Ken's POV
Nag-alisan na ang ilang mga staffs pero kami ni Rita ay nag stay pa dito sa office. Actually, ang balak ko ay until 7pm lang ang overtime ko pero si Rita, 9pm na, wala pa yatang balak umuwi. Ayoko namang iwan ito ng mag-isa dito.
Nagpasya na akong lapitan ito sa loob ng office niya. Nakabukas naman ang glass door niya kaya nakapasok ako. Halata sa mukha nito ang pagod pero nakatutok parin siya sa laptop at sa hawak niyang blueprint drawings.
"Rita, 9pm na, hindi ka pa uuwi?" nakasimangot itong nag-angat ng tingin.
"Umuwi ka na kung gusto mo. I can sleep here." walang buhay na sabi nito.
"Pwede mo namang iuwi yung trabaho mo. Restday natin tomorrow. Much better na sa bahay ka na lang mag work."
"Uuwi din naman ako. Ikaw , bakit nandidito ka pa?"
"Hihintayin na kitang makauwi. Medyo malalim na din yung gabi." natawa ito sa sagot ko.
"Para namang hindi ako umuuwi ng madaling araw pag galing ako ng club hah? Tsaka wag ka ngang magsalita na para kang Tatay na nag-aalala sa unica hija niya. Tss. Sige na, umuwi ka na."
"No. I will wait if kailan ka uuwi. Magpapadeliver na lang ako ng dinner natin dito."
"Ayun. Nagugutom ka lang pala ang dami mo pang sinasabi." pagkaplace ko ng order ay umupo ako sa tapat na upuan ni Rita. Inis itong napatingin sa akin na tila bawal tong ginawa kong pag-upo.
"Ano pang hinihintay mo dito? Pasko?"
"Pwede bang kahit once a week , kausapin mo naman ako ng maayos? I know, you hated me but hindi kasi healthy yung ganito. Nagtatrabaho tayo sa iisang company at ang daming nadadamay sa sama ng loob mo sa akin na hindi ko naman totally alam kung saan nanggagaling."
"Saan ka humuhugot ng lakas ng loob na kausapin ako ng ganyan?!?" inis na tanong nito.
"Actually Rita, naririndi na rin ako." nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Okay. I'm trying na magmasungit dito pero deep inside, kabado ako. Pero kung hindi ko ito kakausapin ng ganito, baka mas marami pang delays ang mangyari sa trabaho ng dahil sa amin. Ayoko namang mangyari iyon.
"Naririndi ka na pala, edi umalis ka na sa buhay namin ni Dad!"
"Alam mong imposible yan."
"At bakit naman?? Hindi mo maiwan si Dad?? Ano? Kanang kamay ka na talaga ni Dad?? Sinasamba mo na siya? Kawawang tuta."
"I'm trying to be nice on you pero kung palaging ganyan yung lumalabas sa bibig mo, hindi ko na papayagan yang ganyan."
"Tinatakot mo ba ako?? Bakit? Ano namang magagawa mo??"
"Madami akong pwedeng gawin." pagbabanta ko dito. Syet. Mapapangatawanan ko ba ito.
"Hindi ka powerful. Wag mo akong pinagbabantaan. Tuta ka lang ng Dad ko. Iyon ka lang sa buhay namin." galit na sagot nito.
Hindi na ako nagsalita. Tumayo na ako upang bumalik sa pwesto ko kanina pero bago ako tuluyang lumabas ng office nito, nilingon ko siya."Hatid ko na lang dito yung pagkain mo. *Arf! *Arf!!" natatawa ako sa pagtahol ko para asarin si Rita.
"Bwisit ka! Labas!!" umuusok na sa inis si Rita. Natatawa ako habang papalapit sa pwesto ko kanina. I can't believe it. Nagawa kong asarin ito. Nagawa ko iyon? Napabuntong hininga ako. Tuta. Iyon lang ang tingin nito sa akin. Nakakalungkot.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."