Ask

279 30 5
                                    

Rita's POV


Nanatiling nakataas ang isang kilay ko habang naghihintay ng sagot mula kay Ken. Hindi ko maiwasang makinig sa pag-uusap nila. Pero ng marinig ko ang gusto nitong malaman ay umalma ako. Wala na dapat siyang pakialam pa sa kahit na anong porsyento sa buhay ko!




"Ano? Tinatanong kita!! Ano bang pakialam mo sa lovelife ko???"




"Bakit bigla-bigla kang sumusulpot? Don't tell me, nag roroving ka na din kapag gabi? Pati trabaho ng guard ginagawa mo na?" sagot ni Ken sa akin. Malayong-malayo sa tanong ko sa kanya.



"Sakto pala ang paglabas ko, ako ang topic niyo. Still interested sa akin? Why? Hindi ka pa kuntento sa mga naging babae mo?" mataray na tanong ko dito.



"Ah, mauna na ako hah! Hehe. Natatae na kasi ako. Bye!!" biglang kumaripas ng takbo si Bianca at pumasok sa bahay ko. Naiwan kami ni Ken dito sa cottage, nanatili akong nkatayo, at si Ken ay hindi na nasundan pa si Bianca—- naiwan itong nakaupo sa cottage. Unti-unti akong lumapit at ako na ang pumalit sa kaninang inupuan ni Bianca. Pero hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Baka mapahamak na naman ako at ano pa ang masabi ko.


"Don't worry. Hindi na ako interesado sayo. I just wanted to know kung may relasyon kayo ni Sebastian. Katrabaho ko kayo for 2 weeks—- curious lang din ako kung alam ba ni Sebastian ang past natin."



"He knows everything." sagot ko dito tsaka ito napangiti at tumango-tango.



"Really? Everything?" makahulugang tanong nito na nagpagulo sa isip ko.




"Teka, nakainom ka ba?" tanong ko dito ng mapansin kong namumula ang gilid ng pisngi nito at leeg.



"Isang glass lang."





"Alam ba ni Lucia na magkatrabaho tayo ngayon?" curious na tanong ko dito.



"Oo."





"Kamusta na ang Mama mo?"






"She's okay. Actually mas bumuti ang lagay ni Mama doon. Nakakapagrelax siya—— masaya siya doon. Nag-aalaga siya ng mga makukulit na bata—- kaya tama talaga ang decision kong umalis dito." nag-iwas ako ng tingin ng tingnan ako ni Ken sa mga mata ko. Mas napabuti ang buhay nila ng Mama niya ng lumayo dito. Lumayo sa buhay namin. Sa paraan niyang magkwento ay bakas ko ang saya sa mga mata nito. Nasa maayos na ang buhay nito. Maayos at tahimik na buhay na dapat ay noon pa niya timatamasa—— kung hindi lang ako nagtanim ng galit sa kanya. Masayang buhay na deserve naman ng tao na ito. Sa ilang beses niyang ginawa ang lahat—— mapabuti lang ako, maging safe sa araw-araw, sa pag-aalaga niya—- kahit ilang beses ko siyang sungitan, pagalitan, sigawan. Hindi siya nagpatalo, hindi siya tumigil sa pag-intindi sa akin—— pero nasagad ko siya. Umabot sa puntong nasira ko na pati ang dignidad nito sa harap ng publiko, sa harap ni Dad at ng mga tao sa RDV. Ako, ako talaga yung dahilan ng lahat. At kung bakit ako nasasaktan ay kasalanan ko din naman. Kasalanang araw-araw kong pinagbabayaran. Hindi ako naging masaya ng buo. Kahit pa dumating si Gift sa buhay ko, alam kong may kulang. Alam ko. Pero yung kulang na iyon ay hindi na mapupunan pa. At kung hangadin ko parin , malabo na—— madami ng buhay ang masisira pa. Masaya na ito sa pamilyang meron siya.





"I'm sorry" mahinang sabi ko. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong napatingin ito sa akin. Ngayon ay nag-angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin.





"A-anong sabi mo?"




"I said I'm sorry."




"Nakainom ka din ba?" tanong nito kaya natawa ako.



UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon