Rita's POV
"Sinabihan kitang wag kang lilingon diba??" rinig kong sabi ng lalaking nakatingin sa akin habang hawak ko ang pangatlong glass of wine ko na. Naramdaman ko ang paglagay ni Ken ng suit niya sa balikat ko—— hinubad ko kasi yung coat ko kanina at ipinatong sa katabing upuan tsaka ako nag-iinom dun.
"Eh gusto kong tingnan si Andrei eh! Ano bang malay ko na binulsa at isinama niya pala yung asawa niya dito."
"Akala ko ba hindi mo minahal si Andrei? Eh bakit nagkakaganyan ka??"
"Bakit? Ano bang ginagawa ko??"
"Pangatlong glass mo na yan ng wine. Last mo na yan hah!"
"Bakit? Sa tingin mo talaga? Dahil kay Andrei kung bakit ako umiinom?? No way!!! Wala na akong pakialam sa kanya—- sa kanila!"
"Eh bakit mukha kang tense diyan? Ayos ka lang ba talaga??" sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko pang panay tingin ito sa relo niya—— aalis na ba siya? Oo nga pala! May pupuntahan pa siya.
"Umupo ka dito." utos ko kay Ken na ngayon ay nakatayo at nakapamewang sa harap ko.
"I need to go na———-"
"Ano? Iiwan mo ako dito???"
"Tinext ko na si Mang Kanor na sunduin ka dito."
"Anoo?? Iiwan mo talaga ako??? Ikaw ang nagdala sa akin dito! Ikaw din ang mag-uwi sa akin!"
"Rita, may kailangan akong puntahan———"
"Sino ba yan?? Ano bang klaseng lakad yan? Mas mahalaga pa ba yan sa akin???" inis na tanong ko dito. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa pwesto namin dahil nagkakasayahan na silang lahat sa gitna.
"Aalis na ako———-" tumayo ako at hinatak ko si Ken para pigilan ko siyang umalis..
"Walang aalis!! Matapos mo akong halikan kanina? Iiwan mo ako dito??? Gago ka! Wag na wag mo akong bibitinin ng ganun!!" inis na sabi ko sa kanya sabay hatak para makalabas na kami ng event hall..
"Hey, saan ba tayo pupunta??? Rita!" binitawan ko si Ken at nagmadali akong naglakad papunta sa parking area kung nasaan niya pinark ang kotse niya. Wala naman itong magawa kundi sumunod sa akin.
"Pumasok ka, ipag-drive mo ako."
"Rita, may pupuntahan nga ako ngayon!"
"Ipagdrive mo ako. Promise pagkahatid mo sa akin dun, wag mo na akong balikan. Puntahan mo na yung gusto mong puntahan.." walang nagawa si Ken. Sumunod naman ito at pumasok ng kotse. Ako naman ay nagmadaling pumasok din sa loob. Pagkasuot ko ng seatbelt ay iniabot ni Ken sa akin yung pink coat ko at pouch—— muntik ko pa palang maiwan to. Agad na nagmaneho si Ken.
"Saan kita dadalhin??"
Hinubad ko yung ipinasuot niyang suit niya sa akin at ngayon ay kitang-kita na ang hubog ng maganda kong hinaharap.
"Pinakamalapit na night club." napatingin ito sa akin at nahuli kong nagbaba ito ng tingin sa dibdib ko. Umiwas ito at seryosong tumingin muli sa daan.
"Fine."
Bakit nadismaya ako? Hahayaan niya talaga akong pumunta ng night club? Si Ken ba talaga ito? Kailan pa siya nawalan ng pakialam sa akin?
BINABASA MO ANG
Unwanted
Fanfiction"Kung sa pahabaan lang siguro ng pasensya, ako na yung Summa Cum Laude! Hindi ko to susukuan. Mahal ko to eh."