Hah?

201 23 2
                                    

Rita's POV


Napairap ako dahil sa tambak na mga documents na kailangan kong pirmahan ngayon dito sa office ko. Dapat ngayon ay nagpapahinga pa ako dahil sa traumatic experience ko sa Tanay eh, Oo! Traumatic yun! At ayoko ng maulit pa yun. Lalo na't yung lalaki na iyon ang kasama ko. Grabe ang kamalasan kapag kasama ko siya diba? Tss..









Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Bianca. May dala ito pagkain.







Lunch time na pala, nakalimutan ko na dahil sa sobrang busy.








"Madaam! Tama na muna kakapirma mo! Kumain ka na muna!"




"Salamat. Pakilagay na lang dito. Aayusin ko lang tong files."



"Super workaholic ka naman today? Anong meron?"



"Bakit? Kailan ba ako tinamad sa trabaho? Tss. Alam mo Bianca, ibigay mo na lang to kay Ken sa taas—— pirmado na lahat yan.." sabi ko sabay abot kay Bianca ng documents.





"Okay, pero doon ko na lang sa mga staffs niya iiwan tong documents, wala kasi si Sir Ken today.."



Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang sinabi ni Bianca.




"Wala siya? Halfday?" umiling ito sa akin.






"So absent siya? Kailan pa yun natutong umabsent hah??"





"Hindi din."





"Anong hindi din? Naguguluhan na ako sa pinagsasabi mo hah.."





"Hindi papasok si Sir Ken ngayon at sa mga susunod pang bukas!"




"Bakit naman??"





"Hindi mo talaga alam Madaam??"







"Alam ang alin??"






"Nasa L.A si Sir Ken ngayon."



"L.A?? Los Angeles??"





"Hindi. Lower Antipolo! Charrot lang! Hehe. Oo! Nasa Los Angeles California na si Sir Ken ngayon."




"What?? Bakit?? Anong meron??" nagulat ako. Nagtataka.





"Aba malay ko?? Eh sa ating dalawa Madaam, mas close kayo nun eh! Baka nakwento naman niya na sayo?? Or nakalimutan mo lang."




"FYI, Hindi kami close!"





"Edi hindi!"




"Bianca, bakit nga siya nasa California?? Work related ba? Si Dad ba ang nagpapunta sa kanya?? Kailan pa siya nandodoon?"




"Wait lang Madaam! Kalma. Okay?? Wala din akong masasagot sa tanong mo kasi hindi ko naman Jowa si sir Ken! Tsaka ko na yan sasagutin kapag jowa ko na si Sir."




"Wow? Feeling?" sabi ko kay Bianca






"Joke lang Madam! Hindi naman kita aagawan kay Sir Ken eh!"





"Eww! Ano bang pinagsasabi mo! Sayong-sayo na yun! Kahit wag mo ng iuwi! Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain ng lunch!"




"Naku Madam! Kumain ka na po! Sige na, ako na ang jojowa kay Sir Ken. Wala ng bawian hah? Peksman?? Mawalan man ng lovelife forever? Bibigay mo talaga si Sir Ken sa akin??"





UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon