nadadala??
Pucha. Hinulog ko lahat ng files na nasa table ko dahil sa inis. Wala akong pakialam kung makita man ng mga staffs ko yung ginawa ko. Ultimo yung pen holder ko, nahulog na at nagkalat yung mga pens. Dahil sa ingay na likha nun ay napasilip na nga ang mga staffs ko dito sa office. Yung iba, alam kong kumakain pa dahil maaga pa nga at 30 minutes pa bago ang working hours. Kumatok pa si Apollo para siguro itanong kung ano ang nangyayari.
Sumenyas ako na umalis sila sa tapat ng glass door ko. Nagkatinginan silang tatlong.Ilang sandali lang ay bumalik na sila sa kanya-kanya nilang work place. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustration , galit at inis na nararamdaman ko.
Rita's POV
LIHIM akong natawa ng maalala ko ang reaksyon ni Ken kanina habang hinahalikan ko si Andrei. Wala naman talaga akong balak na gawin iyon. Pero dahil sa kagustuhan kong ituloy ang plano kong paalisin to sa buhay namin ni Dad—— sinubukan ko siyang galitin. Masaya ako sa nakikita ko. He's mad. Alam ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya ng makita niya kami.
Napatingin ako sa relo ko. Lunch time na pala. Hinanap ng mga mata ko si Bianca para ayain itong kumain sa labas. Nang hindi ko siya makita ay nagpasya akong tawagan na lang ito.. Hindi ko pa man nahahawakan yung phone ko ng biglang pumasok si Ken sa office ko..
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."