Last Holidays-Part 2

43 0 0
                                    

Malinaw naman 'yung pagkakatanda ko sa sinabi niya. Ang sabi niya, 3pm daw niya ako "susunduin", eh 4:30 na. Never naman nale-late 'yun. Nag-aalala na tuloy ako.

"Bakit kasi hindi mo tawagan Flora?" 

Biglang sabi ni Mama mula sa pintuan ng tindahan. Nandito kasi ako sa loob ng tindahan ngayon, tinatanaw-tanaw ko kung parating na 'yung unggoy.

"Eh hindi na. Parating na siguro 'yun." Pero ang totoo, nag-aalala na ko.

Maya-maya pa, nakita ko na siyang naglalakad mula sa malayo. Hay salamat...

..pero syempre panic mode na naman ako, nandyan na eh, kaya dating gawi. Kunwari na lang may kinocompute ako sa calculator ko na hindi ko alam kung ano, basta para lang makita niyang may ginagawa ako at hindi lang ako naghihintay sa kanya.

"Pabili po.."

"Sarado na kami."

"Grabe ka giraffe, hinintay mo pa talaga ko diyan sa tindahan niyo ha."

Gusto kong lumabas at manabunot.

"Nagbabantay ako! Sira ulo 'to. Oh ba't ngayon ka lang pala? Kala ko alas-tres? Gagabihin na tayo niyan, baliw 'to."

"Ang totoo kasi, nasa SM na ko kanina pa. Nakalimutan kong sabay nga pala tayo. Sorry ha. Pero binalikan naman kita eh!"

"Wow ha. Salamat naman sa pagbabalik mo. Sana nagpasabi ka para napagawan kita ng tarpaulin. Pumasok ka na nga dito."

Grabe siya. Ang sakit naman 'nun. Kala ko pa naman gusto niya talaga akong sunduin.

Pumasok na siya sa loob ng bahay namin at naupo dun sa sofa sa labas. Ewan lang kung bakit siya natatawa.

"Oo na, panget ako. Alam ko naman 'yun, hindi mo na kailangan tumawa."

"Ay alam mong panget ka? Dun ako lalong natawa! HAHAHAH!"

As in anlakas ng tawa niya!

"Oh Daniel, nandiyan ka na pala, kanina ka pa hinihintay niyan ni Flora."

GRABE. Pinandilatan ko talaga ng mata si Mama. 

"Oo nga po Tita eh. Naaksidente po kasi 'yung jeep na sinasakyan ko kanina papunta dito, eh natagalan din po kasi sa kalsada kaya na-traffic din."

Si Daniel naman pinandilatan ko ng mata. AKSIDENTE??

"Hoy, anong aksidente? May masakit sa'yo? Okay ka lang ba? Hindi ka ba dapat dalhin sa ospital? Adik ka kasi bakit hindi ka---"

"Ano ka ba? Maaasar ba kita ngayon kung hindi ako okay? Okay lang ako. May bumangga lang sa likuran ng jeep kanina. Buti nga sa gitna ako nakapwesto."

Nakakahiya. Naiiyak talaga ko. Nag-alala kasi ako.

"Teka, kukunin ko lang meryenda mo."

Bago pa man tumulo 'yung mga luha ko, nakatayo na ako at tumalikod na ko sa kanya, pero may sinabi pa siya.

"Oo na. Alam ko nag-alala ka. Hindi na ko nagtext kasi alam ko mag-aalala ka pa. Eh okay lang naman nga ko. 'Wag ka na umiyak diyan. Okay lang ako. Emo rin 'to eh."

Napaharap ako sa kanya bigla sa sobrang inis.

"Eh sira ka pala eh! Sinong nagsabing nag-alala.. ah wala! Tss. Ano ba gusto mong inumin?" 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon