Rita's POV
Napahawak ako sa ulo habang unti-unti kong dinidilat ang mga mata ko. Napatingin ako sa liwanag na sumisilip mula sa bintana ng kwarto ko. Kinapa-kapa ko yung kumot na nakabalot sa akin at mas ibinalot ko pa sa katawan ko dahil nakakaramdam ako ng lamig———- shit. Bigla akong kinabahan. Hinaplos ko ang katawan ko——- I am naked! Napabangon ako at napatingin sa tao na katabi ko. Nakadapa ito at himbing pa sa pagtulog. Hubad din ito tulad ko——- at natatakpan lang din ng unan ang pw*t nito. Napapikit ako at napasapo sa noo ko.
Bakit ako kinakabahan? Diba dapat handa ako na ganito ang madadatnan ko paggising ko? This is my f*cking plan! Dapat hindi ako kabahan.
Ilang beses akong napapikit at pilit inaalis sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Napatingin ako sa couch ng marinig kong nag-ring ang phone ko——— Shit! It's already 7am!! May meeting kami by 8am!! Mabilis akong tumayo, binalot ko ang katawan ko sa kumot. Nahirapan pa akong hilahin ng buo ang kumot dahil may ilang part ng kumot na nakatakip din kay Ken. Ayokong magising ito. Paghatak ko sa kumot at tumayo ako ay nagmadaling tumungo sa couch para kunin ang phone ko at sagutin ang tawag.
It was Bianca!
"Hello."
"Madaam! Kanina pa ako tumatawag! So ano? Ready ka na sa meeting? 8am hah!"
"Yes! Yeah.. Papunta na ako!" pagsisinungaling ko para hindi ito mataranta. I ended the call. Pagbato ko ng phone sa couch ay nagulat ako ng may biglang humalik sa balikat ko habang nakatalikod ako.
"Hey! What are you doing???" iritang tanong ko kay Ken. Nagbaba ang tingin ko sa kanya—— Wala siyang suot kahit boxers manlang!
"Ano ba! Magbihis ka nga!!!" inis na sabi ko sabay layo sa kanya..
"Why? Para naman hindi mo pa ito nakita———" hindi ko na ito pinatapos na magsalita. Binato ko sa kanya yung unan at nagmadali akong pumasok ng banyo para maligo! Nakahinga lang ako ng maayos ng makapasok ako sa banyo. Mabilis kong binuksan ang shower. Napapikit ako sa malamig na tubig mula doon.. Kailangan kong linisin yung dumi na likha ng napaka stupid na planong ginawa ko——— Shit.
Napalingon ako sa pinto ng kumatok si Ken.
"Rita? by 8am ang meeting natin. Sabay na lang tayong magshower!"
"Manigas ka!!!! Subukan mong pumasok! Papatayin kita!!" galit na sigaw ko. Hindi ako nakarinig ng sagot mula dito. Natahimik ito.
"Okay. I will wait." kalmadong sabi nito..
Minadali ko na ang pagshower. Pagsilip ko mula sa banyo ay wala na si Ken sa room ko. Baka nasa living room ito. Nagmadali na din akong magbihis. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko itong gumagawa yata ng kape.
"Sakto! Magkape ka muna, maluluto na din tong itlog——-"
"Bakit nandito ka pa???"
"Magsa-shower pa ako——-" inihagis ko kay Ken yung susi ng unit ko , mabuti na lang at nasalo niya.
"Aalis ka na?? Kumain ka muna!"
"Locked my unit pag-alis mo!" simpleng bilin ko dito tsaka ako nagmadaling lumabas ng unit ko. Hawak ko yung heels ko habang nakatsinelas ako pababa ng hagdanan. Paglabas ko ng building ay pumara agad ako ng taxi para makarating on time sa bahay ni Architect Simion. I think, pupunta din si Dad doon.
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."